Chapter Twenty Two

50 8 8
                                    

Czar's POV

~BZZZZZT BZZZZZT~

Kinapa ko ang phone ko mula sa side table at sinagot ang tawag without looking kung sino ang nasa caller ID.

"What?" Bungad ko.

"Tulog ka pa rin? Daebak. Hoy bilisan mo na at bumangon ka na diyan. Nasa labas na kami naghihintay. Bye." Sabi niya saka binabaan ako.

Parang ewan 'tong si Eunbi. Ang aga-aga nanenermon.

Umiling-iling lang ako at bumangon. Inayos ang kama at ginawa ang aking usual morning rituals. Makalipas ang isang oras ay natapos na ako. Bumaba na ako at ang bumungad sa akin ay ang dalawang babaeng magkamukha na kung makasalampak sa couch ko ay parang bahay nila ito.

Come to think of it...

Paano sila nakapasok?

Ay naiwan ko na naman sigurong bukas ang gate at front door. Ay nako. Nasanay na kasi ako sa L.A. na kahit iwan mong nakabukas ay di ka mananakawan. Perks of living in a riches' subdivision.

"Oy mga loka."

Napatigil sila sa mga ginagawa nila at napalingon sa akin. Nginitian ako ni Eunha habang si Eunbi naman ay tinapunan ako ng unan at strike mismo sa mukha ko.

"Grabe ka. Malapit na mag warning bell tapos ikaw kakatapos pa lang sa ritwal mo? Malapit dalawang oras kami naghintay sayo. Tss."

Ngumuso lang ako at pinulot ang unan na tinapon niya at tinapon ito pabalik sa kanya.

"E sino ba ang nagsabi sayo na maghintay ka? Ikaw 'tong bigla na lang susulpot sa bahay ko at gigisingin ako ng madaling araw tapos ikaw pa ang galit." Reklamo ko.

"O edi sorry na." Sabi niya saka tinawanan niya lang ako, "Tara na. Ma l-late na tayo."

Tumango lang kami ni Eunha at umalis na. At dahil trip nila akong puntahan kaya sasakyan ko ang ginamit namin. Ang kuripot ng kambal na ito. Ayaw mabawasan ang gas ng mga sasakyan nila.

Maya-maya pa ay nakarating na kami sa school. Sakto namang nagdatingan sina Areum, Yieun, Yoonhae, Jihyun, at Ershen. At ang una kong napansin ay ang pagiging ilang sa akin ni Ershen.

Nilapitan ko siya at inakbayan, "Hey. You okay?"

Ngumiti lang siya ng matipid at tumango, "Ne." Sagot niya saka marahang inalis ang kamay ko sa balikat niya at sumabay sa paglalakad kina Yieun at Yoonhae.

Napatigil ako sa paglalakad nang dahil sa ginawa ni Ershen.

May problema ba kaming dalawa?

"What's wrong?" Tanong ni Areum.

Kumibit balikat lang ako, "Molla (I don't know)."

Pagdating namin sa classroom ay nagsi-upuan na kami dahil nandiyan na si Ma'am. Pero hindi ko pa rin maiwasang isipin ang ginawa kanina ni Ershen. Napansin siguro yun ni Taehyung kaya kinalabit niya ako. Liningon ko siya at binigyan ng What-Is-It-You-Want Look.

"Gwaenchana?" He asked using his deep voice.

Binigyan ko siya ng matipid na ngiti at tumango. He just sighed in defeat. Matapos kong sumagot ng napakahaaaaabang (Note the sarcasm) sagot ay tinuon ko na ang atensyon ko sa prof na nag l-lecture. Matapos ang first period ay sumunod na ang pangalawang subject namin. Pamatay talaga, Anatomy e. Nag lecture lang si Prof about sa human bones pero feeling ko na o-overload na agad ang utak ko.

Marami kasing kakabisaduhin.

-_-

Parang gusto ko na lang mag drop.

Bangtan PrincessWhere stories live. Discover now