Chapter 38

112 7 1
                                    

The end is near....

———————————

Chapter 38 - Holding On

Parang isang ihip lang ng hangin ang lahat. Parang isang hampas ng alon. Parang saglit na pag-ambon. Sobrang bilis.. hindi ko na lang namamalayan na nasa ganitong sitwasyon na ako ngayon.

"Apollo's onscreeen loveteam and real-life partner na-diagnosed na may brain cancer!!"

"Libo-libong panalangin para sa aktres na si Maize, dumagsa!"

"Isa daw sa mga nagpalala ng kondisyon ni Maize ay ang stress tungkol 'di umano sa kumakalat na litrato sa social media!"

"Mga fans nina Maize and Apollo, binabash nga ba ang isang sikat na designer sa social media?"

Tulala ako at hindi na matignan ang nasa TV. Halos magkulong na ako sa condo. Kulang na nga lang ay magsuot ako ng orange na tshirt para matawag na akong preso. Hindi na ako makalabas. Ni hindi na nga ako makapaglakad ng walang titingin ng masama sayo at kukuha ng litrato.

Isang linggo pagkatapos ng pag-alis ng banda para sa kanilang concert sa Australia ay ganito na ang naging sitwasyon.

Parang kumurap nga lang ako at pagbukas ko ng social media accounts ko nagkalat na ang litrato namin ni Apollo sa EK at sa iba pang lugar. Halos lahat ay stolen at malayo ang kuha pero may ilan talaga na kitang-kita ang mukha ko. May mga magkahawak-kamay kaming naglalakad. Halos lahat ay nakatakip ang mukha namin pero mas isang litrato na kuha na nakatanggal ang mask at shades namin. Sa isang sementeryo kung saan ang araw na dinala niya ako sa puntod ng mommy niya. Hindi ko alam na araw-araw pala ay may sumusunod sa akin o sa amin.. Hindi ko alam na may kumukuha pala sa amin ng litrato. Pero bakit? Para saan? Sino ang nag-utos? Mayroon nga ba? Kung sino man siya, halatang gusto niya akong madiin. Halatang gusto niya akong makuyog ng mga tao. Halatang gusto niya kaming paghiwalayin ni Apollo.

Nanlumo ako at halos hindi na alam ang gagawin ng kumalat iyon. Ni-deactivate ko lahat ng accounts ko dahil napuno na iyon ng hate tweets, posts, tags at miski death threats. Natakot ako at hindi na alam ang gagawin. Buti nalang ay nandito sa tabi ko si Hera. Sinikap niyang ipatanggal ang mga pictures pero masyado na iyong nakalat. Sa fb, twitter pati nga sa instagram at karamihan ay naka-tag pa ako.

Hindi ko na alam ang gagawin dahil hindi man lang ako tinatawagan ni Apollo. Oo, tumawag siya ng isang beses, isang araw matapos silang makalapag doon pero hindi na iyon nasundan. Sinikap kong kumbinsihin si Hazel na kung pwede ipakausap sa akin si Apollo kahit sandali pero tumanggi siya. Alam niya ang tungkol sa mga nangyayari pero mas pinili niyang huwag iyon sabihin. Gusto ko siyang murahin pero hindi ko ginawa. Ayaw niya daw mawala sa pokus si Apollo pati na din ang tatlo dahil sa oras daw na malaman nila ang tungkol dito ay walang pag-aalinlangan na uuwi sila at hindi na itutuloy ang concert. Siya din mismo ang nagkolekta ng mga gadgets nila. Inis na inis ako at galit na galit pero wala akong magawa. Gulong-gulo na ang utak ko at hindi na ako makapag-isip ng wasto.

Kahit alam kong walang sasagot, tinatawagan ko parin ang phone niya. Baka lang.. na baka sana masagot niya kahit alam kong imposible.

"Summy.. okay ka lang ba?"

"Wag mo na lang kasi buksan ang TV. Saka maraming media sa baba, wag kang lalabas ha."

Nilingon ko si Hera. Kung wala siya siguro ay baka sobra na akong nalugmok. Yung tipong hindi na ako makaahon pa.

"Tumawag na ba siya?"

Huminga ng malalim si Hera at tinitigan niya ako. Bakas sa mga mata niya ang awa at pag-aalala.

"Hindi. Summer, tumawag si Mamita, pupuntahan ka daw nila dito.. si Lola din nag-aalala sayo, kahit hindi iyon nanonood ng TV ay alam niya ang nangyayari sayo ngayon."

