Chapter 1: Sensitive

30.1K 752 54
                                    

   
Trey's POV
        
       
It's been three weeks since Summer and me saw each other. Ayun na rin sa sinabi niya na gusto muna niyang mapag-isa.

Naiintindihan ko siya dahil sa mahirap ang pinagdadaanan niya ngayon. Miski ako man sa kalagayan niya ay ganoon din ang mararamdaman ko.

Nakita at narinig ko ang lahat. Sigawan, Iyakan at pagpapaliwanag ang namayani nang araw na iyon.

It's my first time to see how miserable Summer is. Unang beses ko siyang nakitang umiyak ng ganoon. Bakas sa kanyang mukha ang matinding poot at galit nang malaman niya ang katotohanan.

He was shocked. Sino bang hindi magugulat kung makilala mo ang tunay mong ama, at ang amang kinikilala mo ng mahabang panahon ay hindi mo pala totoong ama.

Matinding galit ang bumalot sa pagkatao ni Summer at halos kulang na lang ay sapakin niya si Tito Fred--- his real father and Ash's too.

He even insulted Tito Fred. Lahat ng masasakit na salita ay nasabi niya sa ama lalo na't ipinaliwanag nito kung paano siya naging anak nito.

Ang tanga lang kasi ni Tito Fred. Inamin niya agad ang totoong dahilan kung bakit niya naging anak si Summer and it was a tragic story. Kaya ganoon na lang ang galit ni Summer sa ama nang malaman ito. And I'm not the right person to tell that kahit pa rinig na rinig ko ang lahat.

Ang birthday party sana ni Winter ay naunsyami dahil sa kagimbal-gimbal na rebelasyon. Naawa ako sa bata lalo na't ang saya-saya nito at excited ito sa kaarawan nito.

Nakakahiya rin sa mga kapitbahay at mga malalapit na kaibigang naimbitaan nila. Ang kambal na mismo ang humingi ng pumanhin para sa mga ito. Humiling ang dalawa na kung sana ay umalis na ang mga ito. Mukhang naintindihan naman ng mga bisita at umalis sa bahay.

Halos araw-araw ako nagtetext kay Summer at palaging tinatanong kung ano na ang kalagayan niya. Bilang matalik niyang kaibigan ay nag-aaalala ako sa kanya.

Nakatanggap naman ako ng mensahe sa kanya ngunit sa araw lang iyon ng Pasko. Binati niya ako at sinabing huwag ko na raw siyang intindihin.

Pinilit ko, subalit nag-aaalala talaga ako sa kanya. Gustong-gusto ko siyang puntahan sa bahay nila subalit napapangunahan ako ng kaba at hiya. Atsaka wala akong lakas ng loob para kausapin si Summer.

Baka kasi kapag nagpakita ako sa kanya ay mas lalo lang siyang magalit at kung makakausap ko siya ay baka may masabi lang ako na hindi niya magugustuhan.

Pinilit ko na lang ang sarili na maging mahinahon. Pakiwari ko tuloy, ako 'yong may problema eh. Hahayaan ko na muna siya baka gusto niyang mapag-isa.

Sayang lang dahil unang beses sana naming tatlo nina Mikael na magselebreyt ng pasko bilang magkakaibigan. And speaking of Mikael, alam na rin niya ito.

Like me, he was also shocked. Mas doble nga lang ang naramdamang gulat niya dahil nalaman niya na magkadugo pala sila ni Summer. Magpinsan sila nito.

Sinabihan ko si Mikael na huwag muna niyang ipagkalat ang nalaman lalo na sa mga magulang niya o kung sino pa man dahil wala kami sa posisyon para gawin 'yon. Sumang-ayon si Mikael at sinabing hindi niya ito ipagsasabi.

January na ngayon at pasukan na naman. Tapos na rin ang long vacation. Back to Academics again. Malapit na rin ang midterm exams namin kaya aral-aral na naman ito.

"Sa tingin mo, papasok kaya siya?" Tanong ko kay Mikael na ngayon ay kasalukuyang nagbabasa ng librong ginagamit ng kanyang guro sa isa niyang subject. Nag-aadvance reading daw siya dahil medyo mahirap daw ito.

Actually, magkapareha kami ng subject na 'yon at magkaklase kami. Habang siya'y nag-aadvance, ako naman nakatingin lang sa malayo at malalim ang iniisip. Useless ang librong kinuha ko. Ni isang letra nito ay hindi ko pa nabababasa.

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon