Chapter Forty Eight

29 4 5
                                    

Taehyung's POV

"Hyung!"

Sinalubong ako ni Jungkook at inakbayan.

"Tagal mo a. Saan ka galing?" Tanong ni Hoseok habang nakaupo sa gitna ni Namjoon at Yoongi.

"Mianhae Hyung. Na traffic lang." Umupo ako sa tabi ni Jimin at sa tabi ko naman si Jungkook.

"Ayos lang. Na miss ka lang nitong si Hoseok." Panunukso ni Seokjin kaya nakakuha siya ng batok mula kay Hoseok.

"Namo Hyung. Ang sabihin mo ikaw ang naka miss kay Taehyung. Gagawin mo pa akong dahilan." Ganti ni Hoseok.

"Ang iingay niyo. Pareho niyo lang namang na miss si Taehyung." Natawa ako ng pareho silang natahimik sa sinabi ni Yoongi. Basta talaga si Yoongi Hyung ang nagsasalita natatahimik sila.

"O ano? Wala kayong masagot noh?" Natatawang tanong ni Jimin kaya lahat kami pinagtawanan na lang din sina Hoseok at Seokjin.

"That's enough. Parating na sina Areum at pagdating nila saka natin pagplanuhan ang gagawin."

"Yes boss." Sagot naming lahat kay Namjoon.

Nag kuwentuhan lang kami ng kung ano-ano habang naghihintay sa mga babae. Mabuti pa sila may aabangan samantalang ako...

"Taehyung, gwaenchana?"

Napatingin ako kay Jimin, "Ne Hyung." Sagot ko saka ngumiti na alam ko namang pinilit lamang na buohin ng mga labi ko.

Pati pala yung iba nakatingin din nung magtanong si Jimin pero inalis din agad nila ang weird nilang tingin nung sinabi ko na ayos lang ako.

"Arasso." Sabi niya saka kinalikot ang phone niya. Bumuntong hininga ako. Buti naman at hindi na nagtanong si Jimin. Mahirap na. Kahit sino man sa kanila ayokong magtanong dahil ayokong makaalala. Ayoko pa namang mausisa ngayon tungkol doon sa nangyari sa ospital. Sa bawat oras kasi na naalala ko ang nangyari doon ay nag iiba agad ang modo ko. Bigla akong nawawala sa sarili at natatameme.

Bumalik na lang ako sa katinuan nang makarinig ako ng pamilya na busina ng sasakyan.

"Guys! They're he--"

Hindi pa man nakakatapos si Namjoon Hyung ng sasabihin niya ay kumaripas na agad ng takbo sina Jungkook, Jimin, Hoseok, at Yoongi. Paunahan sila ng paglabas at pagsalubong sa mga girlfriends nila.

Kaming tatlo naman nagpakalumbaba lang dito sa mahabang couch na nasa living room.

"Ang laki talaga ng epekto ni Areum kay Yoongi. Dati rati halos ayaw tumayo sa kinauupuan tapos ngayon nakikisabay sa pakikipag unahan sa tatlong mokong." Komento ni Seokjin habang natatawa. Naaliw siguro sa apat.

Nakalinya kasi sila sa harap ng main door at hinihintay na makapasok sina Noona.

"Sinabi mo pa, Hyung." Sagot ko.

Kita kong pareho silang napatingin sa akin at gulat.

"Buti naman at nagsalita ka na. Kanina ka pa walang imik e."

"Weh? Di nga?" Tanong ko kay Seokjin.

"Patay malisya ka din e." Giit niya kaya ngumiti lang ako na parang bata sa kanya.

"I wouldn't say that its not nice seeing you smile like that but the problem is that your smile is fake." Pahayag ni Namjoon.

"Jinjjaro?" Tanong ko saka tumango lang siya ng dalawang beses.

Bangtan PrincessWhere stories live. Discover now