Chapter Four

66 8 8
                                    

Czar's POV

"Alright. Class dismissed." Sabi ni Maam saka lumabas.

Pagkasabi na pagkasabi nun ni Maam ay inayos ko na ang bag ko at tumayo. Pero bago pa man ako makahakbang palayo ay may humigit na sa akin paupo.

"What the!"

Sinamaan ko ng tingin si Kim Taehyung.

"Ya! Ano bang problema mo?!" Inis na inis kong tanong sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya at halatang gulat na gulat siya.

Ang sakit nun ah. Dinig ko ang tunog ng paghampas ng pwetan ko sa upuan.

"Ano?! Wala kang sasabihin?!" Hinigit ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at tumayo, "Sa susunod kung wala ka rin namang sasabihin ay wag mo akong paghintayin. Nasasayang ang oras ko. Tsk! Makaalis na nga." Sabi ko saka inirapan siya.

Bago pa ako tuluyang makaalis ay dinig ko pa ang mga tawanan ng kasama ni Taehyung.

"Daebak."

"Nakakatakot siya."

"Hyung nahanap mo na ang katapat mo."

Hindi ko na lang pinansin at dumiretso ako ng lakad. Biglang tumunog ang tiyan ko. Gutom na ako. Tanginang Taehyung na yun. Nang dahil sa kanya ginutom ako. Saan ba ang cafeteria dito?

"Ya."

Napatingin ako sa likod ko at nakita ko ang isang grupo ng mga babae. Mga kaklase ko sila. Ano na naman ba ang kailangan nila sa akin? Aawayin ba nila ako?

"Czar right?" Tanong nung babaeng may blonde hair at malaking mata.

Tumango ako, "Waeyo?"

Ngumiti ang katabi niya. Oh! Kambal sila! Waaah. Astig.

"Wala lang naman." Sabi ng kambal niyang may blonde hair din pero mas inosente tignan. Yung isa kasi parang maangas. Yung kambal niya naman mukhang inosente.

"Gutom ka na ba?" Tanong nung babaeng medyo chubby. Mukha siyang hindi korean. Parang chinese?

Tumango lang ulit ako.

"Sama ka sa amin." Aya nung babaeng may maiksi na buhok.

"Eodiso?" Tanong ko.

"Cafeteria." Maikling sagot ng babaeng nakatali ang buhok at nakasuot ng glasses.

"Don't worry. We're harmless." Sabi nung babaeng may pink na buhok. Ang cute ng buhok niya. Hahaha. Di niyo po kasi naitatanong, pink ang paboritong kulay ko.

I should stop this. Kailangan ko na talagang tanungin ang pangalan nila.

"Uhh... ireumi mwojyo?" Tanong ko sa kanila.

Nasapo nung kakambal na maangas ang noo niya, "Oo nga pala. Mianhae." Natatawa niyang saad.

"I am Eun Bi. This is my twin sister Eun Ha. This chubby girl is Er Shen, she's chinese." Sabi na nga ba e, "The girl with the short hair is Yoon Hae. The one with the glasses is Ji Hyun, this girl with the pink hair is Yi Eun. And the girl with black hair is our Eonnie, she's Areum."

Tinignan ko si Areum, mukhang cold. Hindi kumikibo e. I smiled at her. Ngumiti nga siya pero matipid na ngiti naman. O-kay.

"Kaja. Baka gutom na si Czar." Sabi ni Er Shen.

"Anong si Czar? Ang sabihin mo, ikaw na ang gutom." Panunukso ni Eunbi.

Napangiti ako habang pinagmamasdan si Er Shen na nakanguso. Hahaha. Ang cute niya. Mukha siyang marshmallow. Sarap kainin. Mas lalo pa tuloy ako nagutom.

Bangtan PrincessNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