Chapter Thirty Three

48 8 11
                                    

Czar's POV

Matapos ng mala melodramang eksena namin ni Taehyung ay tinawagan agad ng mga girls ang Bangtan Princes. Since weekend na din naman bukas ay napag desisyunan ko na imbitahin na lang sila na mag sleep over sa bahay since malaki naman ito at kasya naman kaming lahat at saka gusto ko din maranasan ang mga ganitong bagay na hinding hindi ko pa naranasan sa L.A. dahil nga sa attitude problem ko.

"Papunta na daw si Kookie." Sabi ni Eunbi.

"Ganun din si Hoseok. Makikisabay na lang daw siya kina Seokjin Oppa at Namjoon Oppa." Sabi ni Eunha.

"Mag iimpake pa daw si Jimin. Antayin daw natin." Sabi ni Jihyun.

"Yoongi's on the way." Malamig na saad ni Areum habang nakalagay pa rin ang tenga sa phone.

Nakatingin lang kaming lahat sa kanya hanggang sa matapos siya sa pagtawag.

"Ingat." Sabi niya bago patayin ang tawag. Nakatingin lang kaming lahat sa kanya ganun din siya sa amin, "Yes?" Umiling lang kami at ang iba ay nagpatuloy sa kung ano ang ginagawa nila.

"Noona."

"Mwonde, Taehyung? (What is it, Taehyung?)" Tanong ni Areum.

"Ani... nagulat lang ako na mas inuna mo pang tawagan si Yoongi Hyung kesa kay Namjoon Hyung." Puna ni Taehyung. Napakurap ng dalawang beses si Areum at napasinghap, "Did I, now?" Napangiti siya, "Maybe its because Oppa already knows that we'll have a sleep over."

"Sinong Oppa?" Tanong ko.

"Namjoon Oppa." Sagot niya, "Who else is my Oppa (older brother)?"

"Ah... keureuchi (that's right). You never call Yoongi, Oppa." Sabi ko.

Napatingin sa akin si Taehyung, "E ano? Nung nakaraan narinig ko na tinawag ni Noona si Yoongi Hyung na Oppa."

Napangisi lang ako at tumingin kay Taehyung. Umiling iling ako, "Napaka slow mo talaga. Pag tinawag ni Areum si Yoongi na Oppa edi parang kinakapatid niya na yun." Tumingin ako kay Areum, "I'm right, right?" Hinilig lang ni Areum ang ulo niya pakanan at binigyan ako ng makahulugang tingin. Binalik ko ang tingin ko kay Taehyung na takang taka sa mga pinagsasabi ko.

"Areum won't ever call him Oppa. Alam mo kung bakit?" Tanong ko kay Taehyung at umiling lang siya.

"Bakit?" Tanong niya.

"Kasi. He is her Appa." Lumingon ako ng bahagya kay Areum, "Am I wrong?"

She just crossed her arms and tilted her head to the other side, "Well..."

'Yun lang ang tanging nasagot niya bago niya kami nilagpasan, "Don't worry. I won't tell anyone."

"You better won't." Sabi niya habang naglalakad palayo.

"Omo." Napatingin ako kay Taehyung na gulat na gulat, "Ibig sabihin..."

Ayun! Nakaintindi na din ang bata. Tinapik ko siya ng dalawang beses sa balikat, "Congrats. You've matured."

"Ya." Saway niya, "Hindi na ako bata noh. Mas matanda ako sayo ng isang taon."

Ngumiti lang ako, "But you don't act like one." Kumibit balikat ako, "Seems like I'm more mature than you are." Sabi ko saka naglakad palayo sa kanya. Pero nakakatatlong hakbang pa lang ako ay huminto ako agad at lumingon sa kanya, "Wag na wag mong sasabihin kay Yoongi ang alam mo kung gusto mo pang mabuhay. Arachi? (Got that?)"

Bangtan PrincessWhere stories live. Discover now