Chapter Twenty One

71 8 22
                                    

Happy Mark Day! Para ito sa mga Mark Lover's out there. First POV ni best friend. Haha. Enjoy reading. Saranghae yeorobun! ❤

_eLLemarie_

---

Mark's POV

Habang naglalakad ako paalis sa rooftop, bawat hakbang palayo kay Czarina katumbas ay ang unti-unting pag gunaw ng mundo ko.

Czarina Jung is my everything.

She's all I have now. She's the reason why I'm continue living and she's also the reason why I'm dying right now.

I'm dying to have her love and attention right now.

Tapos bigla na lang dadating ang Kim Taehyung na yan. Pa epal sa buhay namin ng Czarina ko. Nang-aangkin ba? Well, she's mine. I mean she should be mine. Ang torpe ko lang kasi. Hindi ko maamin-amin na mahal ko siya. Mahal ko siya higit pa sa pagiging best friend lang.

Dati-rati ako lang ang nagiging sanhi ng mga ngiti niya pero ngayon si Kim Taehyung na. Kainis naman o!

"Ay palaka!"

Napatingin ako sa sumigaw.

Kaibigan 'to ni Czar a. Siya din yung sinagip ko mula sa pagkakasampal ng girlfriend ni Jinyoung nung isang araw. Ano nga ulit ang pangalan niya? E... Er...

Ah! Alam ko na!

"Er Shen right?"

Tumango siya habang nakangiti, "Ne. Anyeonghaseyo."

Napunta sa ibang direksyon ang tingin niya kaya bigla na lang nawala ang ngiti niya. Tinignan ko kung saan siya nakatingin. Yung kamay ko pala dumudugo.

"Tara, gagamutin ko yang kamay mo. Mahirap na baka ma infect." Sabi niya sabay hila sa akin.

Ni hindi na ako nakatanggi kasi bigla niya na lang ako hinila. Babae ba talaga 'to. Ang lakas e. Makahila siya, akala niya magaan lang ang hinihila niya. Maya-maya pa ay nakarating na kami sa clinic. Pinaupo niya ako sa patient's bed at pinagsabihan, "Wag kang magtangkang umalis. Diyan ka lang."

Tumango na lang ako para walang away.

Ngumiti lang siya ng matipid at umalis na sa paningin ko. Sinundan ko lang siya ng tingin habang kumukuha siya ng mga kung ano-anong bagay mula sa cupboards at drawer dito sa clinic. Di kaya pagalitan kami dito?

"Hey. Won't we get caught?" Tanong ko.

"Edi mahuli. Bakit may ginagawa ba tayong masama? Wala naman diba? Gagamutin ko lang ang sugat mo." Ngumiti siya, "Wag kang mag-alala di tayo magtatagal dito. Aalis din tayo agad." Sabi niya saka dinala na ang mga gamit na kinalkal niya sa tabi ko.

"Bakit ang dami naman yata? Band aid lang okay na yan." Sabi ko.

Sinamaan niya lang ako ng tingin, "Anong band aid? Matatapalan ba ng band aid ang ganito kalaking sugat?" She clicked her tongue, "Halos mawala na ang buong balat mo sa lakas ng suntok mo kanina sa pader tapos band aid lang ang itatapal mo? Nako Mark. Wala ka sigurong alam sa first aid." Umiling lang ako sa kanya, "Kaya nga manahimik ka na lang at wag nang magreklamo. Let the expert take over." Sabi niya saka sinimulan na ang pag gamot sa sugat ko.

"Ano ba kasi ang nangyari? Hindi man kita gaano ka kilala pero alam ko na may problema ka."

Huminto siya saglit sa pag gagamot sa akin at tumingin ng diretso sa mga mata ko, "Alam ko hindi ako si Czar na mapagkakatiwalaan mo sa mga problema mo pero pwede mo naman akong ituring kaibigan. Makikinig ako."

Bangtan PrincessWhere stories live. Discover now