Chapter Nineteen

49 9 6
                                    

Eunbi's POV

"Eonnie sigurado ka ba talaga na magiging okay lang si Czar?" Tanong ni Twin Eunha kay Areum Eonnie.

Narinig kasi naming dalawa ni Twin kanina ang usapan ni Czar at ng best friend niya. Tapos kinuwento namin kay Areum Eonnie. At sa totoo lang parang gusto ko na mag back out sa deal namin. Naaawa na kasi ako kay Czar. Ito kasing si Areum Eonnie napakatigas na nga puso, mapilit pa. Hirap talaga kapag rich kid, lahat ng gusto dapat nakukuha talaga nila.

"She'll be fine. Trust me." Poker-faced na sagot ni Areum Eonnie.

"Nako Eonnie. Hindi ko na alam kung maniniwala ako sayo sa mukhang pinapakita mo sa amin ngayon." Diretsahan kong sabi kay Areum Eonnie.

Hinilig niya lang ang ulo niya pagilid at binigyan ako ng lopsided grin. Minsan talaga hindi ko din mabasa ang utak nitong babaeng ito e. Napaka mysterious talaga.

"When did I ever disappoint you guys?" Nakangising tanong ni Areum Eonnie.

"Eonnie you're really creepy, did you know that?" Komento ni Eunha pero tinawanan lang siya ni Areum Eonnie.

"I already know that. Ilang beses niyo na kaya sinabi sa akin 'yan." Pahayag ni Areum Eonnie.

"Pero back to the topic muna tayo. Anong plano natin ngayon kay Czar? Sigurado ako na malungkot siya ngayon." Tanong ko sa kanilang dalawa.

Naiimagine ko pa lang ang hikbi kanina ni Czar nung iwan siya ni Mark sa rooftop ay iba't-ibang posibilidad na agad ang lumalabas sa utak ko.

"That's the best part." Napatingin ako kay Areum Eonnie, "What do you mean best part?" Tanong ko.

"That's the time where Taehyung comes in and be Czarina's knight in shining armour." Nakangising paliwanag ni Areum Eonnie, "Didn't you know that when a guy comes to aid in the girl's most devastating moment the possibilities of the girl falling in love with the guy are high."

"Ooh~" sabay naming sambit ni Eunha.

"Just like now." Sabi ni Areum Eonnie saka tinuro sa likuran namin. Kami namang mga masunuring bata ay tumingin sa direksyon na tinuturo ni Areum Eonnie. At tama nga siya.

"Si Czar." Eunha

"At si Taehyung." Ako

"You're a genius, Eonnie." Sabay naming puri kay Areum Eonnie.

She just chuckled.

"Let's go. I don't want to interrupt them." Sabi ni Areum Eonnie.

Tumango lang kami at naglakad na papuntang classroom. Naglalakad nga kami pero ang mga mata ko nakadikit pa rin kina Czar at Taehyung. Napahinto ako sa paglalakad nung huminto din silang dalawa.

"Kojo! (Get lost!)" Rinig kong sigaw ni Czar.

Naman Czar. Maraming tao ang nakatingin sa inyo. Wag kang mag eskandalo dito. Baka marinig ka ng mga sasaeng ni Taehyung at pagtulungan ka.

Nilagpasan ni Czar si Taehyung pero bago pa man makalayo si Czar ay hinawakan ni Taehyung ang braso niya at sinandal siya sa locker.

"Omo!"

"Wae? Wae geurae? (Why? What is it?)" Tanong ni Areum Eonnie.

"Look." Sabi ko sa kanila habang tinuturo sina Taehyung at Czar.

"Oh my gosh." Dinig kong sambit ni Eunha.

Mula dito kitang-kita ko na parang may sinasabi si Taehyung kay Czar pero dahil malayo kami ay hindi namin marinig. Next thing we knew ay niyayakap na ni Taehyung si Czar habang si Czar naman ay umiiyak lang.

Bangtan PrincessWhere stories live. Discover now