Chapter 19

114 10 0
                                    

Chapter 19 – Lindon

Nagkibit-balikat nalang ako at lumabas na ng kotse. Ang iilang poste ng ilaw na nakabukas at ang liwanag ng buwan na lang ang nagsisilbing tanglaw.

Lumapit ako sa may railings. Napasinghap ako ng makita ang citylights.

Ang aligagang Maynila.

Ang nagkikislapang mga ilaw galing sa mga gusali at mga sasakyan ay nakakaakit sa mata.

"You didn't wake me up.."

Halos mapatalon ako nang may magsalita sa likod ko. Napalunok ako nang lumandas ang braso niya sa magkabilang gilid ko, ang kanyang kamay ay nakakapit na sa may railings.

"Apollo," banta ko.

"What? Shh.." pagpapatahimik niya sa akin.

Anong what?! Bakit ganyan ang kilos niya? Mas lalo akong naguluhan.

Kinagat ko ang labi ko at hindi na nagsalita.

Pinagmasdan ko ang mga ilaw sa gabi. Nang umihip ang malamig na hangin ay nagulat ako ng mas lumapit pa si Apollo at bahagya siyang yumuko at ipinatong ang kanyang baba sa balikat ko.

"Apollo," banta kong muli.

"Please, Summer. I know.. I know.. but don't mind me please." Bulong niya na parang nagsusumamo. Napapikit ako.

Hinapit ko ang jacket na suot ko dahil sa lamig.

"Someday, I will be brave enough to fight for what I want.. and for whom I love."

Napatulala naman ako. Why? Is he not brave enough for confessing his feelings towards his onscreen partner?

"Bakit? Hindi pa ba matapang yung ipaalam sa buong mundo ang relasyon niyo?" nakangiti kong tanong pero walang bahid ng pagkatuwa.

Humigpit ang kapit ko sa railings nang ibaon niya ang labi niya sa leeg ko. Naramdaman ko ang pag-amoy niya sa buhok ko.

"I never told you that we have a thing."

Umalis ako sa pwesto at hinarap siya. Pinagtaasan ko siya ng kilay. Anong ibig niyang sabihin?

"Ano?"

Nagkibit-balikat lang siya at naglakad palayo sa akin. Sinundan ko siya na balak pa atang maglakad-lakad.

"Apollo! Ano yung ibig mong sabihin?" pinigilan ko ang braso niya. Ngumuso lang siya at bumaling sa tanawin at naglakad ng muli.

Napa-awang ang bibig ko. Did he just ignore me? The eff!

"Apollo!" mariin kong tawag nang may ilang hakbang na ang layo niya sa akin.

Parang wala siyang narinig dahil hindi manlang niya ako nilingon.

"Apollo!" ulit ko pero tinaas niya lang ang kamay niya.

Binalingan niya ako at sumenyas na sumunod sa kanya.

Is he not going to tell me? Mukha na akong tanga dito dahil pakiramdam ko ako lang ang walang alam!

Napahinto ako at kinapa ang phone ko sa bulsa nang mag-vibrate ito.

Nakita ko na may text si Cloe doon.

From: Cloe

Girl! May event na inorganize ang management dyan. You should come! No. You must come! Features ang mga designs mo!

Binalingan ko muna si Apollo na ngayon ay nakahinto na pala at nakatingin sa akin. Nakapamulsa siyang nag-aantay. Agad akong nagtipa ng reply.

To: Cloe

Okay. Text me where and when. :)

Ibinalik ko na ang phone ko sa bulsa at mabilis na naglakad para puntahan na siya.

Nang malapit na ako sa kanya ay tinalikuran niya ako at naglakad nang muli.

Nagtiim-bagang ako at sumibol na ang pagka-inis.

"Apollo!" tawag kong muli.

"Coops, Summer! Apollo is not my name." ani niya nang hindi ako nililingon.

"I don't have time to play your games, Apollo!" inis kong ani.

Nilingon niya ako, napawi ang ngisi niya nang makita ang pagkairita ko.

"Ano bang ibig mong sabihin? Pinaglalaruan mo ba ako? May dapat ba akong malaman? Tell me!" singhal ko.

Nilapitan niya ako at tinitigan. Ang kanyang mabigat na titig ay hindi ko matagalan.

"Ako ang maraming tanong, Summer.. I need answers.."

Napakurap-kurap ako sa tindi ng titig niya.

Kitang-kita ko ang paggalaw ng adams apple niya.

Nakailang bukas-sara ang labi niya bago siya nagkalakas ng loob na sabihin iyon.

"If you love me back then, why'd you leave me? Why having someone else behind my back? Why, Summer?"

Napaawang ang bibig ko at nanlaki ang mga mata. What? Having someone else behind his back? Saan niya naman nakuha yun?

"Wala akong iba..." tanging nasabi ko.

Tumango-tango naman siya na nangingisi. Kita ko na hindi siya naniniwala.

"Saan mo naman nakuha yun? Wala akong iba, Apollo! Ikaw lang..." bulong ko sa huling salita.

"Really?"

Napatitig ako sa kanya.

"Sino yung lalaking nasa bar noon? Dark brown hair, dimples, masculine body. Narinig ko siya na may nangyari sa inyo noon! Anong iisipin ko?!" mariin niyang ani.

Dark brown hair? Dimples? Masculine? That's... that's Lindon!

"That guy.. si Lindon yun.. he is always after me way back in States.."

Napatulala ako at inalala ang una naming pagkikita.

"So, Summer this is Lindon Casper Monde. Siya yung dadamitan mo for the event. He's a half Filipino by the way."

Nginitian ko ang lalaki na kanina pa ang tingin sa akin kanina.

Tinanggap ko ang nakalahad niyang kamay. Aalisin ko na sana iyon nang higpitan niya pa lalo ang hawak.

Napangiwi ako at nailang.

Pagkatapos ng tungkulin ko sa kanya ay palagi na siyang nasa opisina. Kung hindi magdadala ng chocolates, flowers or gifts ay iimbitahan niya ako sa isang date. Isang beses ko siyang pinaunlakan pero hindi na ulit iyon naulit dahil sa isang pangyayari na ayaw ko ng balikan pa.

"Ahmm... Lindon, lasing ka na kasi.."

Umusog ako ng kaunti sa sofa malayo sa kanya.

"Who's Apollo? Lagi mong binabanggit ang pangalan ng lalaking iyon!" malademonyong ngisi niya.

Napalunok ako nang lumapit ulit siya at humilig sa akin. Ang kanyang kamay ay nasa hita ko na. Pilit ko iyon na hinahawi pero mas malakas siya. Maya-maya lang ay pwersahan niya akong pinaharap sa kanya at siniil ako ng marahas na halik. Nanginig ako dahil sa kaba. Lumandas ang luha sa aking pisngi at pwersahan siyang inilayo.

"He is my boyfriend! Don't you dare touch me again!" aniko at mabilis ng tumayo.

"Boyfriend? Really? Tignan natin." Kitang-kita ko ang ngisi niya bago ko siya tinalikuran.

"Anong sinabi niya sayo?" lumandas ang maliit na patak ng luha sa pisngi ko.

"Hey.. don't worry. Now I know.. Now I know.. Summer please don't cry." Suyo niya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Namungay ang kanyang mga mata.

"Let's go, I'll take you home.." aniya bago ako marahan na inakay.

Hidden Love (Book ||) Where stories live. Discover now