Chapter Twenty Nine

49 8 11
                                    

Taehyung's POV

Nung makita ko pa lang ang pagpasok ng mga kaibigan niya alam ko na...

Nandito si Joohyun.

At di nga ako binigo ng hinala ko. Nandito nga talaga siya. Or should I say, nandito na naman siya. Bakit pa ba siya bumalik? Huh? Para ano, para sirain na naman ang buhay ko? Para wasakin na naman ang puso ko?

Oo gusto ko si Czar pero hindi ko maitatanggi ang katotohanang mahal ko pa rin si Joohyun. Alam ko na marami sa inyo ang iniisip na ginagawa ko lang panakip butas si Czar nang dahil sa ginawang pag-iwan sa akin ni Joohyun pero hindi yun ganun.

Hindi ko ginagawang panakip butas si Czar. At hinding-hindi ko gagawin sa kanya yun.

Totoong gusto ko si Czar. At gusto ko siya hindi dahil nakikita ko si Joohyun sa kanya o dahil may hawig sila. Gusto ko siya dahil totoo siya sa sarili niya. Hindi siya pretentious katulad ng ibang babae diyan. Babae siya pero sobra pa sa lalaki kung umasta. Minsan mapagkakamalan mong tomboy kung hindi lang dahil sa pananamit niya.

Gusto ko si Czar... pero hindi ko siya kayang paasahin dahil mahal ko pa si Joohyun.

"Taehyung!"

Ginamit ni Joohyun ang buong lakas niya para lang makawala sa mahigpit kong pagkakahawak sa braso niya.

Napatigil ako sa paglalakad at nanatiling nakatalikod.

"Ano bang problema mo?! Bakit ba bigla bigla ka na lang nanghihila?!"

Napantig ang tenga ko. Ano kamo? Tinatanong mo kung ano ang problema ko? Napalingon ako sa kanya at naglakad papunta sa kanya habang siya naman atras lang ng atras.

"Tinatanong mo kung ano ang problema ko?"

Bumuntong hininga ako at tinignan siya ng diretso sa mata. Atras lang siya ng atras hanggang sa wala na siyang maatrasan at napasandal siya sa mga lockers dito sa hallway.

"T-t-taehyung..."

"Ikaw ang problema ko, Joohyun." Sabi ko na may halong galit at inis. Gusto kong iparating sa kanya kung gaano kasakit ang ginawa niyang pag-iwan sa akin, "Bakit ka pa bumalik? Huh? Para ano? Para saktan na naman ako?" Binigyan ko siya ng mapanuyang tawa, "Ngayon pa lang ay sinasabi ko sayo. Hindi mo na ako mauuto ulit. Tapos na tayo. Hindi na kita hahayaang gawin akong gago ulit."

Kitang-kita sa mga mata ni Joohyun ang takot lalo na at hinahabol niya ang paghinga niya. Kilalang kilala ko na si Joohyun kahit sa loob ng maikli naming pagsasama. Alam ko kung kailan siya ninenerbyos at alam ko kung kailan siya takot.

"T-taehyung."

Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero umatras lang ako para hindi niya magawa yun. Napayuko na lang siya.

"Pinapaalala ko lang sayo ang sinabi ko sayo noon." Madiin kong saad, "Simula ngayon wala na akong kilalang Bae Joohyun. Wag mo akong kakausapin o lalapitan. Dahil hindi ko alam kung anong pwede kong magawa sayo."

Sinamaan ko lang siya ng tingin at saka nilagpasan. Pero bago pa man ako makalayo ay nakaramdam ako ng init mula sa likuran ko.

"Taehyung. Kajima (Don't Go)."

Pinaikot ko lang ang mga mata ko at sinubukang kalasin ang pagkakayakap niya sa akin pero masyado itong mahigpit at kapag sinubukan ko itong biglain ay sigurado akong masusugatan siya.

"Bitaw." Madiin kong utos.

Ramdam ko ang pag-iling niya mula sa likuran.

"Sirheo (I don't want to)."

"Sinabi nang bumitaw ka kung ayaw mo masugatan." Banta ko sa kanya.

"Andwae! Sirheo! Taehyung makinig ka muna sa akin. Jebal?" Pagmamakaawa niya. Napabuntong hininga lang ako at inalis ang pagkakahawak ko sa mga braso niya kaya medyo lumuwag ang pagkakayakap niya.

