Chapter Forty One

31 8 16
                                    

Czar's POV

Its been three days since we came back from the retreat house at Jejudo. At tatlong araw na din simula nung huli kong makita ang taong nakatayo sa ilalim ng street lights. Simula noon hindi na siya ulit nagpakita kaya paano ko naman maisasauli sa kanya ang singsing na suot ko ngayon?

I decided to wear the ring since anytime I could meet the man. Para maibalik ko na sa kanya agad. But what was weird was the letter engraved on the ring.

V

What does V stands for?

Ay nako. Sa susunod ko na p-problemahin yan. Unahin ko muna ang midterms namin. May exam kami maya-maya at kasalukuyan kaming nag-aaral sa library. Kasama ko ang buong barkada maliban kay Taehyung at sa magkaaway na lovers na sina Jin at Yieun.

Lumingon ako sa entrance ng library dahil baka sakaling magawi dito si Taehyung.

"Pang ilang lingon mo na yan, Czar." Puna ni Eunbi.

"May hinahanap ka ba?" Tanong ni Eunha. Umiling lang ako at bumalik sa pag-aaral.

"More like, hinihintay." Gatong ni Yoonhae. Kaya napahagikgik sila. Hindi naman ako makapag deny dahil hindi naman kailangan kaya ngumiti na lang ako.

"Hindi dadating yun."

Napatingin ako kay Hoseok. Tumingin din siya sa akin at nginitian ako, "Hindi pupunta si Taehyung dito. Ayaw niya sa library e."

"Dahil nandito ako?"

Umiling lang siya.

"E bakit?" Tanong ko.

"Past. Memories nila ni Joohyun. Dito ang tambayan nila e." This time si Namjoon naman ang sumagot which made me turn to him.

"Ah~" Ang tanging lumabas sa bibig ko. Akala ko ba naka move on na siya? Ganoon ba talaga kahirap kalimutan si Joohyun? Ha Taehyung?

"Nagugutom ako." Reklamo ni Ershen.

"Palagi naman e." Pambabara ni Jihyun kaya napasimangot na lang si Ershen.

"Ako rin. Tara kain tayo." Aya ko sa kanya. Automatic na napangiti si Ershen at lumapit sa akin.

"Kayo?" Tanong ko.

Ang iba umiling lang habang ang iba naman susunod na lang daw.

"O sige. Alis na kami." Sabi ko saka kumaway sa kanila habang papalabas.

On our way to the cafeteria ay nakita ko si Taehyung na nakaupo sa ilalim ng puno sa may garden ng school. Nasa hita ang libro at nagbabasa.

"Miss mo na noh?"

Kahit di na ako lumingon alam kong si Ershen ang nagtatanong. Napangiti na lang ako at tumango, "Sobra."

Sana dumating na ang araw kung kailan mapapatawad mo na ako. At maiintindihan mo na kung bakit ko nagawa yun.

I miss you, Kim Taehyung.

Nung nakarating kami sa cafeteria ay agad akong umorder ng makakain namin ni Ershen habang siya naman ay pinahanap ko ng mauupuan namin.

Matapos kong bumili ay umupo na ako sa piniling mesa ni Ershen. Kwentuhan lang kami tungkol sa kanila ni Mark habang kumakain. Ang lola niyo, kinikilig. Hahaha. Buti naman at mutual ang feelings nila ni Mark dahil kung hindi baka madagukan ko itong si Ershen.

"E bakit mo ba kasi sinasamahan pa si Jinyoung?" Inis kong tanong.

"Wae? Anong masama doon? Best friend ko naman siya a." Nakanguso niyang sagot.

Bangtan PrincessWhere stories live. Discover now