Chapter Thirty One

39 7 5
                                    

CasxieYap, requested moment is here. Enjoy reading.

phxnomenal-, malapit na ang hinihintay mo. Konti na lang.

laserlightbbh, get well soon. I miss reading your updates. Saranghae!

windHUNseason, author nim... update on HUS please. Komawo.

Enjoy reading guys. I'll update more frequently 'cause its already sembreak. Saranghae!

_eLLemarie_

---

Czar's POV

~BZZZZT BZZZZT~

Naalimpungatan ako sa pag vibrate ng phone ko. Kinapa ko sa side table ang phone at sinagot kahit hindi ko pa natignan ang caller ID. Saktong pagsagot ko...

"YA!"

Nailayo ko agad ang phone sa tenga ko. Sino ba ito at ang aga aga ay sumisigaw?

"Ya. Jugulae?" Banta ko sa kausap ko. Sorry, hoarse voice kasi kakagising ko lang. Dinig ko ang marahang pagtawa ng kausap ko sa kabilang linya.

"Mian. Nagising ba kita?"

Ay nako. Ang 4D-slash-Alien lang pala.

"Wae?"

"Bumangon ka na diyan at mag ayos. Ma l-late ka na."

Napatingin ako sa alarm clock ko at nadismaya nang makita ko na malapit na nga mag warning bell. Shit. I overslept. Pesteng Kim Taehyung e. Di ako pinatulog magdamag.

I grunted, "Fine. But when the prof gets mad I'll tell him you're the reason why I overslept."

Bumungisngis lang siya, "Keurae. Ako pa mismo ang magsasabi. Na kaya late na nagising ang maangas kong girlfriend ay dahil hindi siya nakatulog kakaisip sa akin."

Facepalm.

Kahit saang anggulo ko tignan ako pa rin ang talo kapag sinabi niya yun. Mas mabuti na lang na manahimik kesa ipahiya ko ang sarili ko sa buong klase lalo na sa prof namin. Baka makarating pa ito kina Mom at Dad sa L.A. ako ang lagot, iisipin nila na naglalandi ang anak nila dito sa Seoul. I don't want that!

I want to go back to L.A. as soon as I can... or maybe... not?

"Ya. Czar! Yuhoo! Yeoboseyo?"

"Shut up, Alien. Don't dare say anything later or I will punch you where it hurts the most." Banta ko sa kanya. Hindi ko na siya hinintay makasagot at pinatay ko agad ang tawag. Bumangon na ako at mabilisang inayos ang higaan ko at naligo. Pagkatapos ko ay nagbihis ako agad at bumaba na. Sa school na lang ako mag aalmusal. Gagamitin ko pa sana ang sasakyan ko pero saktong pagbukas ko ng gate ay nandoon na ang sasakyan ni Taehyung.

"Jagiyaaaaa~"

Please remind me again why I am with this guy? I now admit that I like the Gangster Taehyung better than the Alien Taehyung.

"Dagchyeo! (Shut up!)"

Mabilis niyang zinip ang bibig niya pero panay pa rin sa pagkaway. Bumuntong hininga na lang ako sa kakulitan niya. Hayaan ko na lang siguro. Wala din naman akong magagawa sa behavior niyang ganyan. I'll just bear with it till the time comes.

Sinara ko na ang gate at sumakay sa sasakyan ni Taehyung. Magsasalita pa sana siya pero inunahan ko na ka agad.

"Don't talk if you want to live."

Bangtan PrincessWhere stories live. Discover now