Chapter Seventeen

63 9 9
                                    

Czar's POV

Matapos ng madramang eksena namin ni Mark kanina sa labas ay eto na naman ako ngayon kasama si Kim Taehyung. Syempre kasama ko din ang tropa. Masasabi ko talaga na improving na ako. Kasi dati doon sa LA si Mark lang ang tanging kaibigan ko pero nung pinadala ako dito nagkaroon ako ng mga loka loka at mga takas sa mental na mga kaibigan. Mommy and Daddy will be happy to hear this. I'll call them later. Seoul's not bad after all. I'm just too judgemental. Haha.

Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang may kumaway na kamay sa harap ng mukha ko.

"Ya!"

"E lutang ka na naman kasi." Sabi ni Taehyung. Siya pala ang nagwawagayway ng kamay sa harap mismo ng mukha ko.

"Kapag ba tulala lutang agad? Hindi ba pwedeng nag-iisip lang? Tss." Inis kong saad.

"Oy, chill lang. Kanina ka pa high blood." Komento ni Eunbi.

I just rolled my eyes. Sisihin niyo 'tong si Taehyung. Siya ang may pakana e. Kung hindi niya lang sana pinatay ang phone ko nung nagkasakit ako edi sana walang nangyaring mala 'meeting de avance' na paliwanagan kanina. Tss.

"Galit ka pa rin?" Malungkot na tanong ni Taehyung.

Ay hindi.

"Malamang." Sagot ni Yoongi.

"Sino ba naman ang hindi magagalit sa ginawa mo noh." Pahayag ni Jimin.

"Maja (Right). Paano kapag tumawag ang parents ni Czar tapos importante pala ang sasabihin edi hindi niya nalaman kasi nga..." Panimula ni Namjoon.

"PINATAY MO ANG PHONE NIYA." Pagtatapos nila.

Tinignan ko si Taehyung. Kawawa na siya tignan. Pinagtutulungan kasi nila.

"E gusto ko lang naman kasi na mabilis siyang gumaling." Nakangusong paliwanag ni Taehyung.

"Palusot pa Hyung." Ismid ni Jungkook kaya mas lalo pang napanguso si Taehyung.

"Ya. Keumane (Stop). Kawawa na yung isa." Suway ko. Tumingin ako kay Taehyung, "Hindi na ako galit. Basta libre mo kong pagkain."

"Eyyy!~" Yan lang ang reaksyon nila.

"Takaw mo talaga." Komento ni Er Shen.

"You're really telling me that?" I sarcastically said.

Napanguso na lang si Er Shen. Burn! Hahahaha. At dahil kakain kami ay pumunta kami sa mall. In the end ililibre kami ni Namjoon. Hahaha. Yaman talaga. Pumunta kami sa isang Bubble Tea House.

"Welcome, young master and young lady." Bati ng isang babae kina Namjoon at Areum.

"Anyeonghaseyo." Bati nilang dalawa.

"Do I need to prepare the VIP room?" Tanong ng babae.

"Aniya. Dito lang kami sa baba. Thank you." Sabi ni Namjoon.

The girl in uniform just bowed and left us after leading us to our table. Maya-maya pa ay umorder na si Namjoon.

"Ano sa inyo?" Tanong ni Namjoon.

"Tutti Fruity." Eunbi at Jungkook.

"Chocolate please." Eunha.

"Chocolate din sa amin." Jimin at Hoseok.

"Taro." Er Shen at Jihyun.

"Rocksalt Cheese." Yoonhae.

"Oreo." Yieun.

Bangtan PrincessWhere stories live. Discover now