Chapter 2

159 9 0
                                    

Chapter 2 - Comment

"Tinatanong ni Lola kung kailan ang uwi mo, gaga!"

Halos gusto ko nang pumasok sa loob ng screen para sabunutan si Hera. Kanina pa siya nangungulit na umuwi na daw ako at ngayon ay ang dinahilan naman niya ay si Lola. Alam na alam niya talaga kung ano ang dapat na sabihin para makumbinsi ako.

"Marami pa akong kailangan tapusin dito.." pagdadahilan ko. Umirap siya. Sasapakin ko talaga to pagbalik ko!

Sinipat niya ako na parang may hinahanap. Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Nga pala! Sabi mo never ka pa naka-hanap ulit ng ka-Always mo dyan, so may pag-asa pa kayo ni A?" tinakpan niya ang bibig niya na parang hindi niya dapat sinabi yun pero napa-irap lang ako. Sinandya niyang buksan ang tungkol dito kunyari pa siya!

"Alam mo bang may bago na ang gago?" halakhak niya. Inismidan ko lang siya at konting-konti nalang ay isasara ko na ang laptop. Tinitigan niya ako na parang nahulaan niya ang reaksyon ko.

"Ito naman! Akala ko ba nakamove-on ka na?" she quoted the word move-on using her two fingers.

Oo naman! Pero anong ibig sabihin niyang may bago? Nagbreak na sila ng fiancé niya tapos may bagong girlfriend ulit ganun ba?

Tumango-tango ako.

"Eh bakit mukhang affected ka parin?" inilapit niya ang kanyang mukha sa screen. Baliw talaga.

"Hindi. Bakit ba siya ang topic natin?" inis kong bulyaw sa kanya.

"What? Just giving you a piece of info 'bout him. Alam mo bang busy sila sa world tour? And... guess what?!" eksaherada niyang sabi sabay lapit ulit ng mukha sa screen.

Nangunot ang noo ko. Now I'm curious.

"Ano?"

"Ayiie! Gusto niyang malaman!"

Inirapan ko siya. Parang tanga talaga kahit kailan!

"Ito naman! Dyan! Ang alam ko bukas ang sched nila ng concert dyan! Nakabili ka ba ng tix?" ngiting-aso niya. Sinimangutan ko siya.

Ngayon ko lang nalaman na may concert sila dito how come na may ticket ako ngayon. At tsaka.. tsaka bakit naman ako pupunta doon?!

"Busy ako. Wala akong time para doon."

May concert sila dito? Wow. Ganito na ba sila kasikat ngayon? Kaya nilang mag-produce ng concert dito sa ibang bansa na alam naman natin na dayuhang mga artista sila? Kaya ba nilang punuin ang concert venue dito? Siguro nga talagang sobrang sikat na sila. Malayong-malayo na siguro sila sa Faber Castell na kilala ko.

Sa sobrang daldal niya ay napuyat ako kinabukasan. Hindi niya ba alam na nung tumawag siya ay gabi na? Palibhasa umaga doon!

Naligo ako at nagbihis. I wore a simple black signature shirt and ripped jeans and a pair of white sneakers. Designer ako at halos lahat ng co-designer ko ay puro glamorosa at pamoso ang mga suot pero mas pinipili ko pa 'ring maging simple.

Bago pumasok ay dumadaan muna ako sa isang sikat na coffee shop dito. Sa sobrang sarap ng kape nila ay hinahanap-hanap ko. And I don't know maybe... because of the name of it that reminds me of.. someone?

Umupo ako sa table sa tabi ng glass wall. I don't know I just feel like it ever since... Yung maupo sa tabi ng glass wall.

May lumapit sa aking pamilyar na server.

"Good day, Maam. One hot Apollo again?" ngiti niya.

Tumango ako kay Alyssa bago siya umalis na din.

Hidden Love (Book ||) Where stories live. Discover now