Chapter Twenty Seven

41 8 12
                                    

Third Person's POV

Si Taehyung na kakatapos lamang sa pagpapakiusap kay Mark na kausapin si Czar ay kasalukuyang kinakausap nina Jaebum.

"Taehyung."

Napatingin si Taehyung kay Jaebum na tumawag sa kanya.

"Hm?" Ang tanging sagot ni Taehyung. Nagtataka siya kung bakit parang halos lahat sila ay parang binagsakan ng langit sa dilim ng ekspresyong pinapakita nila, "Ya. Wae geurae? (Hey. What's wrong?) Bakit ganyan ang mukha niyo?"

"Nag-aalala lang kami sayo." Sagot ni Jinyoung.

Napakunot ang noo ni Taehyung sa sinabi ni Jinyoung. Sa isip ni Taehyung ay nagtataka siya sa inaasal at pinagsasabi ng mga barkada ni Mark. Na para bang alam nila ang problema ni Taehyung ngayon.

"Hyung, wala man kaming alam sa mga nangyayari sayo ngayon pero alam namin na may problema ka. Kayo nina Mark Hyung at Czar." Mahinang sabi ni Youngjae.

Natahimik na lang si Taehyung. Hindi niya din naman maitatanggi sa kanila na may problema nga talaga siya.

"Paano... niyo alam?" Tanong ni Taehyung.

"Hyung naman. Hindi kami ganun ka slow para hindi malaman na may problema ka." Sagot ni Kunpimook.

"Maja (He's right). Lalo na at lumuhod ka pa talaga sa harap ni Mark Hyung para lang kausapin niya si Czar." Dugtong ni Yugyeom.

"For you to swallow your pride and kneel down in front of Mark only means that you feel something special for Czar." Komento ni Jackson.

Napatingin ang lahat kay Taehyung na para bang naghihintay ng sagot. Binigyan lang ni Taehyung ng makahulugang tingin si Jackson at ngumiti bilang sagot.

"Ayun lang." Puna ng lahat sa sagot na binigay sa kanila ni Taehyung.

"E kung may nararamdaman ka pala para kay Czar bakit hindi ikaw ang kumausap sa kanya? Bakit kailangan mo pang magmakaawa kay Mark Hyung para kausapin si Czar?" Tanong ni Jaebum.

Nagpakawala si Taehyung ng isang malalim na paghinga at sinagot si Jaebum, "Dahil si Mark ang kailangan niya at hindi ako." Tumawa si Taehyung ng mapait, "Nakakatawa man isipin pero ganun ko kagusto si Czar e. Lahat gagawin ko para sa kanya. Lahat ibibigay ko para sa kanya. Kaya nga si Mark ang pinakausap ko sa kanya dahil mas maiintindihan siya ni Mark dahil mas kilala ni Mark si Czar kesa sa akin." Napatingin si Taehyung kay Jaebum, "Kung ikaw ang nasa posisyon ko, anong gagawin mo kung alam mo na ibang tao ang kailangan ng taong gusto mo para tumahan siya?"

Napayuko na lang si Jaebum at bumuntong hininga. Wala din naman siyang laban sa sinabi ni Taehyung dahil alam niya na tama lahat ng sinabi niya.

"Wala din naman akong karapatan pagbawalan si Czar na kausapin si Mark dahil hindi ko naman siya pagmamay-ari. Ni hindi nga kami e." Napatingala siya at tumawa, "Pakiramdam ko nga hinding-hindi magiging kami."

"Paano mo nasabi 'yan?" Tanong ni Jinyoung.

Tumingin siya ng diretso sa mga mata ni Jinyoung at sinabing, "Bumalik ang ex niya. Ang ex niyang winasak ang buhay niya at ang dahilan kung bakit ganito si Czar ngayon. Ang ex niya na hanggang ngayon ay mahal niya pa rin."

"Ang saklap naman ng buhay mo Hyung." Komento ni Kunpimook.

Ngumisi lang si Taehyung at tumingin sa labas ng bintana.

"Sigurado ka ba na mahal pa niya ang ex niya?" Tanong ni Jackson.

"Oo nga. Iiyakan niya ba kung hindi niya pa mahal? Sasabihin niya bang nasasaktan pa rin siya kung hindi niya na mahal?" Sagot ni Taehyung.

Bangtan PrincessWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu