Chapter Forty Two

28 5 5
                                    

Third Person's POV

~RING RING!~

Naalimpungatan si Taehyung sa pagkakatulog nang dahil sa pagtunog ng phone niya. Nainis siya dahil sa pang iistorbo nito sa tulog niya. Kinuha niya ang phone mula sa bulsa niya at sinagot ang tawag.

"Wae?" Asik niya kay Jimin. Hindi naman siya ganun sumagot sa mga Hyung niya. Naging dahilan lamang ang inis dahil sa iyon lamang ang oras na nakatulog siya nang hindi iniisip ang mga problema niya.

"T-t-taehyung..."

Napaupo ng di oras si Taehyung nang makaramdam siya ng kaba at takot mula sa boses ni Jimin.

"Wae? Anong nangyari?"

"T-t-tae... p-punta ka d-dito. B-bilisan mo."

"Umayos ka nga, Hyung. Para kang batang di matae sa pagsasalita mo e." Biro ni Taehyung kay Jimin para kumalma ito.

"Akin na nga yan! Ako na ang kakausap kay Taehyung. Pakalmahin niyo na siya." Rinig ni Taehyung mula sa kabilang linya na kung di siya nagkakamali ay mula kay Yoongi.

"Tae."

"Ne Hyung?"

"Eodiya? (Where are you?)"

"Nasa school pa rin. Waeyo?"

Hindi nakasagot agad si Yoongi kaya biglang kinabahan si Taehyung. Hindi naman namatay ang tawag dahil naririnig niya pa rin ang walang humpay na iyakan mula sa kabilang linya.

"Hyung? Yoongi Hyung andiyan ka pa ba?"

"O-oh? N-ne. Saan ka na?"

"Nasa school. Bakit may naririnig akong umiiyak diyan? Nasaan kayo? Anong nangyari?"

"Taehyung pumunta ka ngayon sa pinakamalapit na hospital sa school. Czar and Joohyun's in danger."

Hindi man agad nag sink in sa utak ni Taehyung ang sinabi ni Yoongi ay pinatay na niya ang tawag at kumaripas ng takbo papuntang parking lot. Pinaharurot niya ang sasakyan papunta sa pinakamalapit na hospital mula sa Bangtan U.

Ang kaninang mahinahong Taehyung ay nilamon na ng takot at kaba nang marinig niyang nasa panganib si Czar. Hindi niya na alam kung paano siya nakarating sa hospital kahit na hindi na siya makapag isip ng maayos nang dahil sa kaba at takot.

Nagmadali siyang ipuwesto ang sasakyan ng maayos at dumiretso sa nurse's station.

"Nasaan si Czarina Jung?" Hingal na bungad niya sa mga nurse na nandoon sa station.

Di maiwasang mapatalon ng babaeng nurse na pinagtanungan niya dahil sa gulat.

"Pakiulit po?" Pakiusap ng nurse.

Kumunot ang noo ni Taehyung, "Si Czarina Jung! Nasaan siya!"

"Taehyung!"

Napalingon si Taehyung sa gilid at doon niya nakita si Namjoon at Seokjin kasama si Areum.

"Hyung!"

Tumakbo si Taehyung papunta sa kanila at agad nagtanong kung nasaan si Czar.

"Kumalma ka muna, Kim Taehyung." Utos ni Namjoon. Kahit na pati siya ay natataranta at nag aalala din para kina Czar at Joohyun ay kailangan niyang pakalmahin ang sarili para sa kanilang lahat. Dahil kung lahat sila ay mabalot ng kaba at takot ay baka mabaliw na sila sa pag aalala kay Czar.

"Hindi ako pwedeng kumalma kung nasa panganib ang buhay ng babaeng mahal ko!" Halos pasigaw na saad ni Taehyung, "Kaya please lang. Sabihin niyo na sa akin kung ano ang nangyari sa kanya dahil halos mabaliw na ako sa kakaisip sa mga posibleng mangyari sa kanya."

Bangtan PrincessWhere stories live. Discover now