Chapter 24

114 8 0
                                    

Chapter 24 – Tweet

Parang mainit na baga na sumiklab ang nangyari kay Apollo. Dalawang linggo na pero uhaw pa rin ang media sa totoong nangyari. Halos tungkol sa kanya lahat ang nakikita ko sa TV.

Napapailing na lang ako sa ipinakalat na article tungkol sa nangyari.

"A ng bandang Faber Castell, basagulero nga ba?"

"A nasangkot sa isang riot?"

"A nagsalita na ukol sa mga kumakalat na balita tungkol sa kanya."

Inihinto ko ang paglipat ng channel at tinodo ang volume ng TV ko sa kwarto.

Bumungad ang nakakatayo ng si Apollo sa screen. May benda pa ang kanyang ulo pero natatakpan iyon ng kanyang bonnet na suot. Sa kanyang tabi ay sina Chant, Cain at Porsche at syempre...

"So A, ano ba talaga ang nangyari ng gabing iyon?"

Napalunok ako sa unang tanong palang ng interviewer sa kanya.

Ngumiti siya. "Nasa parking lot ako.. then I heard some random girl screaming.. nagulat ako tapos nung nakita ko yung babae na may kasamang lalaki na halatang pinipilit siya ay lumapit na ako.."

Napatulala ako sa screen. He change what's really happened that night. Hindi ko siya masisisi. Maybe his handler told him to?

"Kakausapin ko lang sana yung lalaki pero lasing at wala na sa katinuan. At sinabi sa akin ng babae na binastos siya, sinuntok ako ng lalaki kaya sinuntok ko siya pabalik. Hindi ako yung tipong tatayo lang at hahayaan kong bastusin ang isang babae. At sa tingin ko alam niyo na ang sunod na nangyari.." aniya.

"Who's the girl?"

"Just some random girl, actually."

Napahagikhik ang nagtatanong.

"You're unbelievable, A! You're the famous A of Faber Castell then you just help some random girl on the street?" halakhak ng interviewer.

Napangisi si Apollo.

"I'm every girl's hero!" ngiti niya.

"Ano kayang pakiramdam ng mailigtas ng isang A?" malanding tanong ng interviewer. He licked his lips. He shrugged. "Dunno. Ask the girl." Halakhak niya.

"So wanted na pala si girl?"

Hanggang sa matapos ang interview na iyon ay nakatulala pa rin ako sa TV.

At least he's fine now.

Napaisip naman ako sinabi ng interviewer.

Anong feeling ng mailigtas ng isang A?

Sa totoo lang, ayaw ko ng maulit. Iniligtas niya nga ako pero kapalit nun na ikakapahamak niya? No way. Mas pipiliin kong mabastos na lang ulit kaysa makita siyang duguan at nakapikit.

Parang wala akong gana na lumabas kaya mas pinili kong magkulong sa loob ng condo ko. Maya't-maya akong nakakatanggap ng text kay Hera. Tinatanong kung okay lang ba ako? Pupuntahan niya daw ako at kung anu-ano pa. Naka-caps lock pa ang karamihan.

Pero sinasabi ko na gusto ko munang mapag-isa. Para ngang baliw dahil baka daw anong gawin ko! Anong akala niya sa akin? Magpapakamatay? Hindi naman ganun kabigat ang nararamdaman ko para tapusin ko ang buhay ko.

Marami pa akong gustong mangyari.. maramdaman.. at makasama ng matagal.. At ang pagkitil ng buhay ay hindi sagot sa problema, parang nagdala ka lang ulit ng isa pang problema kapag nagpakamay ka.

Niyakap ko ang unan ko. Pumikit ako pero hindi pa ako dinadalaw ng antok. Tumayo ulit ako at nagpunta sa kusina. Kinuha ko ang isang galon na ice cream at nilantakan iyon.

Hidden Love (Book ||) Where stories live. Discover now