Chapter Sixteen

50 8 0
                                    

Czar's POV

Its been 4 days since I got sick and I'm glad to share that I'm recovering. Thanks to Kim Taehyung. He never leaves my side. I remember him saying...

"Dito lang ako hanggang sa gumaling ka. Hindi kita pababayaan. Yaksok (Promise)."

Hindi niya talaga ako pinabayaan. Apat na araw na siya nakikitira dito sa bahay ko. Hindi ko din naman siya maitaboy kasi nga napakabait niya naman sa akin. Naninibago na talaga ako sa kanya. At hindi ako sanay na ganito siya sa akin. Masyado siyang sweet at maalagain. Hindi naman sa nagrereklamo ako pero kasi it creeps me out. Lalo na at hindi bagay ang attitide niya sa look niya kasi nga gangster siya.

"Ya."

Napalingon ako sa gilid at nakita si Taehyung na may dalang tray ng pagkain at gamot. Ugh. I hate drinking meds. Its really bitter.

"Meogo (Eat)."

Pero hindi din naman all the time sweet siya. May times na sobrang bossy siya at mapilit. Katulad ngayon, pinipilit niya naman ako kumain kahit wala akong gana.

"Sirheo (I don't want to)."

Bumuntong hininga siya at napatingala. Tumingin siya sa akin ng masama. Tinaasan ko lang siya ng kilay. You know that won't work on me kaya nakipagtitigan ako sa kanya.

3...

2...

1...

"Ugh! Fine! Yung soup na lang ang kainin mo at inumin mo ang gamot."

Ngumisi lang ako. Hindi ka rin pala uubra Kim Taehyung. Hahaha. Kinain ni Taehyung ang iba kong pagkain habang kinain ko lang ang niluto niyang soup at ininom ang mga gamot. Napangiwi ako sa lasa. Sht. Ampait!

Natawa na lang si Taehyung sa mukha ko kaya sinamaan ko lang siya ng tingin. Tumigil siya sa kakatawa at dinala sa kusina ang pinagkainan namin.

Nung makabalik na siya sa living room ay tumabi siya sa akin at nanood kami ng TV. Naramdaman ko na nakatingin siya sa akin kaya tumingin din ako sa kanya. Is he studying my features?

"Am I pretty?" Tanong ko.

Nadismaya ako nung umiling siya. Umiwas ako ng tingin at tumawa ng marahan, "Oo nga naman--"

"You're not pretty. You're gorgeous."

Dahan-dahan akong napatingin kay Taehyung.

"M-mworagu? (What did you say?)"

Nakita ko ang paglaki ng mga mata niya, "E-opseo (Nothing)." Bigla siyang tumayo at nagmadaling umalis papuntang kwarto niya.

Di ko napansin na nakangiti na pala ako.

"So, I'm gorgeous eh?" Nakangisi kong sambit at umakyat na din para matulog.

Kinabukasan...

Kakatapos ko lang kumain at ngayon ay hinihintay ko na lang si Taehyung matapos. Yup, hanggang ngayon nasa bahay pa rin siya. Uuwi na din naman daw siya ngayon.

At eto na nga siya, pababa na ng hagdan, "Ang tagal mo." Reklamo ko.

"Pasensya na po. Inayos ko pa kasi ang mga damit ko. Tara na. Nasa labas na ang sasakyan." Sabi niya saka hinila ako. Pero hindi pa man kami nakakalayo ay tumigil ako sa paglalakad kaya pati si Taehyung ay napatigil din. Humarap siya sa akin at binigyan ako ng nagtatakang tingin.

"Waeyo? (Why?)" Tanong niya.

Tinitigan ko lang siya ng matagal at saka niyakap. Hindi ko din alam kung bakit ko ginawa yun. Parang may sariling utak ang katawan ko. Pero okay lang din. Para maipadama ko kay Taehyung kung gaano kalaki ang pasasalamat ko sa pag-aalaga niya sa akin.

Bangtan PrincessWhere stories live. Discover now