Chapter 27

125 7 1
                                    

Chapter 27 – Prank

Napamulat ako sa maingay na tunog ng isang cellphone. Hinanap ko ang kanyang phone dahil alam ko ay hindi iyon akin dahil iba ang ring tone.

Bahagya akong humiwalay sa kanya. Napangiti ako nang ang payapa niyang imahe ang bumungad sa akin sa umaga. Napakagat ako sa ibabang labi ko ng makita sa orasan na maga-alas onse na. Sht! Tanghali na pala!

Nakita ko na "Manager Hazel" ang nakalagay doon ay sinagot ko na.

"What the hell?! A, where the hell are you?! Hindi ba pinaulit-ulit ko na sayo na may TV guesting ka ng 7 am?! And shocks! May naka-sched ka din na interview ng 8 am! And now! 1 pm may mall show kayo! Where the living hell are you?!"

Napapikit ako at inilayo ang phone sa tainga ko. Wow. Mad woman.

"Ahm.."

"Be here! Kapag wala ka pa dito ng 12 pm ay makikita mo, A!"

Hindi na ako nakapagsalita pa dahil binaba na niya ang phone.

Bumangon na ako at umupo. Tinali ko ang buhok ko sa isang messy bun. Napabaling ako sa phone niya ng magring ulit ito. Ngayon ay si Cain naman ang tumatawag.

"Hello.."

"Sassy?" gulat na tanong nito. Napangiti ako.

"Your morning voice is sexy.." halakhak niya.

Sumimgot lang ako. Kahit kailan talaga.

"He's there, isn't?" halakhak niya ulit. Uminit ang pisngi ko.

"Ahm.." nagulat ako nang may humawak sa bewang ko at yumakap sa akin mula sa likod. Mas lalong lumiyab ang pisngi ko.

"Hey.." tawag sa akin ni Apollo.

"Yes he's here. Don't worry, makakarating siya mamaya." Ngiti ko.

Halakhak lang ang natanggap ko kay Cain.

Tumayo na ako at pinagtaasan siya ng kilay.

Inayos niya ang buhok niya at nag-unat.

"May mall show kayo mamayang 1 pm! Bakit hindi ka gumising ng maaga! May mga commitment ka pala?"

"Why? I miss you.." nguso niya.

Demn you, Apollo! Tumalikod na lang ako at lumabas bago pa niya makita ang pagpula ng pisngi ko.

Nagluto ako ng garlic rice, hotdogs at bacons. Pinagtimpla ko na din siya ng kape. Tumalikod ako para mailagay na sa lamesa ang niluto ko at halos atakihin ako sa puso nang madatnan siya doon sa may lamesa. Nakatayo at parang kanina pa ako pinapanood.

Nakasuot na siya ngayon ng sando.

Hirap na hirap ako lunukin ang pagkain dahil kanina pa siya nakatitig. Parang bawat subo ko ay pinapanood niya.

"Yung condo mo? Ikaw lang talaga nakatira?" o kasama si Maize?

Kailangan ko siyang libangin dahil kapag titig lang siya ng titig ay baka maging tubig na ako.

Pinagtaasan niya ako ng kilay.

"Yeah. Pero may condo talaga ang banda. Nasa DBE bldg. Gusto mo makita?"

"Maybe next time.."

Napatingin ako sa kanya ng makita ko siyang ginalaw-galaw ang kanyang leeg.

Napaisip naman ako. Hindi ba sila napapagod? I mean sunod-sunod ang mga events nila? Wala ba silang bakasyon?

"Wala ba kayong bakasyon?"

Nag-isip siya. "I think we have. This coming month I guess." He shrugged.

Hidden Love (Book ||) Where stories live. Discover now