Chapter Thirty Five

35 8 10
                                    

Czar's POV

Ilang araw na din ang lumipas simula nang malaman ni Taehyung ang tungkol sa bet. Nagpapansinan na sila ng mga barkada niya except kina Areum at syempre ako. Naiintindihan ko naman si Taehyung e. Hindi naman na ako umaasa na mamahalin niya pa ako ulit pero sana naman bigyan niya ako ng pagkakataon na pagtrabahuan ang pagpapatawad niya.

Mahal ko si Taehyung, oo. Kaya nga kahit nagmumukha na akong tanga kakalapit sa kanya kahit palagi niya naman akong nilalayuan ay ayos lang. Kahit na palagi na lang niya akong dinededma kapag sinusubukan ko siyang kausapin ay ayos lang. Basta alam niya na gusto kong makuha ang pagpapatawad niya.

"Nandito na naman sila."

Natigil na lang ako sa kakaisip nang magsalita si Ershen. Napatingin ako kung saan sila nakatingin at nakita ko ang grupo ni Joohyun...

Kasama si Taehyung. Minsang nagtama ang tingin namin ni Taehyung, ngingiti pa sana ako nang bigla niya na lang ako irapan. Napayuko na lang ako.

"Ang landi talaga ng babaeng 'yun." Inis na sabi ni Eunbi. Maski nga ako nalalandian din e, paano ba naman kasi kung makapulupot ng braso niya kay Taehyung parang walang bukas.

"Kalma lang twin." Sabi ni Eunha habang hinahagod hagod ang likod ni Eunbi.

"E kasi nakakainis ang kalandian niya! Pigilan niyo ako baka ilampaso ko yang mukha niya sa sahig!" Nanggagalaiting pahayag ni Eunbi.

"Nako bi, susuportahan ka pa namin. Go lang, resbak mo kami." Poker face na sagot ni Jihyun.

"Ako taga suntok." Presenta ni Yieun.

"Baliw." Natatawa kong komento, "Hayaan niyo na lang sila. Diyan sila masaya e." Sabi ko habang nakayuko. Hindi ko na nakita ang reaksyon nila sa sinabi ko.

"Masaya nga sila pero ikaw masaya ba?" Tanong ni Areum.

Napakagat na lang ako sa labi. Gusto ko man sabihing okay ako pero ayoko namang lokohin ang sarili ko. Ayokong dagdagan pa ang pasakit na nararamdaman ko ngayon.

"Alam naming hindi ka okay, Czar. Wag mo namang pahirapan pa ang sarili mo. Pwede ka naman nang bumalik sa L.A. ngayon kung gusto mo." Dagdag pa ni Areum.

"Oo nga. Alam ko namang maiintindihan ka ng parents mo." Malungkot na sabi ni Ershen.

Tinignan ko lang silang lahat at binigyan ng bittersweet smile.

"Nan gwaenchana. I know I will be. Nangako ako kay Taehyung na hindi ko siya iiwan e." Sabi ko sa kanila.

"Pero paano 'yan? Pagkatapos ng graduation ay kailangan mo na agad bumalik ng L.A. diba?" Tanong ni Yoonhae.

Malungkot akong tumango pero nanatiling nakangiti.

"Gustohin ko mang manatili pero hindi din pala pwede dahil ayokong suwayin ang mga magulang ko para lang sa isang lalaki na ayaw naman na akong makita buong buhay niya. Ayokong manatili dito kung araw araw lang din namang ganito ang masasaksihan ko." Paliwanag ko sa kanila.

"But won't you give Taehyung a chance?" Tanong ni Eunha.

"Twin naman..."

"No twin. I'm still hoping that Taehyung will forgive her before she goes back to L.A." Tumingin sa akin si Eunha, "Alam ko na mahal ka pa rin ni Taehyung, Czar. He is just too scared to get hurt again. Just give him until graduation kapag hindi ka pa niya pinatawad ay hahayaan ka na naming bumalik ng Los Angeles."

"Well..." Napatingin ako kay Areum, "Eunha has a point. I still believe that you will end up with Taehyung. I don't want my baby brother ending up with that... girl."

Bangtan PrincessWhere stories live. Discover now