Chapter Thirty Six

28 7 7
                                    

Yoongi's POV

"If I am a bitch then you are a whore. At least I have class unlike you who just go around and flirt with someone new when you are tired of your other guys." Tumawa siya ng mapait, "I'll give you a chance to get out of my face before I can kill you. I don't want my clean hands to get dirty because of you."

Mabilis na tumango si Joohyun at kumaripas agad ng takbo nang mabitawan ni Areum ang uniform niya. Nakakatakot noh? Walang umoobra sa kanya e. Maski na kapatid niya takot din sa kanya e. Pero kahit na ganyan si Areum alam ko na may malambing din siyang side. Alam niyo naman siguro kung paano niya alagaan dati ang anak anakan naming si Chanelle. Speaking of Chanelle, mabisita nga siya mamaya. Alam kong magugustuhan din ni Areum iyon.

Nang makalabas ng classroom sina Joohyun at mga kagrupo niya ay pansin ko ang paghinga ng malalim ni Areum. Ganyan siya kapag pinapakalma niya ang sarili niya. Maya maya pa ay nagsipalakpakan na sila. Napailing na lang ako. Ganyan kayo ka bilib sa Baby ko?

Oo na, may gusto na ako kay Kim Areum. Wag niyong sasabihin ha? Dapat ako ang magsasabi para sweet. Corny ba? Sorry naman. Kakaani lang ng mais e.

At dahil nga alam kong ayaw ni Areum sa maingay kapag galit siya ay di na ako nag aksaya ng oras at hinila siya palabas ng classroom. Mabuti naman at nagpahila siya. Pero dahil masyado akong naaliw sa paghila sa kanya ay nakalimutan ko na kung saan kami pupunta. Napahinto ako at ganun din siya.

Shit lang.

Sana naman hindi siya nagalit lalo.

"Yoongi."

Bigla akong nanigas. Seryoso ang tono niya e. Sino ang hindi matatakot dun? To think na tinawag niya ako by my first name. Lagot ka Min Yoongi.

"Saan mo ba balak pumunta?"

Napalunok ako ng laway sa kaba. Kabanas. Ako ang Ice Prince tapos naninigas ako kay Kim Areum. Tangina lang.

"U-uh... di ko alam?"

"Humarap ka nga."

Mabilis akong humarap sa kanya. At nagulat na lang ako nang makita ko si Areum na nakataas ang kilay pero hindi galit.

"Saan mo ba ako dadalhin? Kanina mo pa ako hinihila, halos maikot na natin ang buong Bangtan U tapos di mo alam kung saan tayo pupunta? Tch."

O/////O

Ang cute niya. Para siyang batang nagsusumbong sa nanay. Ngayon ko lang nakita ang ganito niyang side. And I really want to see more of this.

"M-mian."

Yan lang ang tangi kong nasabi. Napa-tch lang siya ulit saka ako naman ang hinila papasok sa canteen. Pumila kami at bumili siya ng dalawang Milk Tea.

"Sa susunod ikaw naman ang lilibre sa akin ha?"

Wala sa sarili akong napatango.

"Pansin ko lang, hindi ka yata nagsasalita ng english ngayon?"

Napatigil siya sa pag inom ng Milk Tea at tumingin sa akin, "Wae? Gusto mo bang mag english na lang ako? Sayo nga lang ako ganito tapos nagrereklamo ka pa."

Pinigilan kong mapangiti. Medyo mahina ang huling sinabi niya pero sakto lang para marinig ko. Pinaulit ko pa sa kanya ang sinabi niya para kunwari hindi ko narinig pero sa loob ko ay nakangisi na ako.

"Wala. Sabi ko ubusin mo na yan dahil gusto ko na umalis. Ang daming nakatingin e."

At ang isa pang napansin ko ay hindi siya matipid sa salita ngayon. Mas madaldal pa siya kesa dati. Nilapat ko ang kamay ko sa noo niya para pakiramdaman kung nilalagnat ba siya. Napaka unusual kay Areum na maging ganito e. Hindi naman siya ganito sa mga kaibigan niya at kay Namjoon.

Bangtan PrincessWhere stories live. Discover now