Chapter Twelve

63 8 6
                                    

Taehyung's POV

Kakabalik lang namin sa school at narito kami ngayon sa classroom, sinasamantala ang mga huling minuto na kasama ang mga anak-anakan namin. Masyado bang cheesy? Hehe. Hindi man halata sa hitsura ko pero mahilig talaga ako sa mga bata kaya nga laking dismaya ko na lang kanina nung malaman ko na ayaw ni Czar mag-alaga ng bata.

But turns out, she's a natural.

Nakuwento niya kasi sa akin na hindi daw siya magaling mag-alaga ng mga bata. Pero nung magsimula na ang project namin ay nagulat talaga ako dahil magaling siya at malambing kay Yewon. Nagseselos nga ako kasi kay Czar close si Yewon at hindi sa akin.

Maya-maya pa ay dumating na ang teacher namin pati na rin ang adviser ng mga bata.

"Kids. Its time to go." Malumanay na sabi ng adviser nila.

Marami sa kanila ang ayaw umalis lalo na sina Seungmin at Nari. Nari's whining about how much she hates her Oppa's girlfriend and that she wanted it to be Er Shen.

Si Seungmin naman ayaw kumalas sa yakap niya kay Namjoon. Di namin maiwasang mapangiti dahil ngayon lang namin nakita si Namjoon Hyung na maging ganito kalungkot.

"Appa."

Mula kay Namjoon Hyung ay napunta kay Yewon ang atensyon ko, "Ne Yewonnie?"

"For you."

Inabot sa akin ni Yewon ang isang card, "Para yan sa inyo ni Eomma. Salamat kasi pinasaya niyo ako ngayong araw."

Hinaplos ko ang mukha niya at hinalikan siya sa noo, "Kami pa nga ang dapat magpasalamat sayo e, kasi dahil sayo mas naging masaya ako ngayong araw na 'to ganun din kay Eomma mo."

Bumungisngis lang si Yewon.

Cute.

"Tama si Taehyung. Uri Yewonnie (Our Yewonnie), jeongmal kamsahamnida (Thank you so much). Ngayon ko lang na realize na ganito kasaya mag-alaga ng bata. Its like having a younger sister." Napangiti si Czar. Lumuhod siya para mapantayan si Yewon, "Bibisitahin kita paminsan-minsan. Arasso?"

Tumango lang si Yewon at niyakap siya ni Czar, "I'll miss you."

"Nado Eomma (Me too, Mom)."

"Kids, kaja." Nakangiting sabi ng adviser nila.

Kumalas si Yewon sa yakap nila ni Czar at niyakap ako ng mabilis.

"Mamimiss din kita Appa."

Hinaplos-haplos ko ang buhok niya, "Nado Appa (Me too, Dad)." Sagot niya sa akin saka kumalas sa yakap at pumunta na sa harap.

"Guys, gusto ko kayong pasalamatan sa pag-aalaga sa mga bata. Kapag may time kayo bisitahin niyo lang sila sa Elementary Department. Malapit lang naman ang classroom nila." Sabi ng adviser nila.

"Ne." Sagot namin.

"Okay. Tara na kids. Aalis na kami. Bye bye."

"Bye!" Paalam namin sa kanila.

Nung makaalis na ang mga bata ay kinausap kami ng teacher namin.

"I heard from the kids that you did a splendid job." Panimula ni Maam kaya naghiyawan kami, "I will announce the grades tomorrow. For now, you can go home."

"Goodbye Maam."

Lumabas na kami ng classroom at sumabay kina Czar.

"Uuwi na ba tayo agad?" Tanong ni Jungkook.

Bangtan PrincessDonde viven las historias. Descúbrelo ahora