Chapter Thirty Four

30 7 6
                                    

Taehyung's POV

"Don't worry. I'm still yours, Babe."

Matapos niyang bigkasin ang mga salitang iyon ay lumayo siya at umakyat na papunta sa taas. Habang ang iba naman ay di magkamayaw sa kakatukso sa akin lalo na ang best friend niyang si Mark. Ang tanga ko lang talaga, bakit ko ba pinaghihinalaan si Czar? Alam ko naman na hanggang kaibigan lang ang tingin niya kay Mark at may ibang gusto na din naman si Mark.

"Czar loves you." Napatingin ako sa nagsalita, "I know that 'cause I'm her best friend." Tinapik lang ni Mark ng dalawang beses ang balikat ko at sumunod na kay Czar sa taas para ayusin ang Master's Bedroom kung saan kami matutulog maya maya.

"Waaah~ kinikilig talaga ako sa inyo, Hyung." Sabi ni Jungkook habang tumatalon talon sa kilig. Baliwa na yata.

"Never thought Czar would say that."  Puna ni Namjoon.

"Tama. Hindi naman kasi siya ang expressive type." Dagdag pa ni Seokjin.

"Hindi man siya ang expressive type at least nasabi niya kay Taehyung na mahal niya ito." Pahayag ni Yoongi.

"Hindi ko naman narinig na nagsabi si Czar ng I love you kay Taehyung a?" Patanong na komento ni Jimin.

Kumibit balikat si Yoongi, "Hindi nga. But its has the same sense in them. Saying I am yours is like telling her you love her..." Di nakatakas sa akin ang pagnakaw ng tingin ni Yoongi Hyung kay Areum Noona, "... and only her."

Napatango tango si Jimin.

"Pero kinikilig pa rin ako sa inyo~" Bungisngis ni Hoseok kaya di ko na maiwasang mapangiti. Ang masama pa dahil baka hindi na ito mawala hanggang mamaya.

Kinulbit ako ni Yoonhae, "Taehyung, pag kinasal kayo ninang ako a."

"Kasal agad? Hindi pa nga sila--"

"Anong hindi? Huli ka na yata sa balita girl. Matagal nang sila." Pambabara ni Yoonhae kay Jihyun na walang ka alam alam. Napatingin si Jihyun kay Taehyung at binigyan ng kayo-na-talaga look.

Tumango lang si Taehyung habang nakangiti pa rin.

"Guys... tulong. Di maalis ang ngiti sa mga labi ko." Sabi ko sa kanila at tinawanan lang nila ako. Mga kaibigang tunay nga naman.

"Gwaenchana, Taehyung-ah. Walang masama diyan, masaya ka lang naman kaya hindi ka namin dapat pigilan." Sabi ni Eunbi.

"Tama si Twin. Ang dapat lang namin gawin ay maging masaya para sayo. Ilang buwan din bago kita makita na nakangiti ulit ng ganyan. We're really happy for you." Dugtong ni Eunha.

Napayuko na lang ako. Mga loko loko at topakin man ang mga kaibigan kong ito ay mapagkakatiwalaan naman at maaasahan kung kailan mo sila kailangan. Masaya sila kapag masaya ka. Malungkot sila kapag malungkot ka. Tatawa sila kapag tumatawa ka at tatawanan ka kapag nadapa ka. O diba? Ang astig ng mga kaibigan ko.

"Taehyung."

Napatingin ako kay Areum Noona.

"Ne? (Yes?)"

Ngumiti siya. Yung ngiting hindi creepy kundi yung ngiting natural ni Noona. Its been years since I last saw that sincere and sweet smile of hers kaya di ko din napigilan mapangiti. Nakakahawa e. Tumingin ako ng sandali kay Yoongi Hyung at nakita kong nakatitig lang siya kay Areum Noona. Hindi niya din siguro ito inasahan.

"Total nasabi na din naman nila lahat, papaalalahanan na lang kita. Isang bagay lang ang gusto kong ipangako mo sa akin." Tumango ako at nagpatuloy siya sa pagsasalita, "Trust her." Tumango tango ako ulit, "Alam ko naman na mamahalin mo siya at aalagaan. Just trust her with everything she does 'cause I know that what she is doing is for your happiness."

Bangtan PrincessWhere stories live. Discover now