Chapter Forty Seven

28 6 5
                                    

Taehyung's POV

"Mark. Kamusta na si Czar?"

"Ganun pa rin naman. Still here in the ICU." Sagot niya mula sa kabilang linya.

Bumuntong hininga ako. How I wish I was the one taking care of you.

"Hindi ba ako pwedeng pumunta diyan?"

Narinig kong nagpakawala si Mark ng buntong hininga. At doon pa lang naintindihan ko na.

Hindi na ako makakalapit ulit sa kanya.

"Mian, Taehyung. Ayaw nina Tita na..."

"Arasso."

"Taehyung. Sorry talaga. Hindi man lang--"

Hindi ko na siya pinatapos, "Keuman. Wala kang kasalanan. Pakibalitaan na lang ako. At pakisabi naman kay Czar, mahal na mahal ko siya."

"Makakarating po, kamahalan." Sagot niya. Napatawa ako ng marahan pati rin si Mark.

"Mas bagay sayo ang ganyan. Wag kang magmukmok, sumbong kita kay Czar."

"Wag ganyan." Sabi ko, "Wag kang mag alala, Taehyung. Babalitaan kita kung may improvements si Czar."

"Ne. Komapda, Hyung." Sabi ko.

"Wow. Bago yan a." Ani niya.

Tumawa ako ng marahan, "Matagal na dapat kaso masyadong awkward kasi hindi tayo gaanong magkaibigan. Ngayon mas komportable na ako sayo kaya tinatawag na kitang Hyung."

Natawa lang din siya, "Arasso. Yeodongsaeng."

Napangiti ako saka pinatay ang tawag. Ilang segundo lang ang tinagal ng ngiti at napalitan ng simangot.

Naalala ko na naman ang araw na iyon. Kapag bigla ko na lang naalala ang mga nangyari nung araw na iyon hindi ko maiwasang maluha.

-FLASHBACK-

Nung makauwi na ang barkada kami lang ni Mark ang natira dito kasama ang parents ni Czar. Nasa labas kaming dalawa habang nasa loob naman ang parents ni Czar kausap ang doctor. Pinapaliwanag siguro sa kanila ang sitwasyon ni Czar.

"Mark. Bakit nga pala natagalan bago nakarating dito ang Mama at Papa ni Czar?"

"Una ayaw paalisin ng kompanya si Tito dahil kailangan na kailangan siya nung mga oras na iyon lalo na at may hinaharap na matinding problema ang kompanya kung saan nag t-trabaho si Tito. Kaya naghintay sila ng tamang tyempo para makaalis."

"Grabe naman. Parang hindi makaintindi ang CEO ng kompanya na iyon a." Sabi ko at tumango tango lang si Mark.

"Pero nung paalis na sila na cancel ang flight nila nang dahil sa bagyo. Naghintay sila ng halos isang linggo para umalis ang bagyo at maka alis sila doon."

Wow. Parang ayaw talaga silang papuntahin dito.

"Buti na lang at hindi nila nasaksihan ang nangyari kanina dahil baka nahimatay si Tita." Alalang saad ni Mark. Pansin ko na masyado nga talagang close si Mark sa pamilya nila Czar. Alam na alam niya ang nangyayari sa pamilya nila e. Hindi ko maiwasang mainggit.

"Tama ka." Sagot ko sa kanya.

Napatayo kami bigla nung bumukas ang pinto sa kwarto ni Czar at lumabas ang doktor.

"Kamusta na po siya?" Sabay naming tanong ni Mark.

Ngumiti lang ang doktor, "Mas mabuti na ang kondisyon niya ngayon. Kailangan lang namin obserbahan kung may mga improvements sa katawan niya para maisalin na sa regular room."

Bangtan PrincessWhere stories live. Discover now