Chapter Thirty

46 8 5
                                    

Czar's POV

"Czar?"

"Oh?"

"Saranghae." Sabi niya sabay pakita ng heart gamit ang thumb at index finger niya.

Pinaikiutan ko lang siya ng mata at bumalik sa pagbabasa ng libro.

"Czar?"

"Mwoga? (What is it?)"

"Saranghae~" Pag-uulit niya saka nag form ng heart gamit ang dalawa niyang kamay.

Umiling-iling na lang ako at bumalik sa pagbabasa. Ano ba yan. Hindi ko matapos tapos ang pagbabasa ng librong ito dahil sa 4D na lalaking ito.

"Czar."

"WAE?!"

Ayun sumabog na ako. Ang kulit kulit talaga. Nakainom yata ito e.

"SARANGHANDAGU! (I said I love you!)" Sabi niya saka tumayo at nag-form ng McDo heart. Lasing nga.

"Ewan ko sayo Kim Taehyung. Gabing-gabi tapos nandito ka pa. Papagalitan ka ng nanay mo." Sabi ko sa kanya saka tumayo at pumunta sa kusina. Maipagtimpla na nga lang ito ng kape nang mahimasmasan at maka-uwi. Nasa climax na ako ng binabasa ko pero naputol ang kasiyahan ko kanina nang dahil sa pambubulabog ni Taehyung. Buti na nga lang di siya naaksidente kasi siya mismo ang nag drive papunta dito.

"Ya~ eodiga?"

Tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya, "Sa Neptune." Malamig kong sagot saka naglakad ulit. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay napatigil na naman ako sa paglalakad dahil niyakap ako ni Taehyung mula sa likuran.

Tinungtong niya ang baba niya sa balikat ko. Amoy na amoy ko ang alak na ininom niya. Buti nga lang at alak lang. Wag lang magkamaling manigarilyo itong si Taehyung dahil palalabasin ko mula sa katawan niya ang baga niya.

"Kalas." Utos ko.

Umiling siya, "Sirheo (Don't want to)." Napabuntong hininga na lang ako sa sagot niya, "Sama ako sa Neptune. Wag mo ko iwan dito."

"Mwo?"

"Sama mo ko kahit saan ka magpunta. Ikaw na lang ang meron ako Czar. Sana naman... wag mo kong iwan katulad ng ginawa niya."

Ramdam ko ang naghahalong lungkot at galit sa boses ni Taehyung habang sinasabi niya ang mga salitang iyon. Taehyung naman... you're making it hard for me to tell you the truth.

"E paano kung ayoko?" Suplada kong tanong.

And I wish hindi na ako nagtanong. Papatayin yata ako ni Taehyung e. Mas lalo niya pa kasing hinigpitan ang yakap to the point na hindi na ako makahinga ng maayos. Siniko ko siya sa tagiliran, napadaing siya pero hindi pa rin bumitaw.

"T-taehyung... c-can't b-breathe."

"Mangako ka muna na hindi mo ako iiwan." Utos niya. Taehyung naman e. Wag mo akong pahirapan. Please.

"E malapit na akong bumalik sa L.A. edi ibig sabihin iiwan pa rin kita." Sabi ko habang sinusubukang kalasin ang pagkakayakap ni Taehyung.

"Sasama ako. Sama ako sayo kahit saan ka magpunta." He stubbornly said.

I just rolled my eyes, "Sasama ka?" Tumango tango siya, "Paano pag-aaral mo?"

"Edi doon din ako mag-aaral."

"Hindi ka marunong mag-english."

"Matututo ako. Magpapaturo ako kay Namjoon Hyung at Areum Noona."

Bangtan PrincessWhere stories live. Discover now