Chapter 17

146 10 1
                                    

Diel's Note:

Schedule of Update: Every weekend. It's either Saturday or Sunday. Minimum of 4 chapters. Kapag hindi nasunod yan. Maybe the other week. Expect double updates (minimum of 7 chapters). Thank you! :)

-------------------------------------------------------------

Chapter 17 – Date

"Ayusin natin?" binalingan ko si Chant na mukhang nahihirapan sa buhok niya. Pinasadahan ko ng tingin ang aligagang paligid.

May shoot sila ngayon para sa isang magazine. Sumama na ako dahil wala naman akong gagawin sa condo. Balak ko sanang umalis na kasama si Hera kaya lang ay nauna na akong itext ni Porsche. Matagal ko na din naman na hindi sila nakasama kaya siguro panay ang text nila sa akin.

Wala pa sa set si Apollo at Maize.. well kasama dito si Maize sa pagkakarinig ko. May fan signing pa daw kaya medyo mahuhuli.

Isang linggo na ang nakakalipas simula nung gabing iyon. Sa tuwing naalala ko iyon ay laging sumasagi sa isip ko ang mga sinabi ni Yesha.. lalong lalo na ni Apollo. Para kasing may alam sila na hindi ko alam? Parang may hindi sila sinasabi sa akin? Parang may hindi siya sinasabi sa akin.. Ang gulo!

"Hi, ang ganda mo namang hairstylist!" nilingon ko ang photographer. Uminit ang pisngi ko sa kanyang sinabi. Tinignan ko siya. Simpleng polo at denim jeans lang ang suot niya pero malakas na ang dating. Mapapagkamalan mo siyang isang modelo sa mga magazine, pero kapag nakita mo na ang camera na nakasabit sa leeg niya ay photographer pala.

Nanatili ang titig niya sa akin na parang sinusuri ako. Nang umubo sa gilid si Cain ay napangiti siya.

"I'm Craig, and the beautiful stylist name is?" ngumiti ako pabalik at tinanggap ang kamay niyang nakalahad.

"Summer.. Summer Felice Calla, but I'm not a stylist.. they're my friends. I am a designer actually." Tawa ko.

Nakatitig lang siya sa akin, "You have a very unique smile, Summer.."

Muling uminit ang pisngi ko at nginitian nalang siya.

Muling may umubo sa gilid namin kaya sabay na kaming napabaling.

Nakita ko si Apollo kasunod si Maize na kakapasok lang. Pareho silang naka kulay skyblue na tshirt at faded jeans. OOTD?

Binalingan kong muli si Craig.

"Nice to meet you, Craig." Aniko bago siya tinalikuran.

May ubo siya? Dahil ba sa dami ng ininom niya? Pero isang linggo na ang nakalipas ah? May sakit ba siya? Eh bakit pumunta pa siya dito kung ganun?

"Okay! We're about to start!" agaw ng atensyon ng parang tagapamahala.

Umupo ako sa may sofa kaharap ng platform kung saan sila kukuhanan ng litrato. Unang sumalang si Cain. Napapailing na lang ako sa mga weirdong pose niya.

"Pores! Tao ka ba?" biglang tanong ni Cain kay Porsche habang kinukuhanan. Pores? Napatawa ako ng mahina.

"Fck you, Cainie! The hell I am! Obviously?" binato ni Porsche ng throw pillow si Cain.

"Naninigurado lang.." halakhak ni Cain.

Pores and Cainie, huh?

Binalingan ko ng tingin si Apollo at Maize na parehong inaayusan. Nawala naman agad ang tingin ko sa kanila nang harangan ito ni Craig.

"Sandwich.. you like some?" tinignan ko ang sandwich na may kagat na na inaalok niya.

Umiling ako at ngumiti. "Hindi na, busog pa ako."

Pero ang totoo ay tatanggappin ko sana iyon kung hindi pa bawas. Maarte na kung maarte pero sana kung mag-aalok ng isang pagkain lalo na na sandwich ay sana yun ng wala pang bawas.

Kita ko sa gilid ng aking mata ang pagsulyap-sulyap ni Apollo sa gawi namin. What?

Maya-maya lang ay si Apollo at Maize na ang sumalang. Inabala ko ang sarili ko sa pagtingin ng mga kuha nila Chant, Cain at Porsche sa monitor. Ang akward naman kung panunuorin ko silang dalawa.

"Apollo! You're too stiff! Hold Maize's waist!"

Napatingin ako sa dalawa nang marinig ang reklamo ng kumukuha.

Nakita ko ang pagkairita ni Apollo at parang wala siya sa wisyo. Ngumuso ako. Hindi naman siya napapagalitan nung last na may pinagawa sa kanyang ganito? Ako pa nga ang mas napagalitan noon?

"Hmm.. Summer?" binalingan ko si Craig sa aking gilid.

Nginitian ko siya, "Yes?"

"Apollo! Eyes on the camera!" rinig kong sigaw ng photographer.

"What?" tanong ko kay Craig.

Kinagat niya ang kanyang labi. Nagkamot siya ng batok at parang may sasabihin na hindi masasabi-sabi.

Ngumiti akong muli. "What is it? Just tell me." Kumbinsi ko.

"Ahm.. you know.. I kinda like you." Aniya.

"Ah..." napa-awang ang bibig ko. Wow. That was fast. And a very bold move. Is he confessing? Kakakita pa lang namin ah? Like... 40 minutes ago?

"Apollo!"

Lumayo ako ng kaunti doon para hindi marinig ang sigaw ng photographer.

"And.. I'm asking you.. can I take you on a date?"

"Date?" tanong ko. Agad naman siyang tumango.

Napaisip naman ako. Kung sakali ito ang unang beses na lalabas ulit ako. I mean mage-entertain para sa isang date.

It's just a date? A friendly date so... why not?

"Okay." Tipid kong tugon.

Parang nagulat naman siya doon dahil nanlaki ang mata niya.

"What— really? Wow! Thank you! I'll pick you up! Later 6PM."

Tumango ako at nginitian siya.

"Sure! I'll text you my address."

"Damn!" halos lahat kami ay napabaling sa platform kung saan sila kinukuhanan. Naabutan ko ang pag-alis ni Apollo doon.

Anong nangyari? Itatanong ko na sana pero naitanong na ni Chant.

"What is his problem?"

"Bahala siya! Wala siya sa pokus! Kung saan-saan nakatingin! Sabi ko ngumiti, hindi ako sinusunod! May problema ata 'yang si A!" ani ng photographer.

Nilingon ko si Maize na ngayon ay matalim ang titig sakin. Why? Ano na naman ba?

Sumunod ako kila Cain, Porsche at Chant para sundan si Apollo. Pero napahinto ako nang bungguin ako ni Maize at nauna na sa paglalakad. Napaawang ang bibig ko. Ang laki-laki ng daan! Ano ba siya higante?!

Ano bang problema niya? Nakakahalata na ako ah!

Hidden Love (Book ||) Where stories live. Discover now