Chapter Nine

73 9 3
                                    

This chapter is about the couples taking care of their kid-for-the-day project. I hope you enjoy. Saranghae! ❤

Vote and comment. Kamsahamnida!

_eLLemarie_

---

Third Person's POV

[Czar x Taehyung]

"Yewon, saan mo gusto pumunta?" Nakangiting tanong ni Taehyung kay Yewon.

Kakatapos lang ng mga bata pumili ng mga kani-kanilang parents para sa araw na ito at ang unang umalis ay ang 'MASAYANG' Pamilya nina Kim Taehyung at Czarina Jung kasama ang kanilang anak na si Yewon. Take note of the sarcasm when I mentioned 'Masaya' dahil sina Taehyung at Yewon lang ang nag-eenjoy.

"Gusto ko kumain Appa." Sagot ni Yewon. Tumingin si Yewon kay Czar na nasa likuran lang nila at nakasunod lang, "Eomma." Napatingin si Czar kay Yewon, "Wae, Yewon?" Walang ganang tanong ni Czar.

Napatigil sa paglalakad si Taehyung dahil bigla na lang bumitaw sa kanya si Yewon at pumunta kay Czar. Hinawakan ni Yewon ang kamay ni Czar saka hinila ito papunta kay Taehyung.

"Sumabay ka sa amin Eomma, baka mawala ka." Pa-cute na paalala ni Yewon. Halos maglupasay sa kakatawa si Taehyung sa sinabi ni Yewon.

"Grabe Czar, bata pa talaga ang nagpaalala sayo?" Natatawang pahayag ni Taehyung, "Wawa naman Baby Czar." Dugtong pa ni Taehyung.

Tinaasan lang siya ng kilay ni Czar, "Sige, tumawa ka lang. Wag kang titigil hanggang sa matapos ang araw na 'to. Arasso?"

Agad na napatigil si Taehyung sa pagtawa at sinamaan ng tingin si Czar. Ngumisi lang si Czar sa kanya.

"Eomma, kain tayo. Gutom na ako." Reklamo ni Yewon.

Tumango si Czar, "Keurae. Kakain tayo tapos si Tsonggo-- este si Taehyung ang gagastos."

Mas lalong sumama ang tingin ni Taehyung kay Czar. At nung makita ito ni Czar ay natawa lang siya tapos tumakbo sila ni Yewon palayo kay Taehyung.

"Lagot! Galit na si Tsonggo. Takbo na Yewonnie!~"

"Ya! Kidaryeo!"

Sigaw ni Taehyung habang hinahabol silang dalawa. Nag-ikutan lang sila sa playground sa kinder department.

"Andwae!" Sabay na sigaw ni Yewon at Czar.

Grabe, mag-ina yata talaga 'tong dalawa eh. Sabi ni Taehyung sa isip niya habang hinahabol sina Czar at Yewon. Nung naabutan na ni Taehyung ang dalawa ay hinigit niya si Czar papunta sa kanya kaya natumba sila at nasa taas ni Taehyung si Czar at Yewon.

"A-aray! Ang b-bigat niyo!" Daing ni Taehyung.

Nakatalikod sina Yewon at Czar kay Taehyung, pero dahil hindi pa sila nakuntento ay mas lalo pa nilang dinaganan si Taehyung kaya mas lalo pang napa-aray ang binata.

"Um-malis na kayo. J-jebal." Pagmamakaawa ni Taehyung.

Nakangiting tumayo si Czar tapos binuhat niya si Yewon para makaalis ito kay Taehyung. Nung makaalis ang dalawa sa taas ni Taehyung ay agad siyang napagulong sa gilid.

"Sinira niyo ang ribcage ko." Reklamo ni Taehyung.

Natawa na lang sina Czar at Yewon kay Taehyung.

"Grabe ka naman Appa. Hindi naman kami mabigat ni Eomma." Natatawang sabi ni Yewon.

Gumulong ulit si Taehyung patihaya at tumingin kay Yewon.

Bangtan PrincessWhere stories live. Discover now