"Wala akong choice noon. Mas pinili kong sumang ayon sa gusto ni Bogum dahil binantaan niya ako na kapag hindi kita iniwan ay sasaktan ka niya. At ayokong saktan ka niya Taehyung. Ayoko. Ayokong mamatay ka. Kaya mas pinili ko na lang na iwan ka kesa naman ako pa ang maging dahilan ng maaga mong pagkawala. Hindi ko kakayanin yun." Maiyak-iyak niyang paliwanag.

"Noong araw na hiniwalayan kita nandoon si Bogum, nanonood. Siya ang nag utos sa akin Taehyung. Wala akong magawa. Kaya sumunod na lang ako. Akala mo ba ikaw lang ang nasaktan nung araw na yun? Pati din ako. At mas sobra pa ang naramdaman kong sakit noon. Dahil hindi lang puso ko ang kumokonsensya sa akin kundi pati na rin ang utak ko." Dagdag niya pa.

"Mahal kita Taehyung. Mahal pa rin kita hanggang ngayon. Walang araw na lumipas na hindi ako humihiling na sana mahal mo pa rin ako." Mahina niyang sabi.

Hindi ko alam na umiiyak na pala ako. Pakshit ka Bogum! May araw ka din sa akin! Ginamit mo lang pala si Joohyun!

Sinamantala ko ang pagkakataong makakalas sa yakap ni Joohyun at humarap sa kanya. Bakas sa mukha niya ang gulat, lungkot, at pagsisisi. Ano ba ang ginawa ko? Mas pinairal ko na naman ang walang kwenta kong pride kesa makinig kay Joohyun.

Niyakap ko na lang siya at hinayaan siyang humagulgol sa balikat ko. Ito kang ang alam kong pwede kong gawin para sa kanya ngayon bilang bayad sa mga masasakit na salitang binitawan ko dati.

Ang tanga ko din e. Bakit ba hindi ko man lang alam na nagsisinungaling lang siya dati noong sinabi niya na... hindi niya na ako mahal.

"Taehyung... mianhae."

"Ssshhhh~ wala ka nang dapat sabihin pa. Ako pa nga ang dapat humingi ng tawad sayo." Paliwanag ko.

Mianhae...

Saranghae...

Yongseohae...

"Mianhae. Sana pinakinggan kita dati. Saranghae. Aaminin ko sayo na mahal pa rin kita hanggang ngayon. At hindi yun nagbago." Malumanay kong paliwanag.

"Ibig sabihin--"

"Keundae (But)... yongseohae (Forgive me). Hindi na ako pwede pang makipagbalikan sayo, Joohyun." Singit ko sa dapat niyang sasabihin.

"W-wae?... dahil ba sa kanya? Dahil ba doon sa bago mong babae?" Tanong niya.

Bumitaw ako sa yakap at pinahiran ang mga luha mula sa mga mata niya. Ngumiti ako at tumango, "Keurae (Yeah). Nang dahil kay Czar. At hindi lang siya basta-basta isang babae. Mabait siya at..."

"At...? Mahal mo ba siya?" Tanong niya.

Hindi pa. Hindi pa ngayon. Kailangan ko muna kalimutan ang nararamdaman ko para sayo bago ko siya mahalin. Dahil ayoko na dalawang tao ang laman ng puso ko.

"Alam kong hindi mo siya mahal Taehyung kaya bakit mas pipiliin mo siya kesa sa akin?" Tanong niya.

"Oo nga mahal pa rin kita. Pero hindi pa rin mababago nun ang katotohanang iniwan mo ako. Joohyun makinig ka, dadating ang araw na mamahalin ko din si Czar. Hindi pa ngayon pero kapag dumating na ang araw na yun ay hinding hindi ko siya pakakawalan."

Pagtingin ko sa likuran ni Joohyun ay nakita ko si Czar kasama ang buong barkada. Napangiti ako nung makita ko siya at tumakbo papunta sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya at sinabing, "Kaja." Tumakbo kami papunta kay Joohyun.

"Joohyun, siya nga pala si Czar. Czar, siya si Joohyun."

"Hi." Ang tanging nasabi lang ni Czar. Habang si Joohyun naman ay ngumiti lang ng matipid. Tumingin ako ng diretso sa mga mata ni Joohyun at inakbayan si Czar. Kita ko ang panlalaki ng mga mata ni Joohyun.

"Alam mo ba kung bakit hindi kita pwedeng balikan? Kasi may girlfriend na ako."

------

Kilig to the bone marrow. Grabe ang drama ni Joohyun a. Hahaha. Sa mga readers ko maraming salamat sa support. Saranghae yeorobeun!

Vote and comment. Kamsahamnida!

Bangtan PrincessWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu