Chapter 15: One thing

17.2K 694 184
                                    

  

Trey's POV
  
  
Dumating ang pasukan. Sa wakas ay nasa second year na ako bilang college student. Sabay ulit kami nag-enroll ni Mikael at halos magkaklase na naman kaming dalawa.

Hindi namin kasabay si Summer nag-enroll tulad ng nakagawian namin dati. Dahil dito, nagtaka na si Mikael kaya hindi na niya napigilan ang tanungin ako. Matagal na raw siyang may napapansin sa akin at sa amin ni Summer pero hinayaan niya lang ako. Hinihintay lamang niya na magsalita ako sa kanya. At ngayon mukhang hindi na talaga niya nakayanan ang magtanong.

Inamin ko na sa kanya ang lahat at tahimik lang siyang nakikinig. Pero nagulat pa rin siya sa nalaman. Hindi niya inakalang mai-inlove ako sa kaibigan namin.

Hindi ko nakontrol ang pag-iyak sa kanya. Like ate Ganda he comforted me. Naiintindihan niya ako. Naiintindihan din niya kung bakit kailangan kong itago ang lahat sa kanya.

Pero nagtampo pa rin daw ang gaga dahil naglihim ako sa kanya. Bruha! Akala ko naiintindihan niya ako.

"Ano ng gagawin mo ngayon? I think you can't avoid him all the time."

Alam ko dahil malaki ang posibilidad na baka magkablock kami ulit o kahit hindi dahil nasa iisang school lang kami.

But I think I don't need to avoid him anymore dahil siya na mismo ang lumalayo sa akin. After na mag-usap kami sa locker room ay hindi na nasundan iyon.

He said that he don't want to lose our relationship as best of friends. That he will do everything para manumbalik ang dating kami. But what? Until now, he did nothing. Ni hindi na siya nagtetext at tumatawag.

Iyon naman ang gusto ko pero bakit parang  hindi ko matanggap na hindi na siya nagpaparamdam. Nagkikita kami minsan sa practice subalit tingin lamang ang ibinibigay niya sa akin. Malamig pa. Para akong masamang hangin na iniiwasan niya.

I must admit. Sobrang namimiss ko na siya. Miss na miss. May pagsisi man pero alam kong tama ang nangyayari.

Tama nga ba?

It's for myself. Kailangan kong pausbungin ang nalulumot kong kagandahan na matagal ng hindi naaalagaan. Ako lang din naman ang makakatulong sa sarili ko.

"Tulala ka naman." Napapitlag ako nang magsalita si Mikael.

Nandito kami ngayon sa classroom. Hinihintay ang prof namin kung dadating ba o hindi. I'm sure hindi papasok 'yun dahil first day of class pa lang naman. Kung papasok, makikipagchismisan lang or what not. Kalahati nga lang kaming nasa klase ngayon e.

"Si Summer ba 'yan?"

That name. Ugh!

"Hindi." Sagot ko sa kanya. Dahil kaibigan ko si Mikael at kilala niya ako, hindi agad siya naniwala.

"Is it him, right?" Hays! Oo na. Oo na.

Bahagya akong ngumiti bilang tugon.

Hindi na siya nagsalita na ikinunot ng noo. Baklang 'to! 'Yon lang pala ang itatanong.

Sabagay, hindi palasalita si Mikael. Kapag nag-uusap kami ay mabilis natatapos. Boring siyang kausap pero hindi naman siya boring na tao. Ang weird diba?

Enough with Mikael, wala naman akong maikwento sa kanya maliban sa malandi silang pareho ni Izzy kapag magkasama.

O edi sila na ang may love life. Gosh! Parang gusto kong kumain ng choco mucho. Bitter eh!

"Classmate ba natin siya?" Ako naman ang nagtanong. Kibit-balikat lang ang sagot niya at muling ibinalik ang atensyon sa pagbabasa. Nagtanong pa ako.

He's the Brother of My Kuya's Bestfriend (Book 2 Of MKB) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon