Chapter Fifty

23 3 1
                                    

Yieun's POV

"Yieun?"

Napantig ang tenga ko at napalingon sa likuran.

"Uy. Gyeom!"

Lumapit siya sa akin at mabilis akong niyakap.

Akala ko si Jin ang tumawag sa akin. Si Yugyeom pala. Pero sigurado ako na boses ni Jin ang narinig ko e. Ay ewan. Namamalikmata lang siguro ako. Nagkamali lang ako ng dinig.

"Anong ginagawa mo dito?" Napatigil ako sa pag iisip sa tanong ni Yugyeom.

"H-ha? Ano. Council officer ako e tsaka kailangan naming siguraduhing maayos ang takbo ng program. Oo, ganun nga." Sagot ko sabay tawa ng marahan. Ang awkward yata ng sagot ko.

"Ganun ba?" Tumango na lang ako sa kanya. Ayoko namang isipin ni Yugyeom na kaya ako pumunta dito para makita si Jin.

Magsasalita pa sana si Yugyeom nang mag announce si Miss Yoo, Council Adviser, na mag uumpisa na ang competition.

"Alright guys. Mag uumpisa na ang program. Get ready. Mauuna ang Seventeen tapos sunod ang Got7. Pwesto na sa backstage guys. As for the officers some will stay here and some will be at the front to watch the program and help the judges and the staffs."

"Ne!" Sabay naming sagot.

Humarap ako kay Yugyeom at ngumiti, "Alis na. Kailangan ka na doon."

Ngumuso siya, "Hindi mo man lang ba ako i g-good luck? Baka magkamali ako. Kinakabahan ako, Yieun."

Natawa ako at umiling, "Si Kim Yugyeom? Magkakamali? Nako. Imposible. Alam ko na ikaw ang pinakamagaling sa grupo niyo. Tsaka wag kang kabahan sigurado ako, you will do great on stage."

"Jinjja?"

"Eung. You're Kim Yugyeom, the dancing machine. Wala kang dapat ikabahala. Bilib ako sayo." Sabi ko saka nag thumbs up sa kanya.

Nagulat na lang ako nang yakapin niya ako. Napakurap ako ng dalawang beses.

"Y-yugyeom."

Kumalas siya sa yakap at ginulo ang buhok ko, "Komawo. Pinalakas mo ang loob ko. Nawala na ang kaba ko. Papanuorin mo ako diba?"

Napatingin ako sa likuran ni Yugyeom. Nakatingin pala sila sa amin. Pati na din ang mga kaibigan ni Yugyeom. Binalik ko ang tingin ko kay Yugyeom at dahan dahang tumango.

"Komawo."

"Got7. Kindly get ready. You will be the second performer."

"Aalis na ko. Wag ka umalis pagkatapos ng program ha. May sasabihin ako sayo."

"Arasso."

Ngumiti lang siya saka ginulo ulit ang buhok ko bago umalis.

"Ya! Nakakadalawa ka na Kim Yugyeom!"

Tumawa lang siya at tumakbo papunta sa gilid ng stage kasama ng mga kaibigan niya. Napangiti na lang ako. Ang tagal din naming hindi nagkita ni Yugyeom. Siya pala ang kababata ko na matagal ko nang hindi nakita. Nasa iisang school lang pala kami ni hindi ko man lang alam.

Pero ang laki ng pinagbago ni Yugyeom sinula ng bata pa kami kaya nga hindi ko siya nakilala agad e. Dati rati sobrang taba niyang si Yugyeom kaya nga ang tawag ko sa kanya dati 'Piggy'. Hindi ko kasi alam ang pangalan ni Yugyeom dati kaya Piggy na lang tawag ko sa kanya, okay lang naman sa kanya. Tawag niya sa akin 'Yats' kasi payatot ako dati.

"Ladies and gentlemen let us start the dance competition. Let us welcome the first group. They call themselves, Seventeen!"

Lumabas ang 13 na naguguwapuhang binata. I know some of them kasi pinsan ko ang dancing machine at choreographer nila na si Kwon Soonyoung pero mas kilala bilang Hoshi.

Bangtan PrincessWhere stories live. Discover now