Chapter Forty Three

28 5 4
                                    

Taehyung's POV

Nang mailipat na ng private room si Joohyun ay saktong dumating ang mga magulang niya. Pinasagutan sa kanila ang ilang mga papeles para tuluyan nang mai-confine si Joohyun. Nang matapos ayusin ng mga magulang niya ang mga kinakailangan na papeles ay pinayagan na kami ng doktor na bisitahin si Joohyun pero naghabilin siya ng konting paalala.

"Please don't let her get stressed. Masyadong na-trauma ang bata at kailangan na kailangan niya ngayon ng pamilya at kaibigan na makakapagpasaya sa kanya. Do everything to make her happy and please don't make her cry dahil baka magwala siya."

"Yes doc. We understand." Ang ina na ni Joohyun ang sumagot para sa aming lahat.

Nagpaalam ang doktor at kinausap naman kami ng mga magulang ni Joohyun.

"Kayo ba ang mga kaibigan ng anak ko?" Tanong ng Mommy niya.

"Opo." Sabay-sabay nilang sagot. Nang mamukhaan ako ng Mommy ni Joohyun ay agad niya akong nilapitan, "Taehyung. Taehyung anak... alam mo ba ang nangyari kay Joohyun? Huh?"

Napayuko na lang ako at umiling, "Sorry po, Tita. Lahat kami dito walang alam. Tanging si Joohyun lamang po ang makakasagot ng mga katanungan niyo."

Bigla na lang siyang natumba kaya lahat kami nagulat. Dali-dali siyang pinaupo ng asawa niya sa upuan sa labas ng kwarto ni Joohyun.

"Yeobo, kumalma ka. Magpakatatag ka. Kakasabi lang ng doktor na dapat pasayahin natin si Joohyun. Sa tingin mo ba magiging masaya siya kung makikita ka niyang ganyan?" Pagpapatahan ng Daddy ni Joohyun sa asawa nito.

Umiling-iling si Tita, "Mianhae Yeobo. Hindi ko lang kasi maisip na ganito ang mangyayari sa anak natin."

Kumuha ng panyo si Tito at pinunasan ang mga luha ng asawa niya. Lumapit ako kay Tita at hinawakan ang kanang kamay niya kaya napatitig siya sa akin. Binigyan ko lang siya ng isang ngiti. Ngiti na magsasabi sa kanya na magiging okay si Joohyun.

"Wag po kayong mag-alala kilala naman po natin si Joohyun at alam natin kung gaano siya kalakas. Magpakatatag lang po tayo at wag sumuko dahil magiging maayos din ang lahat."

Tumango-tango si Tita at nginitian din ako pabalik, "Tama ka, Taehyung. Malakas ang anak namin. Salamat."

"Walang pong anuman."

Pumasok na ang mga magulang ni Joohyun sa kwarto niya habang kami naman ay naghihintay lang sa labas. Bawal daw ang masyadong maraming bisita sa loob dahil baka ma-suffocate daw si Joohyun. Lumipas ang 30 minutes at biglang bumukas ang pinto, lumabas ang ama ni Joohyun. Lahat kami napatayo nang huminto siya sa harap namin.

"Kamusta na po siya?"

Di ko maiwasang magtanong dahil sa pag-alala. Matagal bago sumagot si Tito nagulat na lang ako nang bigla siyang ngumiti at sinabihan ako, "Hinahanap ka niya."

Pagkasabi niya ng mga salitang iyon ay kinabahan ako. Hindi ko alam kung bakit pero biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko.

Dahan-dahan akong lumapit kay Tito at nung magkaharap na kami ay tinapik niya ng dalawang beses ang balikat ko, "Thank you for taking care of my daughter." Inalis niya ang kamay niya at nagpaalam na aalis muna at kukuha ng mga gamit ni Joohyun.

Pagkatapos nun ay pumasok na ako at naabutan ko sina Joohyun at Mommy niya na nag uusap. Tumikhim ako kaya napatingin sila sa akin. Ngumiti si Tita at nakita ko ang pag-pat niya sa kamay ni Joohyun saka umalis.

She didn't say a word. She just smiled at me.

Nagkatitigan kami ni Joohyun hanggang sa tinapik niya ang upuan sa gilid ng kama kung saan siya nakahiga. Umupo ako doon at hinanda ang sarili ko sa mga maririnig ko.

