Chapter Seven

58 7 4
                                    

Taehyung's POV

[Sa bahay ni Areum at Namjoon]

*Sighs*

"Ano?! Wala kang sasabihin?!"

*clicks tongue*

"Sa susunod kung wala ka rin namang sasabihin ay wag mo akong paghintayin. Nasasayang ang oras ko. Tsk! Makaalis na nga."

*ruffles hair*

"No one calls me a bitch, asshole."

"Aish!"

Tangina naman! Hanggang dito ba naman sa bahay yung amazonang babae na yun pa rin ang naiisip ko?! Pero ang pinagtataka ko ay bakit ganun na lang kung tratuhin niya ako. Wala naman akong nagawang masama sa kanya ah... diba?

"Hyung, gwaenchana?"

Napatingin ako kay Jungkook. Ngumiti ako ng matipid at tumango.

"Mukhang hindi naman." Sabi ni Jimin.

"Nan gwaenchana. Jinjja." Sabi ko sa kanila. Kahit na hindi ako okay.

*sighs*

Kanina ko pa kasi pinoproblema yung Czarina Jung na yun. Siya lang ang tanging babae na gumawa sa akin ng mga bagay na yun. Yung sigawan ako sa harap ng maraming tao at ipahiya ako. Siya pa lang ang babaeng sinabihan ako ng badwords. Lahat ng babae pinapangarap na makatabi ako tapos siya ni hindi man lang kinilig nung pinagtabi na kami ng adviser namin. Kahit ngiti wala. Pusong bato yata yung babaeng yun e.

Pero hindi e.

Kung pusong bato siya, hindi siya iiyak.

Kung pusong bato siya, hindi siya maapektuhan sa mga sinabi ko sa kanya doon sa cafeteria.

Kung pusong bato siya, hindi niya ngingitian at hindi siya sasaya sa tabi ng lalaking yun. Tinutukoy ko ang best friend niyang kung makaasta akala mo boyfriend ni Czarina. Kung makayakap siya akala mo asawa na ni Czarina. Akala mo kung sinong gwapo. Mas gwapo naman ako dun.

"Taehyung. Sira na ang unan sa kakasaksak mo."

Natauhan ako nung magsalita si Namjoon Hyung. Napakurap ako ng tatlong beses habang tumitingin kay Namjoon Hyung.

"Eh?"

Tinuro niya ang unan na kanina ko pa hawak-hawak. Napatingin ako sa unan at totoo nga. Sira na nga sa kakasaksak ko ng ballpen. Shit.

"Hyung. Babayaran ko na lang." Nahihiya kong sabi sa kanya.

Ngumisi siya.

"Okay lang sana kung ibang unan ang sinira mo. Pero yan yung paboritong unan ni Areum."

Agad na nagsitaasan ang mga balahibo sa katawan ko nung marinig ko yun. Pakinshet. Kay Areum Noona pala 'to? I am so dead.

"At ayaw na ayaw pa naman niya na ginagalaw ang mga gamit niya. Pero ikaw, mas malala pa ang ginawa mo. Ginalaw mo na nga, sinira mo pa." Namjoon Hyung chuckled, "Ikaw na ang bahalang magpaliwanag kay Areum, arasso?"

"Hyung naman! Tulungan mo naman ako. Natatakot ako kay Noona e." Pagmamakaawa ko kay Namjoon Hyung.

Palibhasa kasi kahit na mas matanda siya kay Areum Noona ay takot na takot din siya sa kanya. Hindi sa nag-eexage ako ha. Pero nakakatakot kasi talaga si Noona. Para siyang female version ni Yoongi Hyung pero mas malala pa siya kay Yoongi Hyung. Kasi si Hyung, minsan ay sumasakay pa sa trip namin. Pero si Noona, minsan mo lang yan makikitang ngumingiti tapos nakakatakot kapag tinititigan ka niya. Tamo nung nasa cafeteria kami at sinaway niya ako ay natakot ako agad. Minsan lang magalit si Noona pero sagad na sagad sa katawan ang galit niya.

Bangtan PrincessWhere stories live. Discover now