Chapter Fourteen

64 8 13
                                    

Taehyung's POV

Kakarating ko lang sa school at naabutan ko na naglalakad ang kambal.

"Eun!" Tawag ko kaya napahinto silang dalawa sa paglalakad at lumingon sa akin.

"O, Taehyung." Sabay nilang sabi.

Binilisan ko ang paglalakd para maabutan sila. Nung makaabot na ako sa kanila ay nagsimula na ulit kami sa paglalakad.

"Hindi niyo kasabay si Czar?" Tanong ko sa kanila.

Malapit lang kasi ang bahay ng twins sa bahay ni Czar kaya nagtataka ako kung bakit hindi sila magkasabay. Sabay silang napangisi kaya kinilabutan ako. Hala. Nahawa na yata sila kay Areum Noona.

"Wae?" Tanong ko kaya nawala ang ngisi nilang dalawa.

"A-ah... hindi e. Tinawagan namin siya kanina pero hindi naman sumasagot." Sabi ni Eunbi.

Tumango-tango na lang si Eunha, "Tinext na lang namin siya na mauuna na kami papuntang school."

"Ah... keurae (okay)." Sabi ko saka nanahimik na.

Nung makarating na kami sa classroom ay umupo agad ako sa upuan ko at napatingin sa upuan ni Czar. Saan na ba yung babaeng yun? Ay teka. Bakit ba hinahanap ko siya? Hindi ko siya dapat hinahanap. Buti nga na wala yun ngayon dito para maging payapa ang buong araw ko.

Umiling-iling lang ako at naglagay ng earphones sa tenga at natulog. Maya-maya pa ay dumating na ang subject teacher namin pero wala pa rin yung babaeng yun. Nasaan na ba siya? Akala ko ba nagbabagong buhay na yun e bakit umabsent?

"Taehyung, alam mo ba kung nasaan si Czar?" Tanong ni Jimin.

Napakunot ang noo ko, "Bakit ako ang tinatanong mo? Hanapan ba ako ng nawawala? Tsaka hindi kami close kaya bakit ka sa akin magtatanong?" Tinuro ko ang mga babae sa kabila, "Sila ang tanugin mo kasi sila ang may alam."

O_O  ---> Jimin

"Tinatanong lang naman kita kung alam mo. Pwede mo naman sagutin na hindi mo alam bakit ang dami mo pang sinabi?" Sabi ni Jimin.

Oo nga no. Tsk. Inirapan ko lang siya at sinubukang makinig kay Maam. Pero nababahala talaga ako e. I have a bad feeling about this. Tsk. Pupuntahan ko na lang siya mamaya.

Natapos ang buong araw na walang Czarina Jung na nangungulit sa akin.

"Good bye class."

Tumayo kami at nag bow, "Good bye Maam."

"Uwi na ba tayo agad?" Tanong ni Jungkook.

"Oo nga. Tambay muna tayo." Dagdag pa ni Hoseok.

"Sige. Sa bahay muna tayo. Magpapaturo din ako kay Seokjin Hyung magluto e." Sabi ni Namjoon.

"Keurae (Okay)." Sabi nila.

"E ikaw Taehyung?"

Napatingin ako kay Yoongi Hyung, "Hm? Ano yun Hyung?" Tanong ko.

"Sasama ka ba papunta kina Namjoon?" Tanong ni Yoongi.

"Uh... pass muna ako. May kailangan ako puntahan e." Sagot ko.

"Eodi? (Where?)" Tanong nilang anim.

"Geunyang eodingae (Just somewhere)." Sagot ko.

"Ey~" Reklamo nila.

Kinuha ko na lang ang bag ko at pumunta muna kina Eunbi at Eunha.

Bangtan PrincessWhere stories live. Discover now