Chapter 12

132 9 0
                                    

Chapter 12 – Pagod

Nang biglang dumilim ay halos mapakapit ako sa upuan ko nang maghiyawan ang mga fans nila. Halos dumagungdong ang buong MOA sa sabik nila sa kanilang mga idolo. Napangiti ako sa solidong suporta ng kanilang mga tagahanga.

I am also a fan. Ibang grupo nga lang at taga-ibang bansa. Nabalitaan ko pa nga na may gaganapin silang concert dito sa Pilipinas. Hindi ko talaga iyon palalagpasin! Ganito siguro ako kung sakali!

"Faber Castell! Faber Castell!" paulit-ulit na mantra ng kanilang fans.

Napabaling ako sa stage nang may tumapat doon na spotlight. Para akong tanga na nakatunganga lang sa kanila dahil sa pagkamangha. Hindi pa ganyan ang itsura nila nung lumabas ako sa dressing room nila! Nakasuot na sila ng simpleng white tshirt na pinatungan ng coat at naka-denim pants. Napa-awang ang bibig ko nang lumiwanag ang buong MOA. Sa sobrang ganda ng epekto ng mga ilaw ay para akong bata na ngayon lang nakakita ng ganito. Grabe!

"Goodevening, FCies!"

Halos mapatawa ako sa binitawang tawag ni Porsche sa mga fans nila. FCies, huh?

Ang unang prod nila ay kanta lang, renditions nila ng iba't-ibang kanta. Ang sumunod ay tumugtog sila. Iyon ang parte na halos lahat kami nakatayo dahil ang mga tinugtug nila ay ang popular na mga rock songs nila. Sa mga sumunod pa ay mga guest performers. Halos isang oras din ang tinaggal ng kanilang concert. Sumayaw pa nga sila pero sandali lang. Hindi ko pa nga nailalabas ang phone ko para kuhanan sana sila ay tapos na.

"Thank you for joining us this evening, guys. You know that we love you, right?"

Parang mga kiniliti at naghisterika ang mga fans nila sa patutsadang iyon ni Apollo. Oh, man. Iba talaga ang epekto niya sa fans niya.

Halos makaramdaman ako ng kung ano sa aking sistema ng mapang-akit siyang umupo sa may high chair at nilagay sa kandungan ang kanyang gitara.

Napatitig ako doon. Kulay blue ito at may disenyong mga ulap... diba ito yung dati niya? Hindi pa ba siya nagpapalit?

"This last song is dedicated to..."

Napatitig ako sa kanya at parang hinahabol ng kabayo ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok.

He scanned the crowd. Para bang may hinahanap ang kanyang mga mata.

Napangiti siya nang matagpuan niya ito. Napalunok ako at hindi na mahagilap kung paano huminga. Nakabaling siya sa banda namin ni Hera...

"..to my girl, Maize."

Napawi ang lahat ng nabuo sa utak ko. Parang binigyan ako ng isang regalo pero agad ding binawi sa akin dahil nagkamali lang pala siya.

Nang muli akong nag-angat ng tingin ay sinalubong ako ng kaniyang mga mata. Kinunutan ko siya ng noo at lumingon ako sa likod. There I saw Maize. Sitting right behind me. Ang kanyang magandang ngiti ay nakapaskil sa kanyang mukha.

Binalingan kong muli si Apollo. Dahil sa spotlight na nakatapat sa kanya ay kitang-kita ko kung saan siya nakatingin. Duling ba ito? Bakit ang tingin ko ay sakin siya nakatitig?

Naagaw ang atensyon ko ng hiyawan ng mga tagahanga nila ay hindi na magkamayaw.

"Coz it's you and me..

And all of the people are nothing to do.."

Sa buong kanta niya ay nakatulala lang ako. Parang bawat tao sa loob ay hinaharana niya. Ang kanyang malumanay at napapaos na tinig ay nagpapataas ng aking balahibo.

Kinanta niya ang You and Me. One of my favorite song.

"Ah.. guys, uwi na kami."

Nakayuko akong sumunod kay Hera. Sabi niya ay magpaalam muna kami bago umalis. Gusto niya lang makita siguro si Chant kaya pinagbigyan ko na.

Hidden Love (Book ||) Where stories live. Discover now