Chapter Forty

39 8 8
                                    

Czar's POV

"Hoy Jung, matagal ka pa ba diyan?"

Natawa na lang ako kay Ershen. Palibhasa maaga nagising kaya maaga din natapos. Ngayon na kasi ang balik namin sa Seoul. Natapos na din ang tatlong araw ng walang humpay kong panunuyo kay Taehyung.

Pag ako talaga naubusan ng pasensya uuwi talaga ako ng America.

Pero syempre, joke lang yun. Kapag umuwi ako, ako din naman ang magdudusa. Diba?

"Ikaw na lang kaya ang hinihintay. Bilisan mo!" Singhal ni Eunbi.

"Oo na. Eto na po. Magsisintas na lang ng sapatos at okay na." Natatawa kong saad habang nagtatali ng shoelace ko, "Bakit kasi di na lang kayo nauna lumabas edi sana hindi na kayo nainip kakahintay sa akin."

"May point nga siya." Puna ni Yoonhae.

Tinignan ni Yieun si Yoonhae na para bang nababaliw na siya, "Yung totoo, Hae. Saan kanina naglilibot ang utak mo nung nag-uusap tayo?"

Tumawa lang si Yoonhae at nag peace sign kay Yieun, "Mian."

Napa-iling na lang si Yieun. Stressed masyado si Maknae. Hahaha.

"Palibhasa na basted." Panunukso ni Jihyun. Nilingon siya ni Yieun at sinamaan ng tingin, "Sinong nabasted?"

"Joke lang. Ito naman masyado ka kasing seryoso e." Sabi ni Jihyun sabay cling sa braso ni Yieun at kung makangiti ay parang walang bukas.

"Hindi naman daw kasi basted si Maknae. Friend-zoned lang." Gatong pa ni Eunha. Aba aba, kelan pa 'to natutong manukso? Nahawa na nga sa kambal niya.

Napanguso na lang si Yieun.

"Why? What happened?" Tanong ni Areum. Walang alam 'to. Nag date kasi sila ni Yoongi kagabi e. Kaya ayan nahuli sa balita na nag confess na si Yieun kay Seokjin.

"Ayun nga, FRIEND ZONED nga ni Seokjin kagabi si Yieun." Sagot ko.

"What?" Gulat niyang tanong.

"Areum, ikaw ba ay nakakaintindi ng english? Kakasabi ko lang. Na friend zoned nga si Yieun. Kailangan pa talaga i-explain?" Pang iinis ko sa kanya kaya bigla siyang napanguso na siyang ikinagulat namin.

"Omo." Eunbi.

"Guys, is it me. Or nakita niyo din yun?" Eunha.

"I saw it." Yoonhae.

"Nakita ko yun! Nag pout si Areum Eonni!" Yieun.

Kani-kanina lang e halos sakluban ng langit at lupa itong si Yieun tapos nung nakita si Areum na ngumuso ay biglang nag iba ang mood. Iba nga talaga ang mood swings ng mga babae. Tested and proven na.

At dahil nga ang dami naming nasabi ay bigla na lang bumalik sa poker face si Areum at nauna nang lumabas.

"I'll go out first." Sabi niya saka lumabas. Natawa na lang kami. Nagtataka siguro kayo kung bakit big deal sa amin yun. Alam niyo naman siguro kung gaano ka Cold-Blooded yang si Areum na palaging poker face ang mukha kaya ngayon di sila magkamayaw nung makita nilang ngumuso siya.

Nako Areum ha, iba na ang epekto sayo ng Min Yoongi na yun.

Maya maya pa ay natapos na kaming lahat sa pag aayos kaya lumabas na kami. As usual naghihintay ang mga lalaki sa labas. At as usual wala pa rin si Kim Taehyung. Nakita ko ang grupo nila Joohyun pero hindi rin nila kasama si Taehyung.

Himala. Bigla yatang nag iba ang ihip ng hangin ngayon. Nagtama ang paningin namin ni Joohyun at bigla niya na lang ako inirapan. I just rolled my eyes at sumunod na sa mga kaibigan ko papunta sa plane.

Bangtan PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon