Chapter Six

76 9 34
                                    

Czar's POV

"Czar, anong mukha yan?" Tanong ni Eunbi.

Kakarating lang namin sa bahay ko. Dinala ko sila dito since gusto nila malaman kung saan ako nakatira at gusto daw nila na mas makilala pa ako. Ako din naman gusto ko na mas makilala pa sila kaya pumayag na ako.

Napag-alaman ko na si Areum ay kapatid ni Namjoon. Tapos si Eunbi, boyfriend niya si Jungkook. Si Eunha naman, si Hoseok ang boyfriend.

Si Yieun naman crush si Seokjin. Sinasabihan nga namin na umamin na e pero sabi niya gusto niya daw na magustuhan muna siya ni Seokjin bago siya umamin. Si Jihyun naman, kababata niya si Jackson tapos crush niya din pero ayaw umamin.

Si Er Shen naman crush ang kagrupo ni Jackson na si Jinyoung. Close sila ni Jinyoung pero may girlfriend na si Jinyoung e. Kaya best friend zone si Er Shen. Sabi ko nga maghanap na lang ng iba pero ayaw niya. Sinubukan ko din na sabihin sa kanya na ipapakilala ko siya sa best friend ko pero ayaw din. Loyal daw siya kay Jinyoung.

Si Yoonhae naman wala dito ang boyfriend niya. Nasa ibang school pero nakatira lang sila sa iisang subdivision, Lee Taeyong ang pangalan. Kaya naman pala hindi naa-attract kay Taehyung kasi may Taeyong na siya.

Napakunot ang noo ko.

"Anong mukha?" Taka kong tanong sa kanya.

"Yan." Tinuro niya ang mukha ko, "Yang mukhang parang pasan-pasan mo ang buong mundo." Tumingin siya kay Eunha, "Diba twin mukha niyang pasan-pasan ang mundo? Tignan mo si Czar."

Nagkatinginan kami ni Eunha at inobserbahan niya ang mukha ko tapos maya-maya ay tumango-tango siya, "Majayo. Mukha ngang pasan niya ang buong mundo." Pagsasang-ayon ni Eunha.

"Wae?" Tanong ko sa kanila.

"Pangit ka daw kasi girl." Sagot ni Er Shen.

Tinaasan ko siya ng kilay, "O edi ikaw na maganda." Sarcastic kong sabi sa kanya. At ang loka nagpa-cute lang.

"Pero seryoso, bakit nga?" Tanong ko sa kanila.

"Kasi daw grabe ka kung makasimangot." Napatingin ako kay Yoonhae na siyang sumagot sa tanong ko.

"Nakasimangot ako?" Di makapaniwala kong tanong.

"Oo." Sagot nila.

Napakamot na lang ako ng ulo ko.

"Bakit nga ba?" Tanong ni Yieun.

"Dahil yan kay Taehyung." Sabi ni Jihyun.

Napayuko na lang ako. Ayokong sagutin ang tanong nila. Naiimbyerna ako sa Taehyung na yan e. Mabanggit pa nga lang ang pangalan niya ay kumukulo na ang dugo ko.

"Ganun ba talaga siya?" Tanong ko.

"Aniya." Sagot nila.

Nagulat ako sa sagot nila. Hindi? Hindi siya ganun? E bakit ang sama niya sa akin?

"Kung hindi naman pala siya natural na masama e bakit ganun na lang kung tratuhin niya ako? Ano yan, trip niya lang akong asarin at i-bully?" Inis kong tanong.

Hindi lang sila sumagot.

"Ano? Hindi niyo ba ako sasagutin?" Tanong ko sa kanila.

"Do you badly need answers?"

Napatingin ako kay Areum na bigla-bigla na lang nagsalita at tumango. Dapat lang sagutin nila ako kasi may karapatan naman ako malaman ang dahilan kasi ako ang pinagtitripan niya e.

Bangtan PrincessWhere stories live. Discover now