Chapter 7

133 11 0
                                    

Chapter 7 – Halik

Naramdaman ko ang pagka-estatwa niya sa tabi ko. Parang nagulat siya na umiiyak ako. But... then again mabilis lang iyon dahil agad na bumalik sa blanko ang ekspresyon niya.

"I don't have any hankerchief with me so..." pinunasan ko ang luha ko gamit ang likod ng aking kamay bago bumaling sa kanya.

Itinaas niya ng bahagya ang laylayan ng kanyang white vneck shirt na animoy sinasabi niya na iyon ang gawin kong pamunas.

Umiling ako at ngumuso. Is he kidding? Tingin niya ay papayag ako?

Uminit ang pisngi ko nang bahagya kong nakita ang mas lalong nadepinang abs niya nang sumilip ito. Maganda ang kanyang hubog ng katawan noon but now.. I can't even look at it for long! Pakiramdam ko ay magiging kamatis ang pisngi ko kapag tinitigan ko iyon.

Nagdalawang sulyap ako sa kanya nang sumenyas siya na lumapit ako. Kinunutan ko siya ng noo. Umiling-iling siya na animoy natatawa. Pinagtaasan ko siya ng kilay. What's funny?

"Just move a little.. masyado kang malayo." aniya na hindi naman nakatingin sa akin kundi sa tanawin. His narrow nose, and thick dark eyelashes... kitang-kita ko iyon mula sa aking pwesto. Masyadong ilegal ang kanyang mukha.. pati katawan at... pagkatao niya. He's famous, right? Maraming nahuhumaling sa kanya ngayon. Siguro'y madami ding naninira dito.

Umusog ako pero nagbigay parin ako ng konting puwang na hindi magtatama ang braso namin. Bahagya siyang yumuko at ipinatong ang mga braso sa railings. Ngayon ay naagaw ang atensyon ko nang lumaylay ang suot niyang kwintas sa harap niya.

Isang silver necklace na may A na disenyo. A ang pangalan niya sa industriya hindi ba?

"You've change.." mahinang sabi niya.

Nagulat naman ako. Ako? Paano niya naman nasabi?

"Huh?"

Binalingan niya ako, nag-iwas ako ng tingin. Ang mala-abo niyang mga mata... ay parang may nag-iba. His set of gray eyes.. I saw some changes in it.

"Your looks.. the way you dress.. hmm.. alot."

Simpleng sagot niya.

Napailing naman ako. "Hindi naman. May mga hindi parin nagbago tungkol sa akin. Ikaw nga 'tong marami ng nag-iba." tinignan ko siya.

Pinagtaasan niya ako ng kilay. Bumagsak ang mga mata ko sa labi niya pero agad ko din akong nag-iwas.

"Me?" takang tanong niya. Ngumisi siya.

Mas lalo kang gumwapo, mas lalong gumanda ang katawan mo. Mas tumangkad ka pa..

"Hindi na laing ang paborito mo," tanging naisatinig ko.

Napalingon siya sa akin. Tinitigan niya ako.

Nag-iwas ako ng tingin, hanggang ngayon parin pala ay hindi ko matagalan ang mga mata niya. "Carbonara na diba?" parang hindi ko makilala ang naging tono ko. Panunuya? Really, Summer?

Kitang-kita ko sa gilid ng aking mga mata ang kanyang mabigat na titig. Walang ekspresyon siyang nakatingin sa akin.

"Yun ang nakahain e' who am I not to eat it?"

"Eh diba favorite mo daw yun?"

"Who told you that?" pinagtaasan niya ako ng kilay.

Umiling-iling ako. "Wala. Kalimutan mo na." ngiting-pilit ko.

Napahinto ako nang may maalala.

"Hindi pa nga pala kita nasusukatan!"

Napakamot siya sa kanyang batok bago tumango. "Ah.. yeah,"

Hidden Love (Book ||) Where stories live. Discover now