Chapter 20

137 10 0
                                    

Chapter 20 – Masquerade Ball

Isang linggo matapos ang gabing iyon ay hindi ulit kami nagkita. Naging busy na din kasi sila sa sunod-sunod na guestings, fansigns at iba pang events.

Ako naman ay naging abala na din sa paghahanda para sa isang event na inorganize ng management ng Vogue Glam. Isang engrandeng masquerade ball ang gaganap bukas.

Features ang mga designs ng ilang famous amateurs and seniors designers kabilang na ang mga gawa ko. Ang alam ko ay may media dahil dadaluhan ito ng mga sikat na fashion desiners sa iba't-ibang bansa, mga artista pati na rin mga kilalang tao. Ngayon pa nga lang ay hindi ko na maitago ang kaba dahil ito ang unang malaking event na inorganisa ng Vogue Glam para ihayag ang mga gawa namin.

"Hija.. kamusta ka na dyan..." napangiti ako sa kalmadong boses ni Lola.

"Okay lang ako, La. Baka po umuwi ako dyan at magbakasyon.."

Isinalin ko ang tubig sa baso bago tumalikod at inilagay ang gata sa kasirola ng dahan-dahan.

"Anong ingay yun.. hija? Nagluluto ka ba?"

"Opo, La. Laing po... nainom niyo na po ba yung mga gamot niyo? Nandyan ba si Tita Rosebelle? Si Hera po?"

"Si Mayeng.. namalengke si Rosebelle, hija.. yung anak niya naman ay lumabas.."

Natapos ang usapan namin ni Lola pagkatapos ko din magluto. Inamoy ko ang nakakatakam nitong usok. Nakakagutom!

Inihanda ko na sa lamesa ang pagkaing niluto ko. Uupo na sana ako nang may biglang kumatok sa pinto at nagulat ako ng bumukas ito at iniluwa si Hera.

"Ba't ka na-"

"Surprise!"

Napa-awang ang bibig ko nang biglang tumakbo sa akin at yumakap sila Athena at Zeus.

Nang maka-recover sa sitwasyon ay yumuko ako para makita sila ng maayos.

"What are you doing here my babies?" pinisil ko ang mamula-mulang pisngi ni Athena at ginulo ang buhok ni Zeus.

"We wanted to see you.." nguso ni Zeus. Napatitig ako sa magandang pares ng kanyang mga mata. He's like little Apollo.

"Gusto niyong kumain? Nagluto ako!" binuhat ko sila at iniupo. Hinainan ko sila bago ko binalingan si Hera na abala sa pagtingin sa gown na nasa sofa na hindi ko pala natabi.

"San ang parada mo, babae?" tanong niya sabay turo sa Red Velvet Off-Shoulder Backless Dress.

"Why? Sama kita!" anyaya ko.

"Yes! Where's ma' gown?" maarteng aniya. Kahit kailan talaga hindi nito papalampasin ang mga event na pinupuntahan ko. Dahil bukod daw sa mabubusog ang tiyan niya ay pati daw ang mga mata niya ay nabubusog.

Napailing-iling nalang ako.

Napahalakhak ako. "Samahan kita sa changge mamaya!" panunuya ko. Sinimangutan niya naman ako.

"Pili lang ako sa closet mo!" aniya bago mabilis na nagtungo sa kwarto ko. Hinayaan ko na siya.

"Buti pinayagan kayo ng mommy niyo na sumama kay Ate Hera?"

Tanong ko sa dalawa.

"She doesn't care anyway.. her only concern is her new dress or earings.." nguso ni Athena.

"Nasan siya?"

"She's always out, Ate.." Ate... nakakamiss lang ang pagtawag nila sa akin ng Yaya!

"Si Manang ang nag-aalaga sa inyo?"

Tumango si Zeus.

Ilan taon na ba sila ulit? 7? Hanggang ngayon hindi pa rin sila matutukan ng alaga ni Miss Lacoste? Ganun ba siya kaabala sa trabaho niya? Na pati sarili niyang mga anak hindi niya man lang matutukan?

Hidden Love (Book ||) Where stories live. Discover now