Chapter Thirty Nine

38 8 19
                                    

phxnomenal-, dedicated for you. 😉 enjoy reading.

And to my beloved readers... if you have any requests (one shots, story promotions, etc.) Don't hesitate to tell me. I am open for any requests. That's all. Komawo.

_eLLemarie_

---

Er Shen's POV

Pagkatapos ng madrama naming sharing at ng napaka malungkot na solo performance ni Czarina Jung ay nilapitan ako kaagad ni Jinyoung. Napatingala ako sa kanya since nakaupo pa rin ako sa tree log katabi ni Jihyun at Yoonhae.

"Inaantok ka na ba?" Tanong niya sa akin.

Umiling ako, "Hindi pa naman. Wae?"

"Let's take a walk. Doon sa dalampasigan." Aya niya.

Kahit di ko na tignan alam kong kinikilig itong dalawa kong katabi. Mga loka. Akala ko ba Mark-biased kayo tapos ngayon Jinyoung na naman? Halos isumpa niyo nga siya nung nalaman niyong mas pinili niya pa ang Jiwoo na yun kesa sa akin.

"Payag daw siya." Mabilis na sagot ni Jihyun.

"Alis na daw kayo. Ngayon na." Gatong pa ni Yoonhae.

Sinamaan ko sila ng tingin. Ibigay ba naman ako? Mga kaibigan ko ba talaga sila? Lalo na 'tong si Yoonhae. Akala ko ba inosente ka sa mga ganito? Sumbong kita kay Taeyong.

Sinamaan ako ng tingin ni Yoonhae, "Bilisan mo na bago pa magbago ang isip namin." She said with gritted teeth.

"Dali na!" Sigaw ni Jihyun saka tinulak ako patayo.

Muntikan pa ako matumba mabuti na lang nahawakan ni Jinyoung ang bewang ko at pinatayo ako ng maayos. Sinamaan ko ng tingin si Jihyun na kasalukuyang hagalpak ng tawa kasama si Yoonhae.

"Hindi naman kayo nagmamadaling paalisin ako e noh?" Mapanuya kong tanong.

Sabay silang umiling, "Hindi naman."

Inirapan ko lang sila at pasimpleng hinanap si Mark. Doon ko siya natagpuan sa tabi ni Czar, busy sa pag aalo sa kanya. Napangiti ako. Boyfriend material ka talaga, Tuan Yien. Ayos naman sigurong kausapin ko muna best friend ko diba? Kailangan ka din naman ng best friend mo e.

"Shen?"

Napalingon ako kay Jinyoung.

"Hm?"

"Kaja?" Aya niya.

I took one last glance kay Mark at sakto namang napatingin siya sa akin. Nginitian niya ako kaya ngumiti din ako pabalik. That's my signal. Okay lang sa kanya. Thanks Mark. Dati kasi ayaw niya akong pakausap kay Jinyoung dahil sa nangyari noon. Napaka possessive ni Mark. Kaya siguro ayaw ni Czar sa kanya. Pero mas possessive naman si Taehyung kay Mark diba? Ay nako. Basta okay kami ni Mark, ayos na ako doon.

Habang naglalakad kami ay nakaakbay sa akin si Jinyoung.

"Tanda mo pa ba ang last na punta natin sa beach?" He asked out of the blue.

Napaisip ako, "Last year? Sa Busan pa yata yun e."

He chuckled, "Majayo (That's right). Doon pa tayo natulog sa bahay ko."

"Natatandaan ko yun! Ilang beses mo pa nga ako nasipa paalis ng kama. Sama mo." Maktol ko.

Tinawanan niya lang ako, "Ikaw kasi. Ang lakas mo humilik!"

Nanlaki ang mga mata ko, "Hala! Hindi kaya."

Nagtawanan lang kaming dalawa hanggang sa manahimik na naman kami.

Bangtan PrincessWhere stories live. Discover now