Chapter 8

151 13 0
                                    

Chapter 8 – Bakit, Apollo?

Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin. I wore a gown that I made. A simple peach gown with a long slit beside just to show off a little of my legs. May kapareho itong damit na dinisenyo din ng isang sikat na aktres at isinuot niya sa isang premiere night ng kanilang pelikula ng kapareha niya. I even copy her outfit that night, from her head up to her toe.

Nag-offer si Porsche at Cain na sila na daw ang susundo sa akin na agad ko namang sinang-ayunan.

Nang may kumatok na sa pinto ng condo ko ay agad ko itong binuksan.

Tumambad sa akin ang dalawa, suot ang suit na dinisenyo ko. They look dashing as always. Bagay na bagay sa kanilang dalawa ang kanilang suot. The usual playboy look of Porsche and happy go lucky look of Cain. They even smell so good. Hindi matapang ang kanilang pabango, sapat na para makabihag sila ng babae sa gabing ito.

Wait.. wala pa ba silang girlfriend hanggang ngayon? O ayaw lang nilang sabihin dahil natatakot silang i-bash ito ng mga fans nila? Well... we don't know.

Kumapit ako sa braso ni Cain. Nang makarating kami sa kanyang sasakyan ay may babaeng naka-upo sa front seat. Sino iyon?

"Hi.." bati nito sa akin. She looks familiar..

Nanlaki ang mga mata ko. Oh my God!

"Ah... hindi siya kakambal ni Hya.. sadyang may hawig lang sila." Paliwanag ni Porsche nang parang nakuha ang nasa isip ko.

Oh... Hindi magkaano-ano pero magkamukha? Hindi naman totally magkamukha pero sobrang laki ng resemblance niya kay Hya. Is that even possible?

Sa byahe ay panay ang titig ko kay Hya na girlfriend ni Porsche and guess what? Magkaparehas pa sila ng pangalan! Pero siya ay Hya Evadne while Hya, which is Apollo's step sister is Hya Gaille.

"Err have we met before?"

Napabaling siya sa akin.

"Yes, dati nung nag-outing tayo.." mabilis niyang tugon.

Outing? Napa-isip naman ako.

Ahm... ah.. napalunok ako nang may naalala. The day I broke up with Apollo, right?

Nang makarating kami ay madami na ang bisita. Tumingala ako nang biglang sumilay ang isang banyagang pakiramdam.

Ito ang mansyon ng mga Ynares...

Sa ganda ng labas ay alam mong hindi basta-basta ang may-ari.

Napalunok ako.

Nang makapasok kami ay agad na binati sila Cain ng mga kakilala. I feel so out of place. Wala akong kakilala dito.

"Ate Summy?"

Napalingon ako sa gawing kanan ko nang may tumawag sakin. Halos mapaawang ang bibig ko ng makita ko kung sino.

"Zeus.. Athena?" agad silang tumakbo sa akin at niyakap ang bewang ko.

Napangiti naman ako at hinalikan ang tuktok ng ulo nila.

Nakipag-kwentuhan ako saglit sa kanila bago sila kinuha ng yaya nila which is si Manang na dati nilang yaya na nakilala ko noon.

Ang laki-laki na nila. Parang kailan lang... Nakakatuwa dahil hindi nila ako nakalimutan. Ang bilis talaga ng panahon. Hindi mo namamalayan ang bawat paglisan ng minuto, ang bawat pagtakbo ng oras.. namamalayan mo na lang, madalas ay marami na ang nag-iba.

Matapos kumain ay maraming seremonyas na naganap. Hindi ko na-experience ang mag-debut noon. Ganito pala ang ayos at mga nangyayari. Para akong tanga na namamangha sa tabi. I wish I had the chance to do those things. Pero hindi na maibabalik ang panahon.

Hidden Love (Book ||) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang