Chapter Twenty Three

39 8 9
                                    

Hi guys. Sorry for late updates. Here's two as a compensation. Hahaha. Saranghae!

_eLLemarie_

---

Czar's POV

Pagkarating ko sa bahay ay agad akong humiga sa couch. Kakahatid lang sa akin ni Taehyung. Gusto pa nga sana ako patulugin pero binatukan ko agad. Anong akala niya sa akin? Bata? Na kailangan pa patulugin bago iwan? Tch.

Kahit na tinatamad akong bumangon at umakyat papunta sa kwarto ko ay pinilit ko ang katawan ko. Dumiretso ako sa CR at binabad ang sarili ko sa bath tub.

The meeting went well. I guess?

Honestly, it was very awkward and very sad. Masyado kasing mabait ang parents ni Taehyung lalo na ang Daddy niya kaya naaalala ko ang mga magulang ko. Lalo na si Daddy. Hindi naman sa nagyayabang ako pero kasi masyado akong spoiled kay Daddy ko.

At kagaya ng inexpect ko ay nabanggit ang unang girlfriend ni Taehyung pero hindi ko pa rin kilala kung sino. Ayaw ni Taehyung pag-usapan e. Siguro masakit pa rin para sa kanya. Lalo na at wala pang isang taon ang lumipas mula nung break up nila.

Matapos ng 30 minutes ay nagbanlaw na ako at nagbihis. Medyo nawala na din ang sakit ng ulo ko. Pisti. Na late ng dating ang epekto ng kakaiyak ko kanina. Matapos kong magbihis ay natulog na ako.

Kinabukasan paggising ko...

Kalansing ng mga metal pans ang agad na bumungad sa akin.

May magnanakaw!

Agad akong napabalikwas at kinuha ang brass knuckles ko sa drawer at dahan-dahan na bumaba sa hagdan. Pero nung malapit na ako sa kusina ay sakto namang lumabas ang magnanakaw--

"Yaaaa!"

"Oh shit!"

Kahapon ang kambal tapos ngayon si Ershen na naman? Anong ginagawa niya dito.

"Loka ka. Muntik na maging tabingi ang mukha mo." Sabi ko saka hinubad ang brass knuckles ko.

"E kasi iih."

"Ano ba kasing kailangan mo? Pwede mo namang itawag. Gaano ba yan ka urgent at kailangan mo pa talagang pumasok ng bahay ko ng walang paalam?" Tanong ko sa kanya.

"Kalma lang, Czar." Sabi niya with matching hand gestures.

I just crossed my arms and gave her an Explain-Or-Else-I-Will-Make-Your-Face-Uneven Look.

Di siya sumagot kaya inakmaan ko siyang susuntukin kaya agad siyang sumagot.

"Gusto ko lang naman mag sorry sa inakto ko kahapon kaya heto pinagluto kita ng breakfast. Sorry na naman Czar. Wag mo akong suntukin baka hindi na ma in love sa akin si Jinyoung." Mabilis niyang sagot.

"Ikaw, napaka masokista mo. Alam mo namang sinaktan ka na nga ng best friend mo tapos pinipilit mo pa rin ang sarili mo sa kanya." Komento ko.

"Yan nga rin ang sinasabi ko kay Mark e." Sabi niya.

Natahimik ako sandali sa narinig ko. Nung ma gets ko ay napayuko na lang ako, "So you knew huh?"

"Wag kang magalit Czar. Hindi ko naman inaagaw sayo si Mark pero kasi ako lang yung nakakausap niya tungkol sa saloobin niya sayo." Sagot ni Ershen.

Bumuntong hininga lang ako.

"Alam mo Czar. Namimiss ka na niya. Sobra." Sabi ni Ershen.

Nanlaki ang mga mata ko, "J-jinjja?"

Bangtan PrincessWhere stories live. Discover now