Chapter Thirteen

59 8 7
                                    

Para makabawi sa inyo ay nag-update ako ng dalawang chapters ngayon. I hope you like it.

Saranghae! ❤

_eLLemarie_

---

Czar's POV

Its Sunday today and its my favorite day of the week 'cause we don't have any class. Whoohoo!

Ano kayang magandang gawin ngayon? Ah! I need to learn how to cook. Para naman hindi lang puro takeouts ang kinakain ko. At tsaka kailangan ko matuto para kapag nagkaanak na ako ay hindi siya magugutom. Simula kasi nung nakilala ko si Yewon ay ginanahan na ako matuto magluto. I want to cook for her someday. Dadalhin ko siya dito sa bahay tapos maglalaro kaming dalawa. She is the little sister I never had. Sina Mommy at Daddy kasi ayaw ako bigyan. Ang dadamot.

Bumangon na ako sa kama at inayos muna ang higaan ko. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa CR para maglinis ng katawan. Makalipas ang isang oras ay natapos na din ako.

"Whoo. Hot water is really the best." Sabi ko habang nilalagay ang towel sa buhok ko.

Kumuha na ako ng mga damit sa walk in closet at nilapag ito sa kama. Umupo muna ako sa vanity at pinatuyo ang buhok ko gamit ang blower. Nung natuyo na ay tinali ko ang buhok ko, ginawa kong bun para hindi malikot mamaya. Pagkatapos ko ay nagbihis na ako at bumaba.

Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng hotdogs at eggs sa ref at nilagay sa island. Kinuha ko ang frying pan mula sa cupboard at nagsimula na.

"Kaya mo yan Czar. Fighting!"

Makalipas ang ilang minuto...

"Hindi ko kaya." I sighed and turned off the stove.

Nasunog ang lahat ng hotdogs at itlog. Pati frying pan nasunog din. Uwaaah! Naubos lang ang dalawang pack ng hotdog pero ni isa walang edible. Tinapon ko na lang din ang frying pan kasi hindi na magagamit yun. Ang puting bottom part niya ay naging black tapos ang hawakan nasira kasi bigla na lang na-detach ang screw. Ilang beses pa tumunog ang smoke detector dahil nga nasunog ang mga niluto ko. Buti na lang ang di umapoy ang gas range kundi baka pati ako nasunog din.

"I'm a total failure." I clicked my tongue and cleaned the whole kitchen.

At least magaling ako sa paglilinis. Matapos kong maglinis ay umupo ako sa couch.

"Ugh. I'm so tired."

Humiga ako at pinikit ang mga mata ko. Kakagising lang pero inaantok na agad ako nang dahil sa paglulutong yan. Bakit ba kasi hindi kami magkasundong dalawa. Tch. Maghahanap na nga lang ako ng tutor sa pagluluto.

Napatingin ako sa phone ko na bigla na lang nag-ring. Sinong tumatawag?

I looked at the caller ID and answered.

"Hello?"

"Hey."

"O Mark. Why'd you call?" Tanong ko. Hindi naman kasi 'to tatawag ng walang dahilan.

"I just want to ask you if you want to come." Sabi niya.

Napataas ang kilay ko, "Where? And with whom?" Tanong ko.

"Busan. With my friends." Sagot niya.

"Busan? Isn't that too far?"

Diba malayo talaga yun? Kasi ang alam ko doon nakatira ang parents nina Jungkook at Jimin e. Sabi nila malayo daw yun dito.

"Well... yes, its far. But so what? Its like we've never gone to far places when we're in LA. And I'm with you, so you don't have to worry." Panigurado niya sa akin.

"How long will you stay there? And who are the friends you're talking about?" Tanong ko sa kanya.

"Until tomorrow afternoon. I'm going with Jinyoung, Jaebum, Jackson, Kunpimook, Youngjae, and Yugyeom." Sagot niya.

Jinyoung? Er Shen's Jinyoung? Ooh. So they're friends. But then, wait...

"They're all boys?" Tanong ko.

"Yep. Why?" Tanong niya.

"I don't want to come." Sagot ko.

"Why???~" Mark whined.

"Uh... 'cause you're going in an all boys trip. I don't want to be uncomfortable." I heard him sighed on the other line, "I'm sorry Markie. You know me. I hate tagging along with people I don't know. I'll just make it up to you next time. I promise."

He sighed again, "Fine. As if I can do anything to change your mind. Lets just hang out when I get back. You owe me your time, brat."

I chuckled, "Alright kid. Now go. Take care."

"I love you." He said.

"Love you too, Mark." I replied then hung up.

Am I too sweet? Hahaha. Masanay na kayo. Ganyan lang talaga kami ni Mark. Ganyan naman talaga ako sa parents ko. I never hesitate to tell people I love them if I do. But enough talk. Kailangan ko pa mag grocery. Ubos na ang mga snacks sa cupboard e.

I stood up and went to my room to change clothes. I just wore plain white shirt and short denim overalls and low cut black vans shoes. I put my phone, wallet, and house keys into a small pouch and then I'm off.

Nilakad ko lang papunta sa supermarket dahil hassle kapag gagamitin ko pa ang sasakyan ko. Malapit lang naman at hindi naman ganun karami ang bibilhin ko. Nung makarating na ako sa supermarket ay kumuha ako ng cart at nagsimula na mamili. Matapos kong mamili ay binayaran ko na lahat. Pero paglabas ko.

"Fck. Its raining."

Wala akong payong!

Umupo muna ako sa bench sa gilid ng entrance at hinintay na humupa ang ulan. Pag minamalas ka nga naman o. Pero makalipas ang 30 minutes ay hindi pa rin humihina ang ulan. Shit. Baka masira ang hotdogs na binili ko kapag hindi ko ito nailagay sa ref.

Ah!

Tawagan ko na lang kaya ang twins. Pero baka may date sila ngayon. Ayokong maging istorbo. Hays. Hindi naman pwede si Er Shen at Jihyun dahil nasa beach sila ngayon. Hindi din pwede si Yieun kasi tulog yun. Hindi din pwede si Yoonhae kasi baka may date din sila ni Taeyong. Mas lalong hindi pwede si Areum kasi baka busy yun ngayon at kapag tinawagan ko siya baka mabadtrip lang siya sa akin. Ayoko pang mamatay. Ayoko din naman humingi ng tulong sa mga lalaki kasi nahihiya ako.

I sighed.

"No choice." I need to go home even if its raining.

Tinali ko muna ng maayos ang plastic para hindi gaanong mabasa tapos naghanda na. Okay...

1

2

3...

Go Czar!

Whatever it takes I need to go home. For the sake of this fvcking hotdogs. Ugh. Where is Mark when I need him.

Maya-maya pa nakarating na ako sa bahay. Dali-dali kong kinuha ang house keys at pumasok ng bahay.

Ugh. I'm freezing cold and soaking wet.

Nilagay ko muna ang mga pinamili ko sa tamang lalagyan at umakyat. Mamaya ko na lang lilinisin ang basa sa baba.

Naligo ako ulit at nagpalit ng sweatshirt at jogger pants. Sht. I AM SO NOT FEELING WELL. Humiga na ako sa kama at pinikit ang mga mata ko. Itutulog ko lang 'to magiging okay na ako bukas. I hope.

------

Get well Czar.

Vote and comment. Kamsahamnida!

Bangtan PrincessWhere stories live. Discover now