Chapter Fifty One

28 3 2
                                    

Seokjin's POV

Habang nag peperform ang Got7 ay nakatingin ako kay Yieun na siyang naka focus sa panonood sa kanila.

"Hyung."

Napalingon ako.

"O, Namjoon. Wae?"

Umiling siya, "Wala naman. Gusto lang kita samahan sa pagsesenti."

Sinamaan ko siya ng tingin, "Anong senti ang pinagsasabi mo?"

"Wag ka na mag maang-maangan, Hyung. Nakita kong disappointed ka kanina." Sagot niya.

"Disappointed?" Gulat kong tanong saka umiwas ng tingin, "Ba-bakit naman ako ma didisappoint?"

"I know you're the one who called Yieun earlier."

Literal na nanlaki ang mga mata ko, napakurap ng ilang beses pero hindi ako nagpatinag. Lalo na at si Namjoon ang kausap ko. Napaka observant nitong taong 'to. Kahit katiting na bakas ng pagsisinungaling ay malalaman niya.

"See. Ni hindi mo nga itinanggi."

I rolled my eyes at tumingin sa kanya, "Para saan pa? Tsaka wala na 'yun. Nangyari na e. Hindi na natin maibabalik pa."

"Ang dami mong palusot. Ang sabihin mo natorpe ka."

"O edi ikaw na matapang. Makapagsalita ka parang hindi ka din natorpe sa pag amin dati kay Yoonhae." Ganti ko.

"Hindi ako natorpe, naghanap lang ako ng tamang timing yun nga lang naunahan ako." Pagtatama niya, "Magkaiba 'yun sa pagiging torpe at tanga mo, Hyung."

Wow. Hindi siya masakit.  -____-

Grabe 'to. Makapagsalita 'tong si Namjoon parang mas matanda pa siya sa akin a.

"Tanga talaga?"

"Oo. Alam mo kung bakit?" Tanong niya. Hindi ako sumagot at hinintay lang ang paliwanag niya.

"Kasi kahit alam mo na may gusto sayo si Yieun ay pinatagal mo pa. Kung ako nasa posisyon mo, dati ko pa inamin kay Yoonhae na mahal ko siya."

At talagang sinermonan ako.

"Bakit hindi ka mag pari pagka graduate natin dito?" Sarcastic kong payo. Napangiwi na lang si Namjoon.

"Wala na tayong magagawa, nangyari na e." Matamlay kong sabi sabay yuko.

"Ganyan ka na lang palagi. Nangako ka sa amin na aalisin mo 'yang takot sa puso mo. Ni hindi mo nga siya kayang i approach ng maayos. Hindi mo kayang makipaglaban para sa nararamdaman mo. Inagawan ka ng pagkakataon ni Yugyeom pero parang wala lang sayo. I don't intend to tell you this but... parang nasasayang lang ang effort namin nang dahil sa katorpehan mo e."

Wala akong nasagot. Tama naman kasi si Namjoon. Masyado akong natotorpe kapag nandyan na si Yieun.

"Mianhae."

"Wag ka munang mag sorry, Hyung. Hindi pa tapos ang plano."

Bumuntong hininga ako. Napaangat ang ulo ko nang makaramdam ako ng kamay sa balikat ko.

Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Kim Namjoon.

"Alam mo kung ano ang dapat mong gawin, Seokjin Hyung. Payag ka na lang ba na agawin sayo ang taong mahal mo?"

Umiling ako bilang sagot.

"Dapat lang. Wag mo akong tularan. Maraming nagsasabi na nasa akin na ang lahat pero ang hindi nila alam na ang pinakamamahal kong babae ay hinding-hindi na mapapasaakin dahil lang naunahan ako."

Bangtan PrincessWhere stories live. Discover now