Chapter Twenty Six

45 8 5
                                    

Mark's POV

Pagkatapos kong marinig ang pagmamakaawa ni Taehyung ay agad akong kumaripas ng takbo papunta kay Czar.

Isn't that what best friends are for? To be at a friend's side when they are in distress.

Wala e. Ako pa rin ang talo. Ako ang lumayo pero ako din ang unang lumapit. Hindi ko talaga matiis si Czar. Gawa 'to ng pesteng martyr kong pag ibig para sa kanya. 'Yan tuloy ako ang naghihirap. Pero kailangan ko munang kalimutan lahat ng iyon.

I need to set aside my feelings for my best friend's sake.

Matapos ang ilang minutong takbuhan papuntang elementary department ay naabutan ko si Czar na nakaupo pa rin sa swing katulad nga ng sinabi ni Taehyung kanina. Nakatingin lang siya sa kawalan habang umiiyak.

Napabuntong hininga ako.

Czar. Anong nangyari sayo? Nasaan na ang maangas na Czarina Jung na kilala ko?

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at tumigil sa harap niya pero hindi siya tumingala sa akin.

"Saan ka galing? Akala ko ba mabilis ka lang? Saan na ang sinasabi mong pain reliever? I need it badly right now, Kim Taehyung." Malungkot niyang sabi.

"Czar, its me."

Dahan-dahan siyang napatingala at tinignan ako ng matagal.

"Masyado na ba akong nasaktan para mag hallucinate ngayon? At pati si Mark nakikita ko sayo."

I bit my lip and sit para mapantayan siya. Hinawakan ko ang magkabila niyang balikat at niyugyog siya ng marahan.

"Czar. Ako 'to. Si Mark Tuan... ang best friend mo."

As much as it hurts to say the words 'best friend' but then its what I am to her. I just need time to accept it though.

"Mark... Tuan." Pag-uulit niya.

Tumango tango ako. Czar naman. Hindi ako sanay na nakikita kang ganito.

"Mark."

Tumango ako ulit, "Yes. Its me. I'm here."

"Mark~" Pagak niyang bigkas at sumunod ay ang tuloy tuloy na pag agos ng luha niya. Niyakap ko siya ng mahigpit at hinayaan lang siyang umiyak sa balikat ko. This is what I hate the most. Seeing girls cry. Especially the strong ones.

"Mark. You're back." Matamlay niyang sambit.

"I never left. Remember I told you I won't leave Seoul. I can never leave you behind 'cause you are the reason why I came here."

Hikbi lang siya ng hikbi. Sige lang Czar. Iiyak mo lang 'yan.

"H-he's here, Mark. H-he came back."

Napapikit ako. Nung marinig ko yun kanina mula kay Taehyung ay halos magwala ako at gusto kong hanapin si Jongsuk and beat the hell out of him. Bakit ba kailangan niya pang bumalik sa buhay ni Czar? Kung kailan na unti-unti na nagiging maayos ang buhay ni Czar ay doon pa siya bumalik.

"Eo-eottokhae? (What do I do?) B-bakit ganito Mark? B-bakit masakit pa rin? Mag tatatlong taon na pero bakit masakit pa rin? Bakit ba kasi hindi ko magawang kalimutan ang ulupong na 'yun? Kainis!" Inis niyang tanong.

Kahit ako man ay walang alam Czar.

"Ssssh. I thought you were strong? What happened to the bratty Czar?" Pabiro kong tanong sa kanya kaya nahampas ako sa dibdib.

"Iiiih~ wag kang ganyan. Alam mo naman na nag sesenti ako ngayon e." Maktol niya.

Tinawanan ko lang siya ng marahan, "Kaya nga kita pinapatawa para hindi ka na umiyak." Kumalas ako sa yakap at pinahiran ang mga luha sa pisngi niya, "Listen to me, Jongsuk is just a part of your past. Which means you cannot forget him instead show him that you will do well in the present and that he doesn't affect you anymore."

Bangtan PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon