Chapter Twenty Five

43 9 10
                                    

Taehyung's POV

Matapos maipakilala sa amin ng Dean ang bagong teacher namin sa Math na si Mr. Lee Jongsuk o mas kilala bilang ex ni Czarina Jung ay umalis agad si Czar. Ni hindi niya pinatapos ang announcement ng Dean. Gulat na gulat si Czar nung makita niya ang first love niya kanina. Maski ako nagulat din. Halos tadtarin ko ng suntok ang Jongsuk na yun para kasing wala lang sa kanya si Czar. Kita ko din naman na nagulat si Jongsuk nung makita niya si Czar pero agad din naman siyang nakabalik sa normal.

Bakit pa ba kasi siya bumalik sa buhay ni Czar? Kung kailan naging tahimik na ang buhay ni Czar ay doon pa siya bumalik. Kaya heto ako ngayon, halos mawalan na ng hangin sa baga sa kakatakbo dahil hinahanap ko si Czar.

Huminto muna ako sa kakatakbo at hinabol ang paghinga ko. Pakshit. Czar nasaan ka?

Halos naikot ko na lahat ng pwede niyang puntahan sa school. Wala sa canteen. Sa school garden wala din. Sa rooftop wala din. Saan ba ang babaeng yun? Pinag-aalala niya na ako ng sobra e.

Hindi ko 'to kaya mag isa. Kailangan ko ng tulong. Baka mamaya nagkasalisihan lang pala kami ni Czar.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at tinawagan lahat ng Prince at humingi ng tulong.

"Hyung." Jungkook.

"Anong problema?" Jimin

"Nakita mo na ba si Czar?" Yoongi

"Hindi pa nga e." Hingal kong sagot sa kanila.

"Nasaan ka ngayon?" Seokjin

"Nasa quadrangle. Hyung, tulungan niyo naman ako o." Sabi ko na may halong pagmamakaawa.

Desperado na kasi ako. Gusto kong makita si Czar. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Napaka reckless pa naman ng babaeng yun. At basagulera pa.

"Arasso. Pupunta kami diyan." Namjoon

"Wag kang umalis diyan Taehyung. At kumalma ka. Mahahanap din natin si Czar." Hoseok

"Komawo Hyung." Sabi ko saka pinatay ang tawag.

Umupo lang ako sa pinakamalapit na bench at hinintay silang anim na dumating. Walang ka tao-tao sa quad kasi class hours ngayon. Pag nalaman 'to ng School Director patay kaming pito. Kahit na Prince kami dito ay simpleng tao lang ang turing sa amin ng School Director.

"Hyung!"

Napalingon ako sa gilid nung marinig ko ang boses ni Jungkook. Kasama niya ang iba at mabilis silang pumunta sa kinaroroonan ko.

"Ang bilis niyo naman." Puna ko sa kanila.

"Kami pa ba. Basta nangangailangan ang isa to the rescue ang anim." Sagot ni Jimin.

"E ano nga bang problema?" Tanong ni Jungkook.

"Kanina ko pa kasi hinahanap si Czar pero hindi ko siya makita. Baka nga nagkasalisihan kaming dalawa e." Sagot ko, "Tulungan niyo naman ako. Nag-aalala na ako para sa kanya e."

Nakaramdam ako ng kamay sa balikat ko. Napatingala ako at nakita ko ang nakangiting mukha ni Seokjin Hyung. Eto ang astig kay Seokjin Hyung e, kasi nagiging nanay siya pagdating sa amin.

"Kalma lang Taehyung. Mas lalo lang lalala ang problema kapag hindi mo pinakalma ang sarili mo. Mag isip ka ng mabuti. Saan pa ba maaaring pumunta si Czar?" Tanong ni Seokjin.

Nag isip pa ako ng iba pang pwede niyang puntahan at may naalala ako. Baka nga nandoon siya.

"May alam ako Hyung. Pupunta ako doon ngayon. Tapos kayo maghanap din. Pag nakita niyo siya tawagan niyo ako agad." Sabi ko.

Bangtan PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon