Chapter Five

57 8 0
                                    

Czar's POV

Nung makita kong si Mark ang taong kumausap sa akin ay dali-dali akong tumayo at niyakap siya. At doon ako humagulgol sa balikat niya. Ramdam ko ang paghaplos-haplos niya ng buhok ko habang pinapatahan ako.

I'm so glad that Mark's here. Now, someone's got my back.

Hindi naman ako ganito ka iyakin e. Kaya ko kahit anong insulto sa akin. Pero hindi ko gusto na dinadamay pa ang pamilya ko. At ang masakit pa doon ay yung kung makapag salita siya ay parang may alam siya.

He doesn't know me. He doesn't know anything about me.

"Ano ba kasing problema?"

Kumalas ako sa yakap at tinignan siya.

"Marunong ka magsalita ng hangeul?!" Di makapaniwala kong tanong sa kanya.

"Uhh... ne?" Unsure na sagot niya.

Sinuntok ko ang braso niya kaya natawa siya, "Baliw. Paano ka nakakapagsalita ng hangeul?"

"Kasi marunong ako?"

Sinuntok ko siya ulit kaya napa-aw siya sa sakit. Gagu kasi e. Alam nang seryoso ako tapos nagloloko pa.

"Joke lang. Ito naman hindi mabiro." Tumawa siya ng mahina, "Matagal na akong marunong magsalita ng hangeul Czar. I just don't feel like speaking it when I'm in L.A. 'cause no one understands me."

Tumango-tango na lang ako sa kanya. Umupo siya sa damuhan at inaya din akong umupo.

"Pero balik sa topic." Napatingin ako sa kanya, "Ano bang problema? Ngayon lang kita nakitang umiyak ng ganito. Anong nangyari sa Czar na amazona? Tinangay na ba ng alien?" Tanong ni Mark.

At nakatanggap na naman siya ng isang suntok.

"Amazona talaga? Hindi ka na nahiya e noh? Alam mo nang malungkot ako tapos tutuksuhin mo pa?" Inis kong sabi sa kanya.

Ni-side hug niya ako. Yan~ diyan ka lang magaling. Sa paglalambing mo. Sa aming dalawa ni Mark parang siya pa yung babae e kasi mas malambing siya kesa sa akin. Tapos ako naman yung mas maangas at mas matapang sa aming dalawa. Halos lahat yata ng away doon sa paaralan namin bida ako.

"Mianhae. Wag ka na magalit. Pinapagaan ko lang naman ang loob mo." Malambing niyang saad.

Sigh.

"Fine. As if naman may magagawa pa ako." Tumawa lang siya sa sinabi ko.

"Pero seryoso Czarina. Anong nangyari? Bakit ka umiyak?" Nag-aalala niyang tanong.

"Wala." Pagmamaang-maangan ko.

Masyado nang maraming gulo ang napasukan ko doon sa L.A. na palagi na lang nadadawit si Mark. Kaya ayoko na pati dito sa Seoul ay madadamay pa siya. Naaawa nga ako sa kanya kasi minsan inaako niya ang kasalanan ko.

"Come on Czar. Hindi ako tanga at para hindi mapansin na may problema ka. Umiyak ka pa nga tapos sasabihin mong wala?" Mahinahon niyang sambit.

I sighed.

"E kasi."

"Kasi ano?"

"May kinaiinisan kasi ako e." Sabi ko sa kanya.

Kumunot ang noo ni Mark, "Nugu? (Who?)"

"Si--"

"Ya!"

Napatingin kami ni Mark sa sumigaw. Agad na nag-iba ang modo ko nang makita ko ang pagmumukha niya. Sa lahat ng tao, siya ang pinakaayaw kong makita tapos nandito pa siya? Lakas ng loob niya a. Mukhang nakalimutan niya na yata ang kasalanan niya.

Bangtan PrincessWhere stories live. Discover now