Chapter Twenty Eight

49 9 16
                                    

Czar's POV

Hinalikan ako ni Taehyung. Hindi sa pisngi hindi din sa noo kundi sa labi. Aish! Ano ba yan! Why do I make such a fuzz about this? Its not like he's my first kiss. That Jongsuk already stole my first kiss. But why can't I get over?!

Nagpagulong-gulong ako sa kama hanggang sa wala na akong magulungan at bumagsak ako sa sahig.

"Ow." Daing ko.

Tumayo ako at humiga ulit sa kama. Nakatingin lang ako sa kisame pero bakit mukha ni Taehyung ang nakikita ko? Ano ba naman yan! Potangina mo Taehyung panagutan mo ang ginawa mo sa akin.

Ay teka.

Hindi naman ako nabuntis kaya anong pananagutan niya?

Ay ano ba yan! Kung ano ano na ang pumapasok sa utak ko simula nung... halikan ako ni Taehyung. Bahala na. Hahayaan ko na lang. Siya na mismo ang nagsabi na ginawa niya lang yun para maniwala si Jongsuk na kunwari ay kami para tantanan niya na ako.

Bigla akong napaisip.

Ang sama ko palang tao.

Ang bait bait sa akin ni Taehyung pero anong binibigay kong kapalit sa kanya? Wala na nga akong nagagawang tama para sa kanya tapos pinagpupustahan ko pa siya. Ang sama sama ko talaga!

Gusto ko nang itigil 'to. Bahala na sila kung uubusin nila ang pera ko sa loob ng isang buwan basta ayoko nang maging masamang tao kay Taehyung.

Kinuha ko ang phone ko sa side table at nag dial. Matapos ang dalawang ring ay sinagot niya ang tawag ko.

"Yes? What is it?"

"Let's meet up. Cafe near the school 2pm. I'll wait for you."

Pinatay ko na agad ang tawag bago pa siya makaangal. Kilala niyo naman si Areum. Kapag ayaw niya ay hindi talaga 'yan pupunta. Kaya naman inunahan ko na siya bago niya pa ako sagutin ng 'No'.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga. Tama din naman ang ginagawa ko. Dahil ayoko nang makasakit ng tao. Lalo na kung ang ginawa lang ng taong yun ay pasayahin at protektahan ako kahit hindi niya naman ako gaano kakilala.

Napatingin ako sa wall clock. Its quarter to one. I still have plenty of time to get ready. Bumangon ako sa kama at naghanda na para makipagkita kay Areum.

Matapos ang isang oras ay natapos na din ako. Nilagay ko ang lahat ng importanteng bagay sa handbag at bumaba na. Dumiretso ako sa garage at pinaandar ang sasakyan. Matapos kong maglagay ng seatbelt ay nag drive na ako papuntang cafe kung saan kami magkikita ni Areum. Pagdating ko sa cafe ay wala pa siya. Tumingin ako sa wrist watch ko. I was 20 minutes early. I guess I'll have to wait like what I said earlier.

Pinark ko ang sasakyan ko at pumasok na. Dumiretso ako sa counter at umorder ng Iced Coffee at Strawberry Cheesecake.

Naghanap ako ng mauupuan habang hinihintay ang order ko. 10 minutes ang lumipas at sabay na dumating si Areum at ang order ko.

"Hey."

Napalingon si Areum sa akin.

"Here." Sabi ko at naglakad na siya papunta sa akin.

"What do you want to eat?" Bungad ko sa kanya.

"Just Strawberry Frappe."

Tumango ako at kinuha ang card ko sa wallet at pumunta na ng counter. Umorder ako ng Strawberry Frappe para kay Areum at bumalik na sa upuan.

"So what is it you want to talk about?" Tanong niya agad pagdating ko.

Umupo muna ako at uminom ng iced coffee ko bago magsalita. Tumingin ako ng diretso sa mga mata ni Areum at binigyan siya ng makahulugang tingin.

Bangtan PrincessWhere stories live. Discover now