Chapter Forty Four

28 7 9
                                    

Seokjin's POV

"Umayos ka Ershen! Matatamaan ka sa akin!" Reklamo ni Jihyun.

"Wae~? Totoo naman a. I'm pretty and sexy." Katwiran ni Ershen sabay pose.

Nasapo ni Jihyun ang noo niya, "Hoy Tuan. Sawayin mo nga 'yang si Ershen. Masyadong mahangin."

Tinawanan lang sila ni Mark, "Kalma ka lang Jihyun. Tsaka totoo naman e. She's pretty and sexy."

"Isa pa 'to." Umakma si Jihyun na susuntukin sila, "Suntukin ko kayo e. Tara na nga Jimin. Na iimbyerna ako dito. Gusto ko kumain!" Sabi niya saka nag walk out.

"Sundan mo na." Sabi ni Yoonhae. Tumango lang si Jimin habang tumatawa. Naaliw sa show ng dalawa e. Hahaha.

Nandito kami ngayon sa school. Break time kaya liwaliw lang kami. Kasama ko ang barkada maliban kay Taehyung tsaka yung kambal at mga boyfriend nila dahil bumisita sa ospital. Wala din dito sina Areum at Yoongi dahil may binili sa labas.

"Ikaw Maknae, hindi ka ba nagugutom?"

Napatingin ako sa tumatawang si Yieun nang tanungin siya ni Namjoon. Umiling lang si Yieun at sinabing, "Gwaenchana Oppa. Busog pa ko. Kakakain lang namin e."

Napatigil kaming lahat.

"Namin?" Ulit ni Ershen.

Tumango si Yieun.

"Sino kasama mo?" Tanong ni Yoonhae.

"Si Gyeom."

Gyeom? Sino yun? May kilala pang ibang lalaki si Yieun maliban sa amin? Bakit di ko alam yun?

"Sino yun, Maknae?" Tanong ni Namjoon.

"Kaibigan ko. Dito nga din siya nag-aaral." Tinuro niya si Mark, "Barkada siya ni Mark Oppa."

Nagulat si Mark nang ituro siya ni Yieun at halatang napaisip.

"Ah! Si Kim Yugyeom!?" Nakangiting tanong ni Mark saka tumawa. Napakunot ang noo ko. Anong nakakatawa? Nilalandi ni Yugyeom si Yieun.

"Kaibigan mo pala si Yugyeom. Bakit di ko alam yun?" Mahina kong komento habang nag iiwas ng tingin pero ramdam ko ang mga tingin nila sa akin lalo na ni Yieun.

Tapos bigla na lang sumulpot ang demonYUGYEOM.

"Yieun-ah!" Sigaw niya mula sa labas habang kumakaway. Napatingin kaming lahat sa kanya at kumaway pabalik si Yieun at tinanguan siya ni Mark.

Tumayo si Yieun at inayos ang mga gamit niya pero hindi agad umalis sa halip ay tumingin siya sa akin kaya napatingin din ako sa kanya, "Paano mo naman malalaman kung wala ka namang pakialam sa akin?"

Ouch.

"Alis muna ako guys. Sasamahan ako ni Gyeom sa mall. May bibilhin lang ako para kay Czar."

"Ang sabihin mo mag dedate lang kayo." Mahina kong saad.

"Kung mag-date man kami wala ka nang pakialam doon. CHINGU." Ganti niya saka nagpaalam na sa kanila. Kung kanina e napaka suplada ng mukha niya, nang makita niya si Yugyeom ay biglang nangiti na.

Aish!

Sinamaan ko lang sila ng tingin hanggang sa makaalis na sila.

"Ako lang ba o biglang uminit dito?" Rinig kong tanong ni Mark.

"Maja. Uminit nga. Nag-aalboroto na kasi ang bulkan." Dagdag pa ni Ershen.

"Ang sabihin niyo, sasabog na." Gatong pa ni Yoonhae at saka nagtawanan sila. Napapikit na lang ako at nilunok ang galit ko. Ayokong pagbuntungan sila.

Bangtan PrincessWhere stories live. Discover now