Chapter Three

70 8 2
                                    

Czar's POV

~DRIIIIIING!~

Inabot ko ang alarm clock ko at pinatay ito. Tinignan ko ang oras. 7 o'clock in the morning. I still have 1 hour and 30 minutes to prepare and eat.

Bumangon ako at inayos ang higaan ko bago pumunta sa CR para maligo. Matapos ang 45 minutes ay natapos na akong maligo at magbihis. Kinuha ko na ang bag ko, house keys, at car keys tapos ay bumaba na.

Nilagay ko muna ang bag at mga susi sa kitchen counter tapos ay kumain ng cereal. No choice. I don't know how to cook. Buti na lang may cereal na binili si Mrs. Kim para sa akin. I'm really indebted to her. Kung wala siya, siguro namatay na ako dito sa gutom. I'll just oractice cooking later. Basics first. Hotdogs and eggs muna para madali.

Pagkatapos kong kumain ay pumunta na ako sa garage at sumakay sa new ferrari ko. Waaah~ My dream car. Hahaha.

Sinet ko na ang navigator sa Bangtan University at umalis na. Automatic na din naman na sumasara ang gate ng garage ko kaya okay lang kahit iwan. Hehe.

Makalipas ang 20 minutes ay nakarating na ako sa Bangtan University. I parked my car and got out. Dumiretso muna ako sa Director's Office para kunin ang schedule ko.

Nang makarating ako sa tapat ng Director's Office ay kumatok muna ako bago pumasok. Naabutan ko ang Director na busy sa pagpirma ng mga kung ano-anong papeles.

Pumasok na ako pero hindi niya man lang napansin. I cleared my throat para malaman niya na nandito na ako.

Napatingin siya sa akin tapos ngumiti siya at tumayo.

"You must be Czar?"

Tumango ako, "Ne seonsaengnim."

"Sit first. I will just get your schedule." Utos niya.

Umupo ako sa couch at naghintay.

Maya-maya pa ay umupo na rin siya sa tabi ko na may dala-dalang isang pirasong papel at isang maliit na libro. Student handbook yata. Inabot niya sa akin ang mga iyon at tinanggap ko naman.

"Yan ang schedule mo at ang booklet na yan ang student handbook ng Bangtan University." Sabi niya sa akin.

Tumango lang ako.

"Gomapseubnida." Sabi ko.

"How rude of me." He chuckled then reached out his hand to me, "Anyeonghasimnika. Naega Director Bang Si Hyuk. Ako ang owner at director ng paaralang ito." Inabot ko ang kamay niya at nakipag shake hands.

"Czarina Jung imnida. Bangapsumnida Director Bang." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"I hope you'll enjoy here."

"Ne. I will seonsaengnim."

"Arasso. Malapit na mag-bell. Go to your first class."

Tumango lang ako at nagpaalam. Nang makalabas ako sa opisina niya ay hinanap ko agad ang classroom ko.

"Nasaan nga ulit ang West Building?" Tanong ko sa sarili ko.

Shit! Nakalimutan kong humingi kay Director Bang. Papasok pa sana ako sa office niya para humingi ng school map pero bigla namang tumunog ang school bell.

~RIIIIING!~

"Fvck. I'm late."

Bahala na. Hahanapin ko na lang kahit walang mapa. Uso naman magtanong e. Binilisan ko ang paglakad para mas mabilis akong makahanap ng mapagtatanungan. Tsamba ko nung may mga lalaki akong nakasakubong kaya sila ang una kong tinanong.

"Chogiyo~"

Napatingin silang anim sa akin. Naglakad ako papunta sa kanila.

"Umm... magtatanong lang sana. Saan dito ang West Building?" Tanong ko sa kanila.

Tinuro ng lalaking matangkad at may maliliit na mata ang building sa bandang likuran ko. Phew. Buti na lang at malapit lang.

Nagpasalamat ako sa kanila at tumakbo na paalis. Pero bago ako makalayo ay tinanong niya ako kung ano ang pangalan ko.

"Miss, ireumi mwojyo? (What's your name?)" Pasigaw niyang tanong.

Bahagya akong lumingon at sumagot, "Czar!" Saka tumakbo ulit.

Hinanap ko ang room 309. Pagkarating ko sa harap ng room ay nakita ko na nag-uumpisa na ang klase.

Nice Czar. First day pa lang mukha yatang magkakarecord ka na agad sa mga teachers mo. Gwaenchana. Babawi na lang ako sa susunod. Kumatok ako sa pinto kaya napatingin sa akin ang professor namin. Lumapit siya sa akin, "Yes?"

"Umm... I'm sorry I'm late Ma'am. I got lost." Nahihiyang sabi ko sa kanya.

Nginitian niya lang ako, "It's okay. Kakarating ko pa lang naman. Are you the transferee from L.A?"

Tumango ako, "Ne."

"Okay. Let's imtroduce you to the whole class." Sabi niya saka iginayak ako papasok ng room. Huminto kami sa tabi ng desk niya.

"Attention class. We have a new student. She's a transferee from Los Angeles, USA. Please be nice to her." Tumingin sa akin si prof, "Introduce yourself." Utos niya.

Tumango ako at tumingin sa mga kaklase ko. At nahagip ng paningin ko sina Namjoon at ang iba pa niyang kasama pero wala yung aroganteng Taehyung na yun. Buti naman at hindi kami magkaklase.

I bowed my head and then introduced myself.

"Anyeonghasimnika. Czarina Jung imnida. Bangapsumnida yeoreobun."

"Its nice to meet you too, Czar. I'm afraid there's only one seat left. And that is beside Mr. Kim at the back." Sabi ni prof.

Tinuro niya sa akin ang bakanteng upuan sa tabi ng isang lalaking natutulog. Tumango ako at naglakad papunta sa assigned seat ko.

Nung medyo malapit na ako ay naaninag ko ang pamilyar na kulay ng buhok.

What

The

Fvck.

"Mr. Kim Taehyung. You have a new seatmate." Sabi ni prof.

Inalog-alog si Taehyung ng katabi niyang lalaki kaya nagising ito.

"Ano na naman ba?" Inis na tanong ni Taehyung.

Pakshit.

Akala ko hindi ko na siya makikita. Akala ko lang pala. Mas malala pa dahil kaklase ko siya tapos katabi ko pa.

Naman! bro naman. Ganun na ba ako kasama noon kaya ganito kagrabe ang parusa niyo sa akin? Sinusubukan ko naman magbago a. Kaya naman sana ay makipag cooperate kayo.

"Napaka walang modo." Mahina kong sambit pero sakto na para marining ng buong klase lalo na ng bastos na Taehyung na yun.

Napatingin siya sa akin.

"Anong sabi mo?" Galit niyang tanong.

I kept a straight face. Ilang gulo na ang napasukan ko noon. Kaya hindi na ako bago sa ganito. I am a strong girl. Kaya hindi ako basta-basta natatakot at hindi ako nagpapatalo sa mga lalaking kagaya niya.

"Walang ulitan sa bingi." Nakangisi kong sagot sa kanya saka umupo sa bakanteng upuan sa tabi niya.

Akala mo nakalimutan ko na ang atraso mo sa akin dati? Mark my words Kim Taehyung, I'll get my revenge soon.

------

Czar and Taehyung met for the second time around.

Vote and comment. Kamsahamnida.

Bangtan PrincessWhere stories live. Discover now