Chapter Forty Five

25 5 8
                                    

Seokjin's POV

Kakatapos lang ng klase namin at papunta kaming lahat ngayon sa ospital para bisitahin si Czar.

"Hyung. Wala na bang mas bibilis pa dito?" Muntik ko nang masapo ang noo ko. Pang-ilan na bang tanong yan ni Taehyung?

"Calm down, Kim Taehyung. We'll reach the hospital soon without going over normal speed." Suway ni Areum.

"Tama. Wag naman sana pero baka sumunod pa tayo kay Czar pag nagkataon." May point ka diyan Eunha.

"Makikita mo pa si Czar. Wag ka magmadali, Taehyung. Wag mong madaliin ang buhay natin." Dagdag pa ni Eunbi.

"Mian. Hindi lang talaga kasi ako mapakali." Sabi niya saka nasabunot ang buhok. Hinagod lang ni Jungkook ang likod niya.

Tinawagan kasi ng ina ni Mark si Taehyung na bigla daw nag stop ang beating ng heart ni Czar ng ilang segundo. At ito namang si Taehyung, well ano pa ba ang ine-expect niyo, malamang mag p-panic yan. Si Czar ang pinag uusapan e.

Buti na nga lang at kakatapos lang ng lecture nung tumawag si Mark dahil kapag tumawag siya sa kalagitnaan ng lecture ay hindi mag dadalawang isip na lumabas si Taehyung ng walang paalam at kami ang mahihirapan sa pagpapaliwanag sa professor.

Di nagtagal ay nakarating na din kami sa ospital. Hindi pa nga ako nakahinto ay binuksan na agad ni Taehyung ang pinto at kumaripas ng takbo tapos ang iba sumunod na din. Nagpaiwan lang si Namjoon dahil nasa shotgun seat siya. Sinamahan niya ako hanggang sa makapag parking ako ng maayos at saka kami nagmadali sa pag akyat papunta sa kwarto ni Czar.

Malayo pa lang kami ni Namjoon ay tanaw ko na ang mga malulungkot nilang mukha. Maga ang mga mata ng ilan sa kanila, halatang galing sa iyak. Lalo na yung kay Taehyung na halos hindi na makahinga ng maayos sa kakaiyak. Buti na lang at nandiyan si Areum para kontrolin siya.

"Paano na lang kung wala dito si Areum." Komento ko nang maaninag ko si Taehyung na nakayakap kay Areum.

"I agree. I hate to say this but I'm very thankful of my sister's cold attitude and scary aura because if not for that, Taehyung wouldn't be controlled." Pagsang-ayon ni Namjoon.

Hinanap ko si Yoongi. Ayon sa tabi ni Jimin. Hindi niya man sabihin at ipakita pero alam kong nagseselos na yan. Pero syempre hindi niya kayang pagsalitaan ng masakit si Taehyung. Kilala ko si Yoongi e, hindi man halata sa kanya pero napaka buting kaibigan niyan. Mas uunahin niya pa ang kapakanan ng iba bago ng kanya.

"Guys."

Nakuha namin ang atensyon nila nang magsalita si Namjoon.

"Kamusta si Czar?" Tanong ko.

"Stable na daw siya pero baka dumalas ang paghinto ng heartbeat niya dahil hindi pa rin maayos ang flow ng oxygen sa utak niya." Sagot ni Yoonhae.

"Kung kailan ready na siyang ilipat sa regular room saka pa ito nangyari. Yan tuloy magtatagal pa siya sa ICU." Sabi ni Er Shen.

Kitang kita sa mga mukha nila na kinakabahan sila para sa kalusugan ni Czar, kahit ako din naman nag aalala din. Pero hindi dapat ganito. Dapat maging malakas kami para kay Czar.

Lumapit ako kay Taehyung na hanggang ngayon ay pinapatahan ni Areum.

"Ssssh Tae, Czar will be alright. You know how stubborn and what a fighter she is right? She'll fight for us. I promise you she will be alright. I'll do everything I can for her to regain consciousness." Saad ni Areum sabay pahid ng luhang dumaloy sa pisngi niya.

Kumalas si Taehyung sa yakap at nagpahid ng luha. Tumingin siya kay Areum, "J-jinjjaro N-noona?" Naiiyak na tanong ni Taehyung.

Ngumiti ng masinsinan si Areum at hinawakan ang magkabilang balikat ni Taehyung, "Eung. Yaksok."

Bangtan PrincessWhere stories live. Discover now