Para akong lutang habang kausap ako nila Mamita ng dumating sila sa condo,pinasadahan nila ng tingin ang buong tinutuluyan ko at ngayon ko lang napansin na sobrang kalat na pala. Hindi ko na man lang nawawalisan. Hindi na kasi ako nagpapasok ng kung sino, kahit pa taga-linis ng condo.

Sabi nila Mamita ay tutulungan daw nila akong maghain ng kaso sa nagpakalat ng pictures at nagpapadala sa akin ng death treats. Pati na din ang mga nagt-tweet ng kung anong masama tungkol sa akin. May tao silang kumikilos para resolbahan iyon, hinayaan ko silang pakialam ang mga accounts ko.

Sa totoo lang ay nung nabasa ko ang mga post, tweets tungkol sa akin ay para akong sinilaban. Abot abot ang nabasa kong mga panghuhusga. Nandyan yung, isa akong manunulot at malanding babae. Uhaw sa pagmamahal kaya sa lalaking may karelasyon ang pinatulan. Walang modong babae. May mga nabasa pa akong panlalait. Kesyo hindi ako maganda. Wala daw akong hubog at pagsasawaan din ako ni Apollo. Nung tinignan ko naman ang kanyang profile ay halos manliit ang mata ko.

Lexie ang pangalan niya pero pakiramdam ko ay hindi iyon ang totoo. Madalas ay gumagamit sila ng ibang pangalan para malayang makapaghayag ng hindi maganda. Hindi daw ako maganda pero ano pa kaya siya? Ni-hindi nga siya babae pero kung tawagin niyang dyosa ang sarili niya ay akala mo ipinanganak siyang diwata. We, all God's creature born beautiful. Pero kailanman hindi naging bala ang kagandahan para barilin ng panglalait ang iba.

Marami pa akong nabasa pero ang mga kataga niya talaga ang tumatak. Naiinis ako sa mga taong sumasang-ayon na akala mo alam ang lahat. Na akala mo kilala nila ako. Na akala mo alam nila ang buong pagkatao ko. Siguro nga natural sa tao ang maging mapanghusga. Siguro nga ngayong nabubuhay tayo sa isang modernong panahon nagbabago na din ang ugali ng mga tao. Para mapansin ay manghuhusga, para hangaan ay gagawa ng naka-aangat sa iba.

Hindi ba alam ng mga haters o bashers ang nararamdaman ng binabato nila ng mga salitang masasakit? Hindi ba nila naiisip ang mararamdaman ng taong huhusgahan nila? Ano bang ginawa kong hindi maganda? Nagmahal lang naman ako. I guess it is in our nature to blindly believe in something that can give us happiness.

Siguro nga masyado silang nasilaw sa kung anong nakikita ng kanilang mga mata. Hindi nila napansin ang anino ng pagkukunwari.

Haters are born to define what you are not and destroy who you are. Attention is what they're craving for, so make sure you'll not give them even a quick glance.

"Hera, samahan mo ako sa baba, magsasalita na ako."

Marahas na napabaling sa akin si Hera, nanlaki ang kanyang mga mata.

"What? Ok ka lang, Summer? Pahupain mo muna ang issue! Magsasawa din ang tao tungkol dito! Hindi mo kailangan magsalita!"

Nagngilid ang luha ko.

"Napapagod na kasi akong manahimik. Pwede pala iyon ano? Yung magsasawa ka na lang sa kakapakinig ng mga baluktot na pinaniniwalaan nila? Ano bang ginawa kong mali? Bakit.. bakit ganito sila?"

Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang paghikbi. Lumapit si Hera at niyakap ako. Hinagod niya ang likod ko para kumalma ako pero mas lalo pa akong napaiyak sa ginawa niya.

"Ano bang masama sa magmahal?" Basag kong tanong.

Mas lalong hinigpitan ni Hera ang yakap sa akin.

"Wala, Summer. Walang masama pero hindi natin masisi ang tao dahil iyon ang ipinakita sa kanila. Ipinaniwala sa kanila ang isang kasinungalingang silang dalawa. Walang masama sa magmahal, Summer.. pero sa ngayon, ang masama ay ang sumuko, bumitaw at hindi ito ipaglaban."

Mas lalo akong napaiyak sa mga katagang binitawan niya.

Hidden Love (Book ||) Where stories live. Discover now