Chapter Fifty Two

27 3 1
                                    

Annyeonghasseyo! I miss you guys! Sorry kung hindi ako naka update agad. Pinag isipan ko pa kasi kung paano ko tatapusin ang story. At tama po kayo ng dinig... malapit na pong matapos ang story na ito at mag pupublish ulit ako ng panibagong story.

PS, you will see a shocking twist. Abangan!

_eLLemarie_

---

Taehyung's POV

~BEEP! BEEP!~

"Hyung... ppali..." Pagmamakaawa ko kay Seokjin. Ginagawa ko talaga ang lahat para kumalma ngayon. Lalo na at nasa highway pa kami at ayokong mas mag panic pa si Seokjin dahilan para maaksidente kami.

"Malapit na tayo, Tae. Saglit na lang." Sagot ni Seokjin.

"Kalma lang Taehyung. Makakarating din tayo ng hindi nag o-overspeed." Dagdag pa ni Namjoon.

Hindi lang ako sumagot imbis ay nagpahid lang ako ng walang humpay na luhang lumalabas mula sa mga mata ko.

Halos lumabas sa katawan ko ang puso ko sa lakas ng kabog nito. Paano ba naman hindi? E nag aagaw buhay babaeng mahal ko ngayon. Tangina!

Nang makarating na kami sa ospital ay nagmadali kaming tatlo papunta sa kwarto ni Czar. Nandoon ang mga magulang niya, grabe din ang pag aalala at pag iyak.

"Yeobo... ang anak natin..." Hikbi ng ina ni Czar habang nakasandal sa dibdib ng asawa niya.

Gustohin ko mang lumapit pero umiiwas ako sa gulo. Masyado na silang nasasaktan para pa dumagdag ako.

Nagtama ang mga mata namin ng ama ni Czar at bahagyang nanlaki ang mga mata niya. Nangunot ang noo ko nang may binulong siya sa asawa niya kaya napatingin ito sa akin. Katulad ng asawa niya ay nanlaki din ang mga mata niya.

Nagulat na lang ako nang tumakbo ang mama ni Czar papunta sa kinaroroonan namin at nakabuntot sa kanya ang asawa niya.

Nang makarating sila sa kinatatayuan ko ay inasahan ko ang mga malulutong na sampal pero laking gulat ko na lang nang magmakaawa si Mrs. Jung sa harap ko.

"T-t-taehyung..."

Lumuhod ako para pantayan siya, "Ne, Tita?"

"Yeobo... tumayo ka diyan." Sinubukang itayo ni Tito Minho ang asawa niya pero nagmatigas lang ito.

"Sirheo!" Singhal ni Tita Suzy. Lumingon siya sa akin at binigyan ako ng malungkot na tingin, "Nagmamakaawa ako sayo Taehyung... puntahan mo ang anak ko. Ikaw ang una at huli niyang hinanap nang magising siya. Jebal."

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat pero hindi maalis ang pagtataka sa utak ko.

"G-gumising... gumising si Czar?" Taka kong tanong. Gumising siya pero bakit...

"Please, son. My daughter's looking for you. We know it's late but we're very sorry for forbiding you to see Czar."

Umiling lang ako kay Tito Minho. Napakabait niya sa akin kahit na ako ang dahilan kung bakit nagkaganyan ang kaisa-isa niyang anak.

"Wala po kayong kasalanan, Tito. Ginawa niyo lang naman po kung ano sa tingin niyo ang makakabuti para kay Czar at naiintindihan ko naman po iyon. Naiintindihan ko po kayo ni Tita Suzy." Paliwanag ko sa kanya.

"Even so--"

"Kalimutan na lang po natin ang nakaraan. Ang mahalaga ay napatawad niyo na po ako. Salamat po. Maraming salamat." Singit ko kay Tito. Magmukha man akong walang manners okay lang. Ayoko naman kasing patagalin pa ang misunderstanding namin. Lalo pa at napatawad na nila ako.

Bangtan PrincessWhere stories live. Discover now