"Tae."

Napatingala ako sa kanya.

"Jeongmal mianhae."

Gusto ko man sabihin sa kanya na wala siyang nagawang kasalanan pero walang salitang lumalabas sa bunganga ko.

"Sorry sa lahat. Sorry sa kamalditahan ko. Sorry sa pagiging brat ko. Sorry dahil ako pa ang naging dahilan para malagay sa ganung sitwasyon si Czar."

And she broke down.

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at tumayo para yakapin siya. Hindi ako magaling mag comfort pero magaling ako makinig.

I can listen to all your problems.

"I'm really sorry, Taehyung. I'm really sorry. Kung pwede lang sana baliktarin ang sitwasyon namin--"

"Shhh... wag kang magsalita nang ganyan. Masasayang lang ang effort ni Czar na sagipin ka kung ganyan lang ang sasabihin mo."

"Pero--"

"Tama na, Joohyun. Nakakalungkot man ang nangyari pero nagpapasalamat pa rin ako dahil ligtas kayong dalawa."

"Kasalanan 'to ni Bogum e!"

Napabitaw ako sa yakap ng di oras. Ano? Pakiulit nga? Sino ang may kasalanan?

"Mworagu?" Tanong ko sa kanya.

"Si Bogum ang may pakana nito, Tae. Siya ang bumaril kay Czar at siya din ang kumidnap sa akin." Paliwanag niya.

Napalitan ng galit ang lungkot na nararamdaman ko. Tangina mo, Bogum! Ikaw pala ang may gawa nito kay Czar!? Pagbabayaran mo ito! Sisiguraduhin ko na mabubulok ka sa kulungan!

Natigil ako sa pag-iisip nang maramdaman ko na may humawak sa kamay ko.

"Sana mapatawad mo ako sa lahat ng nagawa ko sa inyo ni Czar lalo na sa iyo, Taehyung. Nagawa ko lang naman iyon dahil mahal kita."

Pinatong ko ang free hand ko sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko, "I never hated you... I love you at alam mo 'yan. Its just that I love you as a friend and nothing more. Nasabi ko na sayo 'yan dati pa. Diba? Na si--"

"Si Czarina Jung na ang nilalaman ng puso mo at hindi na si Bae Joohyun." Tumawa siya ng marahan, "Alam ko na 'yon and I envy her. You're both lucky to have each other. Please. Alagaan mo ng mabuti si Czar. I misjudged her real bad. Akala ko kasi bitch siya hindi naman pala. Nauna nga ako sayo pero di ko namalayan na napalitan na pala ako sa puso mo."

Si ko maiwasang mapangiti sa kwento ni Joohyun. Oo, maaaring siya ang first love ko at first love never dies, naniniwala ako doon. Mahal ko si Joohyun pero hanggang kaibigan lang. Pero mas naniniwala ko na true love buries first love. Si Joohyun man ang first love ko, si Czar naman ang true love ko.

"Mahal mo talaga siya noh?"

"Hmm?" Napahawak ako sa batok ko, "Oo. Sobra."

"Tch." Sabi niya saka tumawa. Napangiti na lang din ako. Its nice seeing her laugh already.

"Tae, can we still be friends?"

"Wae? Hindi ba tayo friends? Ako lang pala ang nag-iisip na magkaibigan tayo?" Biro ko sa kanya kaya natawa siya ulit.

"Salamat at tinanggap mo pa rin ako bilang kaibigan mo pero hindi ko makakaila na baliw ka pa rin."

"Para kay Czar?" Tanong ko, "Matagal na."

She cringed, "Ugh~! Freaking corny, Tae." At nagtawanan kaming dalawa.

"Pinapasabi nga pala ni Czar..."

Bigla akong natahimik. Hmm? Ano? Anong pinapasabi niya?

"Mahal na mahal kita, Taehyung."

------

Bae Joohyun at the multimedia.

Aww... closure sure is both nice and sad. Its nice because you both agree to end it but at the same time sad because its hard to let go the memories and love you built with each other.

Greetings to my dearest friend, phxnomenal-, SAENGIL CHUKHAHAMNIDA CHINGU! SARANGHAE! ❤

Vote and comment. Kamsahamnida!

Bangtan PrincessKde žijí příběhy. Začni objevovat